Paano ba gamitin ang volt meter? Ang
malimit na tinatanong nang mga newbie o baguhan sa motorsiklo. Marami na
sa ngayon ang naglipanang brand ng volt meter nariyan na ang rizoma,gks etc. Alam
nyo ba na ang orig nito ay KOSO na nagkakahalaga dati ng 900+ at ngayon ay alam
ko bumaba ang presyo nito at ang mga mura ay ang rizoma na sa market ito ay
wala pang 200 pesos. Syempre sa tibay ay alam mo na siguro na kapag mahal mas matibay,
dahil narin sa ang ordinaryong volt meter ay kapag nakapagbasa/reading ng
magneto power ay sira na kaagad ito. Kung kayat dapat ay siguraduhin laging
nasa ayos ang flow nang ating battery at check lagi ang fuse kung ok. Madali
lang naman na malaman na putol o lobat ang battery, ito ay kapag hindi kana
makapag push start at kapag ikinick start ay aandar ito yon lobat na iyon, at
posibleng sira na ang iyong volt meter kung ito ay mumurahin. Kung koso naman
ay 50/50 pa ang chance na masira ito dahil sa ito ay quality, pero sa mahal din
kasi kaya nagtatyaga nalang ang iba na mag ordinary volt meter nalang dahil sa
accurate hindi naman ito nagkakalayo may iilan na nagsasabi na may mali sa
ordinary ,dahil magkaiba sila ng reading ng original koso volt meter. Para sa
akin mapa original o class a pa yan ay dapat marunong kang tumingin ng iyong
voltmeter dahil una, hindi lang ito basta palamuti na pwede mong iilagay sa
iyong sasakyan, bagkus ito ay may tulong o dahilan para sa iyo. Ang normal na boltahe ng isang battery ay 12volts, pwede rin 11v
kapag ito ay naka off pa si engine ,pero dapat kapag ikaw ay nagbukas na nag
engine ay 12v-13v ka dapat dahil dito malalaman mo kung nagkakarga ba ang iyong
rectifier papauntang battery.
Sa mga fuel injected (YM JET FI @ BLUECORE)
ganyan dapat ang inyong reading sa inyong volt meter at pwede pang tumaas ng
14v or bumaba ng 10v as long as nakakapag start ka. Ngunit kung 11v na
pababa ay pwede mo na ito pakargahan nang tubig o charge sa charging
area(batttery supplier),pero kung kayo ay carb type tulad nang miosporty,mx,nouvo,fino
raider,wave 100 xrm ay ganyan din kung ang wirings nyo ay normal. Ang ibig kong
sabihin ay yung hindi ka nakabattery operated o fast charge, ngunit kung ikaw
ay naka-fastcharge ay iba dahil sa mataas na ang iyong psok nang kuryente
tipong pagka andar ng makina mo ay magiging 13v o 14v kaagad at kapag ni
revolution mo ay 14v-15v kaagad meaning malakas ang kuryente.
Normal ito sa mga naka fastcharge dahil ganun ang laro ng kuryente
nila kung kayat dapat ay laging bukas ang kanilang ilaw umaga man o gabi , para
sila ay makapagtapon ng kuryente upang balanse sa kanilang fastcharge. Dahil
kung hindi nila ito gagawin ay pwede silang masiraan ng battery,bulb,led at
rectifier, kung hindi tama ang paggamit.
Pero paalala sa mga naka fast charge o
naka class a na rectifier ay pwede kayong mag overcharge kahit nakabukas ang
inyong mga ilaw , dahil sa hindi na ito accurate na bigla bigla itong lalakas
ng pasok ng kuryente. Kaya mas maganda lang na may volt meter kayo para kita
nyo kaagad kung papaano ang gagawin. Kung magbubukas ba nang ilaw o magpapatay,
sa mga YM JET FI kasi ay hindi kayo pwedeng malobat dahil sa kayo
ay binubuhay ng battery na kung saan kapag lobat si battery ay shot down ang
inyong motorsiklo. Kaya ugaliin na icheck ang battery gamit ang volt meter.
Kung gusto nyo umorder ay pwede sa amin ang rizoma volt meter at
by order sa KOSO volt meter kindly private message the link https://www.facebook.com/alexander.moje we
do shipping or meet up or pick up.
At sa may gusto pang matuto sa kaalaman tungkol sa kanilang mga
motorsiklo ay pwede kayong magbasa-basa nasa gilid ang iba kong mga artikulo na
tungkol lahat sa ating motorsiklo. Ito po ay libre at walang bayad kung kayad i
enjoy po ang pagbabasa at kung maari ay ishare sa mga kaibigan o kamaganak.Thank
You
RIDESAFE AND GODBLESS ALL!
Hello po tanong ko lang boss nagpakabit kasi ako ng voltmeter ko sa mio sporty ko 2017 model brand new hindi pa sya naka fastcharge pero na sa 14 na kahit nasa idle pa lang yung voltmeter reading voltmeter po ba ang problema dun?
ReplyDeleteBoss ung sporty ko bumababa ng 11.9v pag nakapreno. Okay lang ba un?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenagka problema din ako sa kung bakit umabot ng 20.3 ang voltmeter ko kaya nasunog lahat ng led at lights ko sa mio sporty matagal kung napa repair kasi ipa ipa ang sabi sabi ng mga mekaniko kiso sira daw ang regulator kiso sira daw stator, kay bumili ako bagong regulator mahal pala sa yamaha shop mga around 2k pesos yun pala putol pala ang yellow wire sa regulator kaya parang naka fast charge palagi kaya ngayon ok na motor ko..
ReplyDeleteSir ano ang normal na voltage ng battery operated na mio sporty ??
ReplyDeleteBoss how much orig. na volmeter?
ReplyDeletesir tanong ko lng po if advisable po ba ang may fast charge sa mio125? Meron po kasi ako eagle eye,additional light (3bulb) charger ng motorwolf at led 3led?
ReplyDelete