Sa dami ng mga naglipanang mga grupo ngayon sa Pilipinas lalot ang dami ng uri ng mga motorsiklo, nandyan yung grupo na company,barkada,kapwa uri ng motor,kulay ng motor,at ibang ma sikat na riders group ang makikita mo sa kalsada ngayon. Madali narin dahil may kanya kanyang mga vest na nagsisimbulo ng kanilang group, may kanya kanya tayo ng pananaw sa pagpili ng ating grupong sasalihan o bubuuhin. Pero isa-isa lang ang layunin,yun ay ang makatulong sa komunidad at sa kapwa rider na may problema, dahil ang bawat mga grupo ay may kani-kaniyang mga layunin o aktibidad nitong pasko kasi marami ang nagsaboy ng tulong sa mga kalsada ang mga grupo upang makapagbigay ng konting makakain sa mga mahihirap na sa kalsada naninirahan. Kung ikaw ay magiging aktibo sa mga ganitong grupo na marami ang nagagawa sa komunidad ay napasarap sa pakiramdam yung mararamdaman mo na para kang isang bayani para sa kapwa. Gaganahan ka narin dahil sa ikaw ay pupurihin ng iba dahil sa simpleng tulong na maibibigay mo ay malaking ginhawa sa knila. Tulad nalang halimbawa ng nasiraan ng motorsiklo ay pwede mo itong tulungan kung ikaw ay may tools para ayusin kung simple lang ang naging problema. Kung hindi na kayang gawin ay kailangan nang dalhin sa mga malapit na shop ay pwede ka parin tumulong sa pamamagitan ng pagtulak dito,dahil imagine kung napakalayo ng itutulak ng nasiraang rider ay aabutin ng 2-3 oras ay labis ang magiging pagod nito. Ngunit kung maitututlak mo ay malaking tulong dahil pwedeng 15-20mins ay may makikita na kayong malapit na shop na pwedeng mapagpagawaan. Ito yung simpleng bagay na maitutulong mo sa kapwa mo rider na bagkus ay simple pero malaki ang maitutulong mo.Pero hangang saan nga ba ikaw pwedeng maging aktibo sa grupo?Ipinapaliwanag rin naman kasi ng ilan na hindi priority ang pagsali o maging aktibo sa isang grupo, sapat na minsan sa isang buwan ay magpakita ka sa mga kagrupo mo upang malaman ang mga aktibidad na gagawin, Dahil dapat una lagi ang panahon mo sa pamilya mo at sa trabaho, yan kasi ang no. 1 at no.2 na hindi pu-pwedeng mawala sa iyo bilang isang rider.Dapat alam mo ito dahil ang grouping ay friendship lang wag mo ibuhos ang lahat maganda na idivide ang oras sa pamilya at kaibigan mas mahalaga parin ang pamilya. No.2 trabaho dahil ito ang financial mo o pangkuhanan ng panggastos mo sa motorsiklo,pagkain,gamit,gasulina kung wala ito wala karin. Kung kayat dapat ay matuto kang ibalanse ang iyong panahon upang walang mawala sa iyo balang araw. Pwede naman kasi na magparamdam ka lang sa facebook at pa-attend-attend kung minsan,iparamdam mo lang na nakikiisa ka sa aktibidad ng grupo at magsabi kung hindi mo kayang gawan ng paraan na makasama, tiyak naman na mauunawan ka ng mga kagrupo mo dahil sila ay ganun din ang pananaw. Ang punto kasi dito ay yung kung paano mo babalansehin ang oras mo para sa mga karupo mo pamilya mo at katrabaho, kaya sana ay magkaron ka ng idea kung papaano mo aayusin ang panahon mo ngayon. Ipagpatuloy mo lang ang layunin ng grupo mo na makatulong sa komunidad at at ikaw bilang isang miyembro na handang tumulong at makisama sa lubos na makakaya. Kung magagawa mo ito ay magiging huwaran ka sa iba na baguhan palang sa pagsali sa isang grupo dahil maituturo mo kung papaano mo na di-divide ang oras mo sa lahat ng bagay, sana ay may naitulong ako sa iyo sa pag manage ng time mo!
RIDESAFE AND GODBLESS
No comments:
Post a Comment