Wednesday, January 25, 2017

BASIC TIPS PARA IWAS CHECKPOINT HULIDAP!


Marami na sa ngayong ang mga newbie O ngayon lang nagmomotor hindi pa nachecheckpoint at ang minsan ay takot magpacheckpoint,

bakit nga ba nakakatakot magpacheckpoint? bakit ba nanghoholdap sa checkpoint? pwede bang magcheckpoint ang pulis sa alanganing lugar? paano ba ako makakaiwas sa checkpoint na wala silang rason o butas na makikita upang perahan ako?  anu ang tamang checkpoint ng pulis?

ito ang mga tanong na sasagutin natin para sa mga kapwa ko rider na sawa na sa mga buwayang mga lespu kahit ang iba ay matitino ngunit may iilan parin na mukhang pera talaga!!

no. 1 bakit nga ba nakakatakot magpacheckpoint? 
dahil sa ang mga pulis ay  maangas sa checkpoint na minsan ang tanong kaagad kapag iligal ang checkpoint nila ay ganito ang tanong "LISENSYA MO!!" walang kaamo amo na para ka kaagad magnanakaw dahil gusto nila kaagad na matakot ka para sumunod ka sa gusto nila( PERA MO)
yan ang dahilan kung bakit takot ang mga rider dahil lamang ang hulidap sa checkpoint, atkung ikaw ay nasa ganitong sinaryo  ay wag kang kabahan at wag mo kaagad ibigay ang lisensya mo bagkus ay tanungin mo muna o daanin mo sa kwento tulad ng"SIR MAY HINAHANAP PO BA KAYO KAYA KAYO NAGCHECKPOINT?" dito kasi sa tanong mo ay magegets nang pulis na may alam ka at iiwasan kana kasi ang mga baguhan ay bigay kaagad ang lisensya kaya nakokotongan dahil gagawan na kaagad nang butas nang kotong cops na kahit walang violation ay magkakaron dahil alam niya na walang alam sa batas ang isang rider, dahil na rin nasa kanya na ang lisensya ay wala na itong palag, ganito lang yan kasi ang lespu psychology ang ginagamit nila tanong sagot tanong sagot lang gets mo?pag nagtanong siya at hindi ka kaagad makasagot patay ka kung ang motibo ng pulis ay mamera lang pero kung normal operation ay ganito parin ang method nila tanong sagot tanong sagot, pero for assurances lang na ikaw talaga ang nasa lisensya mo  pinapakiramadaman lang niya na totoo ang sinasabi mo base sa dokumento na pinakita mo,ang tanong nyan ay"taga saan ka,ilan taon ka na?kaninong motor ito? " ganyan ang tanong kapag normal o totoo ang checkpoint pero kapag iligal ang tanong kaagad niyan ay violation "alam mo bang bawal ang nakatsinelas?bawal ang walang helmet ang angkas mo? puro violation kaagad kaya kakabahan kana kaagad kaya dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo sa pagsagot nang tama at maayos sa pulis dahil kahit gaanong hiyaw nila sayo ay dapat magpakumbaba ka parin at kung mabibivideohan mo ay masmaganda
kaya wag basta matakot sa checkpoint at alamin ang mga bawal at hindi bawal nang sa ganun ay kaya mong dipensahan ang iyong sarili kapag ikaw ay tinatanong dahil kung masasagot mo kaagad ang tanong niya ay maiilang na siya sayo at mapapaisip na "wala anamn tayo mapapala sa isang yan alam niya ang batas"pansinin nyo rin na kapag iligal ang checkpoint dalawa o tatlo lang ang pulis na naandun bawal po yun dahil dapat organised sila at kasama ang hepe at may banner sila sa harap 1 meter ahead sa checkpoint area kapag iligal na tulad nito ay hindi nila pinapara ang mga naka vest o nakagroup dahil alam nila na kapag ang isang rider na naka suot nito ay disiplinado na kapag tinanong nila ay makakasagot kaagad sa mga tanong nila at masasayang ang pagod nila dahil ang motibo nila ay mamera lamang,kaya ang target nila ang sibilyan na walang alam,







no. 2 bakit ba nanghoholdap sa checkpoint?
dahil sa ang mga pulis na kurakot ay inaabuso ang batas at ang mamayan o rider na ignorante sa batas kaya  nagagawa nila ito para sa pansariling mithiin na manghoholdap sa checkpoint na hindi iniisip na pinaghirapan natin ang perang hinihingi nila, pwede naman silang manita at manticket kung ito ay linya nang kanilang trabaho ang ibig ko kasing sabihin ay hindi po lahat nang pulis ay pwedeng manticket dahil kahit sila ay pulis may kanya kanya silang departamento  iba ang sa traffic at iba ang sa service kaya wag kayo basta basta papadarag sa mga pulis na abusado,

no.3 pwede bang magcheckpoint ang pulis sa alanganing lugar?  
pwede kung ito ay legal o may kasama silang hepe mobile at banner sa harap dahil sa gingawa nila ito sa mga tago upang hindi basta basta makita ng mga magnanakaw o kriminal na may checkpoint sa harapan,ngunit kung ito ay kulang sa nabanggit ay umalalay na kayo na pwede kayong kotongan ng nakaharap na pulis pakiramdaman lamang at dapat ay maayos ang pakikipagusap






no.4 paano ba ako makakaiwas sa checkpoint na wala silang rason o butas na makikita upang perahan ako?
dapat ay alam mo ang bawal at hindi bawal tulad nang sapatos helmet at over loading o tatlo sa motorsiklo  yan ang mga basic na batas na dapat alam mo dahil sa checkpoint yan ang malimit na sinisita dapat lamang na ikaw ay may rehistro lisensya na updated upang hindi ka nila magawan ng paraan na abusuhin at dapat rin na wag ka magbigay nang motibo na ikaw ay may dalang pera lalot ikaw ay bubunot sa iyong wallet at bulsa dahil kung may makitang ninoy aquino dyan sa iyong wallet ay pwedeng gawan ka nang ibang butas dahil sa positibo sila na may pera sila at may makukuha sila sayo, pero kung ikaw ay walang walang o wala silang nakita at ikaw ay kompleto ay hahayaan ka lang nila na umalis dahil wala kang violation,minsan din kasi tayo ang nagbibigay nang rason upang gawin nila ito sa atin kung kayat dapat ay tayo mismo ang maging alerto o wag mgbigay sa mga mapansamantala,



no.5 anu ang tamang checkpoint ng pulis 
ang tamang checkpoint ay dapat sila ay marami organise,may hepe, may signboard at may mobile na nakaabang sa gilid,wag matakot dahil kapag legal ang checkpoint ay mababait ang mga pulis na kahit may violation tulad nang tsinelas ay pagbibigyan ka at sasabihin na wag nang uulitin pero kung ang papeles mo ay kulang tulad nang orcr lisensya ay titicketan ka nila o kukunin ang iyong sasakyan tandaan na masmaganda na wag tumakbo kapag may checkpoint legal man o iligal as long as kaya mo dipensahan ang iyong sarili ay mas ok maging maalam lang sa batas nang ating bansa, upang lahat tayo ay hindi maabuso



sana ay nakatulong ako sa munti kong nalalaman at kung may gusto pa kayong malaman para sa inyong motorsiklo ay pwede kayong magbasa sa iba ko pang mga artikulo na nasa gilid

RIDESAFE AND GODBLESS!!


1 comment: