Thursday, January 26, 2017

MAGINGAT SA PAG BILI NG 2NDHAND!

Kung kayo ay bibili nang segunda mano ay dapat na masmaging maingat kayo kaysa sa  bumili kayo ng brandnew! dahil sa ito ay may hidden issue na minsan ay hindi nadedeclare sa bentahan minsan kasi ay hindi rin alam nang nagbebenta or kaya binenta ay dahil may issue, dipende na rin kasi ito sa  issue o sira nang isang bagay na binibenta may mild at may minsan ay talagang sira at kaya binenta ay para maipasa sa iba ang issue,kaya marami ngayon ang mga issue sa mga bogus seller,not declairing isssue at marami pang iba, in that part kasi pareho silang mali oo mali dahil ang buyer mismo bili lang ng bili at hindi tinitignan muna o kinikilatis ganun kasi ang pinoy basta makakamura go lang nang go, para saan ba ang mura?para ipagmayabang na nakakakuha ka nang mura o sadyang kuripot lang talaga? tapos sa huli post na nang ganto manloloko si ganito diba? parang pagbili lang yan nang secondhand na motorsiklo kung hindi ka marunong magcheck nang makina ay maloloko ka nang seller kasi sino ba naman ang seller na sisiraan ang kanyang paninda diba?edi wala siyang kinita? sample "mio sporty 20k nalang kayo na lang po magpaayos nang sira wala na kasing time" yan kung ganyan ba ang post ay bibilhin mo?hindi for sure kasi alam mo na  may sakit nang ulo kang makukuha dyan doon na papasok yung mga negative na isip, kaya benta dito benta dun nang walang issue pero ang daming hidden, samplelan ko kayo ngayon nang isang item na nakakaloko lalot sa mga newbie ay hindi alam na ito pala ang issue nito (picture below)

sa pagbenta kasi nang isang seller nang secondahand isa lang ang mindset nya picture the best part of the item, para maganda ang tingin nang buyer( oi ang kinis panalo!!!!) ganyan magisip ang  isang buyer
pero sa pagbili nang lever ay hindi lang basta panlabas na anyo lang  ang dapat mong tignan pati panloob syempre pogi nga lever mo branded pa, pero hindi naman nagpafunction nang ayos edi wala rin diba? (picture below ang sample nang issue)


Yan ang issue na hindi alam nang kuripot na buyer (sorry for the word) yan dot na iyan ang nagiging sira kapag matagal nang nagamit nang unang may ari dahil ito ay trigger point nang lever para ibato sa pump na magbebreak at mag breaksignal habang tumatagal  ay kumakayod ito dahil ang lever ay made of alloy at ang tinatamaan nito ay bakal kaya napupudpod ito.






mabalik tayo sa fresh na pic yan ang tipikal na sample nang isang secondhand na  lever kung hindi mo kasi alam ang  issue mabubulag ka talaga dahil sa  makinis at branded pa kaya ikaw ngayon alam ko kung newbie ka ay nagulat ka na doon pala ang issue nun kahit walang gasgas ito sa labas at makinis,



pwede mo naman siyang gamitin kaso lagi nga lang naka break ang preno mo dahil sa pudpod ang  lever mo masmalalim kasi masmalala dahil hindi na ito nagkocontact sa bakal o pump, pwedeng idulot nito ay lobat dahil malakas sa battery ang breaklight at ito ay silaw sa likod mo na kasabay mo sa kalsada, pwede parin naman bumili nang ganitong issue pero wag  lang masyadong malalim at tanggapin lang na maiksi na ang buhay nito dahil mapupudpod ulit ito kapag ginamit mo


KAYA MAGINGAT AT MAGING MABUSISI SA PAGBILI NANG KAHIT ANU MANG BAGAY NA SECONDHAND! 

sana ay nakatulong ako sayo sa aking daily blog at sana ay ibahagi mo sa mga kaibigan mo sa pag share nang aking artikulo at pwede ka  parin magbasa sa iba pang artikulo na nasa gilid sana ay maappreciate ang aking effort salamat!

RIDE SAFE AND GODBLESS!

No comments:

Post a Comment