Bakit kaya ang bilis mapudpod ang mga bagong breakpad ngayon kaysa sa mga lumang scooter?
yan ang marami kong tanong na naririnig sa mga costumer na pumupunta sa shop namin,
dahil sa tatlong buwan palang daw ang motor nila ay may kumakaskas at kumakalansing na kaagad sa unahang preno nila at hirap na silang mag preno yung tipong tukod kana sa pisil ay hindi parin kumakagat ang preno sa harap na kung minsan ay magdudulot nang pagkabangga o aksidente,dahil ang preno ang napakalaking parte ng isang motorsiklo kung wala ito ay pwede mong ika disgrasya o ikamatay,
kung kayat maia-advice ko na every 3 months ay ugaliin magpalit ng inyong breakpad kahit kasi sabihin na natin na stock ito ay hindi ito ganun katibay dahil na rin siguro na ito ay made in indonesia dahil ang quality sa nasabing bansa ay hindi ganun kataas kung kayat magpapalit ka rin after 3 months at ang presyo nito ay 350+ pesos kung ikaw ay bibili sa dealer mo, medyo mahal pero hindi ganun ka-kapit at hindi masyadong tumatagal,kaya marami sa mga scooter user ang bumibili ng masmahal o masmura ngunit quality na breakpad, at nariyan na ang racing boy breakpad na v1 na sa quality ay kaya nya tapatan o higitan pa ang stock na breakpad ng scooter bukod kasi sa pangalan nito na ay subok na itong tatagal kaysa sa inyong stock na 3months lang higit pa doon ay makapit dahil iba ang materyales ng nasabing breakpad kaya kung magpapalit kayo ay subukan nyo muna ito upang makamura at makasiguradong makapit ang inyong break,
masasabi ko kasing mas maganda na aftermarket ang ipalit dahil na rin sa stock na breakpad ay hindi ganun ka kapit at tumatagal lalo na ang mga bagong scooter na fuel injected na ang makina sila yung mga motorsiklo na mabilis magpalit ng materyales dahil imagine 3months palit agad breakpad, naikukumpara ko ito sa dati kong scooter na carburator type na scooter tumatagal sya ng 9 months up bago mo maramdaman na ito ay palitin na,may quality kasi na ibinibaba ng mga maker kung kayat ang balik nito ay sa mga user na palagiang magpapalit ng kanilang mga parts,kaya kung owner ka na nang isang fuel injected scooter ay lagi mo nalang icheck ang iyong breakpad,tandaan dito nakasalalay ang buhay mo kung kayat laging siguruhin ang safety sa ating riding araw araw,
sana ay nakatulong ako sa inyo at kung gusto pa magbasa-basa ay may mga articlke sa gilid na pwede ninyong basahin at para matuto kayong magbutingting sa inyong mga sasakyan,para narin madagdagan ang inyong kaalaman,
THANKS FOR READING RIDESAFE!!!
Astig pre. Habaan mo pa gawin mong doble nyan kung kaya pa :) or kahit dagdagan mo pa ng kalahati nyan. swabe na yan.
ReplyDeletesalamat pre
ReplyDelete