Saturday, January 14, 2017

MAY IDADAGDAG BA ANG CHICKEN PIPE SA BILIS NG MOTORSIKLO?


Yan ang laging tanong mga taong gusto magpalagay nang chickenpipe sa kanilang mga scooter o mga de kambyo,dahil sabi daw kasi sa kanila ng ibang mga tropa ay lalakas daw ang motorsiklo nila dahil makakahinga ang kanilang makina ika nga nila ay para hindi daw pigil ang takbo!

alam nyo ba na kapag stock na makina ay hindi talaga dapat naka chicken pipe?
dahil sa ito ay ginawa lang upang maglikha ng mataas na tunog! pwede ito sa mga nagbore-up ng kanilang makina dahil sa syempre mataas na cc ng kanilang makina kung kayat need nila maglaki ng elbow ng pipe,dito papasok ang term na pigil ang takbo,oo totoo ang naka higher cc ay pigil na sa takbo kapag nagbore-up kaya kailangan nila palitan ang kanilang pipe upang mabigay ang labas na hangin ng kanilang exhaust kapag kasi ang stock ang ginamit ay maliit ito kung kayat hindi maganda ang labas ng hangin, pero kung ang scooter mo naman ay stock pa ay pwede rin naman na magpalit ka nang gantong pipe pero expect mo na medyo babagal ka at lalakas ka ng konti sa iyong gas consumption, totoo lalakas ka sa gas,dahil narin sa may mga gas  na masasayang kapag nagpipe ka,kasi ang chicken pipe ay masmalaki ang elbow o tubo hindi tugma ika nga ,pero hindi mo naman masyado itong ramdam, tandaan mo lang na ang pipe na nakalagay sa iyo ay disenyo mismo ng maker na nararapat para sa iyong cc na makina kung kayat kung ikaw ay magpapalit ay tanggapin mo lang yung mga consiquences na ito, sabagay marami naman kasi sa mga costumer ay kaya gusto lang mag-pipe ay dahil gusto lang magkaron ng konting ingay at para daw marinig sila ng ibang mga sasakyan na kasabayan o kasalubungan nila, minsan naman ay dahil sa  uso o marami kasi ang nagamit ng chicken pipe  sa panahon ngayon kahit mga stock ang mga makina, maadvise ko lang siguro ay kung magchickenpipe kayo ay ternohan nyo nalang ng bola o flyball para narin mabawi ang mawawalang arangkada sa inyong makina, ang flyball o bola kasi ay parang sprocket sa mga de kambyo pwede kang malakas sa arangkada pwede malakas dumulo alin man jan ay pwede sa inyo dipende nalang din sa inyo kung ano ang trip ninyo pra sa inyong scooter, masmaganda lang na nalaman nyo para pwede nyo ikumpara balang araw kapag na gets nyo na ang mga nilagagay nyo sa motorsiklo nyo ngayon ay natuto kayo sa epekto ng inyong chicken pipe tandaan ito ay aking pananaw nasa sa inyo na kung papaano nyo ito mauunawaan at maiaapply,
kung may mga gusto pa kayong malaman ay pwede kayong magbasa sa gilid kasi ay may mga article pa ako na pwede nyo basahin at sana ay makatulong ako sa inyo..

RIDESAFE EVERYONE GODBLESS

14 comments:

  1. sir pag mtrt pipe ang ginamit sa stock engine wala pa rin gain yung motor?

    ReplyDelete
  2. sir anong mgandang pipe ba sa stock engine mio i 125

    ReplyDelete
  3. Sir maganda din ba gamitin ang NB racing pipe

    ReplyDelete
  4. hay nako ang tanga naman walang connect ang pipe at gasoline consumption...sa makina yan..dahip jan sinusunog ang gasolina...

    ReplyDelete
  5. bawal pa rin po ba ang chicken pipe lalo sa bacoor cavite?

    ReplyDelete
  6. Sir ano poh ba magandang pipe sa Mio soul i 125? Maraming salamat poh sa reply

    ReplyDelete
  7. pag ba naka stock pipe sabay naka59 nakakasira ba yun?

    ReplyDelete
  8. Sir ano pa po ang ibang papalitan pag nag chicken pipe ako sa mio i125s?

    ReplyDelete
  9. Thank's for information sir 🙂

    ReplyDelete
  10. Sir ok lang poba ang chickenpipe sa honda wave 110 or kung maglalagay po ako ng chicken pipe ano pong mga kakailanganin kong palitan?

    ReplyDelete
  11. Sir bawal poba yong chicken pipe? Mxi125 po yong sakin kakaplit kulang ng bola.

    ReplyDelete
  12. Ang orbr v3 ba ay pwede sa stock engine mio sporty 2014?? Thank you po

    ReplyDelete
  13. Sir may nabili akog motor gilas 125 ang sabi nakaset v3 daw,at naka chicken pipe na din, pero kanina lang ibinalik ko stock na tambucho pansin ko sa makina parang mas mainit kaysa dati.hingin kobpo sna opinion ninyo kung mas okay po ba na stock pipe o chicken pipe sa nka set na wave..

    ReplyDelete