Wednesday, January 18, 2017

PAGMOMODIFIED NG MOTOR BAWAL NA DAW!


Mahigpit na ipinagbabawal ng LAND TRANSFORTATION OFFICE ang tinatawag na modification or pagpapalit ng anu mang bahagi nang ating sasakyan motorsiklo o kotse man. Pwera nalang daw kung ito ay gawa ng maker ng ating sasakayan tulad nalang ng YAMAHA,HONDA,SUZUKI,KAWASAKI, at sa kotse ay MITSUBISHI,HONDA,CHEVROLET,MAZDA,Etc. Dahil ayon sa kanila dapat nga ay sa maker mismo gawa ang inyong nilagay dahil sa manufactured o quality at safety nang isang bagay na ilalagay, Dahil ang ika nila ay ang mga naimomodified ng mga tao ay mumurahin o angkat galing china na hindi dumaan sa quality control kung kayat pupwede daw ito maghantong sa isang disgrasya dahil sa ito ay walang quality, Kahit mga ilaw ay kanilang binabawal dahil daw sa ang mga aftermarket lights ay sobra ang lalakas nang buga ng ilaw kung kayat delikado, dahil sa pwedeng mabulag ng panandalian ang kanyang kasalubong at pwede maghantong sa isang aksidente.



Naroon na tayo na ang mismong maker ang naglalabasa ng kanilang version nang kanilang modernong led lights, ngunit marami ang mga nagsasabi na ito ay hindi sapat sa pangangailangang ilaw ng isang rider kung kayat mas gusto parin nila itong palitan upang mabigay ang  pangangailangan nila sa gabi-gabi nilang pagbyahe.  Dahil narin sa  napaka dilim  ng mga kalsada sa ating mga daraanan ay kailangan talaga nila ito, may mga modification din naman ang totoo na may mali sa ginagawa ng isang rider. Pero nandun tayo sa ikakaganda ng ating pagbyahe sa araw araw dahil kung ating susundin ang batas ay mawawalan tayo ng freadom na gawin ang gusto natin. Alam naman na ang Pilipinas ay isa narin sa aktibo pagdating sa pagmomodified. Nandyan yung kahit saan ay mayroon kang makikitang magagandang motor at naglalakasang mga ilaw, dahil parang damit nalang din ito na kailangan ng isang tao para sa kanilang sasakyan. Marami sa mga nakakahalubilo ko ang nagsasabi sa akin hindi naman sila masyadong nababahala kahit alam nila na bawal ang pagmomodified ng isang motorsiklo, dahil ika nila ay mamamatay ako kapag mahina ang ilaw ko sa gabi dahil sa kakulangan ng gobyerno na lawakan o paramihin ang mga posteng may ilaw at kalsadang puro lubak may mga tao narin na naaksidente at ang kanilang sinisisi ay ang napakahina nilang ilaw. Kung kayat kahit bawal ay pinipili nalang nila na magpalit ng mas malakas,at yung mga tao naman na mahilig sa accessories ay tanggap na kung sila ay mahuhuli ay pwedeng magmulta, Dahil kung kanilang susundin na walang galawan sa nabiling unit ay mapagiiwanan sila at mawawalan ng libangan na magmodified, dahil para sa kanila ang ginagawa nila ay hindi perwisyo kundi ekpresyon ng kanilang sarili sa kung paano nila pagandahin ang kanilang sasakyan. Dahil kung ang knilang sasakyan ay madumi at walang kahit na anung burloloy ay parang walang kagana-gana, ngunit kung ang kanilang sasakyan ay malinis at marami kang accessories na makikita ay ramdam nila na parang sila na rin ang pinupuri mo (feeling pogi) yun ang kanilang nararamdaman. May iba rin kasi na nagpapatunay na ones in a blue moon mo lang naman makakaharap ang LAND TRASFORTATION OFFICE,dahil sa dami nang kanilang hawak ay hindi nila kayang suyurin o sawayin ang mga mga mananakay sa gusto nilang gawin sa kanilang mga sasakyan. May mga punto ang lahat ng nabanggit nasa sa inyo nalang rin kung papaano mo uunawain upang isalin sa iyo bilang isang user ng isang sasakyan,batas o kalayaan, pwede mong gawin ito kung alam mong hindi ka makakaperwisyo sa ibang taong nasa paligid mo as long as tama ay gawin pero alam mo kung anu ang pwedeng kahantungan sa huli. 


Sana ay nakatulong ako sa malikot niyong isipan at sana ay palagian kayong magtanong nang bagay para sa ikabubuti ninyo.May mga article ako na pwede nyong basahin sa gilid at ito ay tungkol lahat sa ating sasakyan, im sure na may mapupulot pa kayong kaalaman kaya pakibasa nalang kung may oras pa.

RIDESAFE GODBLESS

No comments:

Post a Comment