Tuesday, January 31, 2017

MXI 125 O MIO SPORTY!!



YAMAHA MXI 125 OR YAMAHA SPORTY?

Kung nahihirapan kayong  pumili ay tutulungan ko kayo upang malaman ninyo kung ano ba taga ang nararapat na scooter para sa inyo ,dahil magbabase tayo sa kung anu ang meron ang isang tao hindi porket may pera  o hindi porket sa isip ay kaya ay yun na ang pipiliin. Sa pag pili kasi nang motorsiklo ay dapat na magisip nang malalim para maramdaman na  ito ang talagang para sa iyo, may iba kasing mga tao na basta nalang kumukuha nang unit(motorsiklo) na hindi na nagiisip yung tipong basta nalang dahil kursunada. In the end ay mababatak o mapapabayaan dahil hindi maasikaso dahil sa katamaran, tandaan na ang pagkakaroon nang isang motorsiklo ay isang obligasyon dahil to ay napakalaking tulong sa atin. Dapat ay mahalin at alagaan, kaya nga nakakatuwa yung mga tao na talagang pinapaganda ang kanilang mga motorsiklo, dito  mo kasi makikita kung gaano nila pinahahalagahan ang bagay na meron sila. Para doon sa mga nagbabalak palang ay gagawa ako nang konting review para sa dalawang unit na ito upang  mkapagbigay sa inyo nang konting tip sa pagpili at kaalaman na kung anu ba dapat ang gagawin kung ikaw ay mayroon nang ganitong unit,magumpisa tayo sa mxi. 




YAMAHA MIO MXI 125 F.I

First released noong 2012 or 2013 sa pilipinas at hanggang ngayon ay nasa market parin ito dahil narin siguro sa taas nang sales nito sa selling. Napakaganda kasi nang porma nito o tindig palang mapapawow kana talaga, aaminin ko sa inyo pangarap ko ang magka unit nang ganito dahil sa kahit ako ay poging pogi sa itsura nito. Sa fuel consumption napakatipid dahil sa ito ay YM JET F.I. na kung saan ay control ang pasok nang gasolina na kung saan binabalanse niya ang kain upang walang tapon o lahat ay pasok para sa hinihingi nang carburetor. Kung kaya't ang full tank mo ay aabot kahit saan yung tipong kahit ilang araw hindi ka magpa GASOLINA ay hindi mo proproblemahin dahil sa hindi mauubos basta bastaang gas nito. Sa porma naman ay napaka pogi nito na pwede mong lagyan nang gustong accessories, pwede karing mag h.i.d projector na napakalakas na ilaw dahil ito  ang pinaka magandang lagyan dahil sa halos plug and play ito para kasing ang dating nang mxi kapag walang HID ay simple pero kung babudgetan mo para dito ay talaga naman popogi ito at masarap lalong dalhin sa kung saan man gusto.

ISSUE:  Base sa aking mga naririnig sa mga user mismo nang MXI ay namamatay daw ito nang kusa na nagugulat sila na biglang mamatay habang nasa  byahe,  para sa akin naman ay siguro ay may maluwag lang sa battery line dahil ang YM JET F.I. TECHNOLOGY ay umaasa sa battery  ng isang scooter na kung ito ay lobat o drain ay titirik ka sa kalsada na kahit magparescue o magpa jumper/series ka ay hindi uubra dahil sa aandar nga motorsiklo mo kapag nag TAP siya from his battery to your battery. Dahil kapag tinanggal niya ang supply o ang series na ginawa nang nagrescue ay mamatay parin ito kung kayat mas maganda na kung magpaparescue ay mag padala ng brandnew o ayos pang battery upang ikaw ay makaandar kaagad, or pwde rin na higpitan mo ang battery screw, dahil pwedeng doon kasi nagmumula kapag maluwag ay putol putol ang kuryente kaya namamatay. Sa ngayon yan lang naman ang naririnig ko sa mxi kaya kayo na umubserba sa ibang benfefits at issues nito.






YAMAHA MIO SPORTY

Itong unit na ito ay nag umpisa pa nang 2006 na ibenta sa market at ito ay nagpalit lang nang mukha noong 2009 na tinawag na YAMAHA MIO SPORTY/AMORE.  Ngayon ay kilala nang iba na sporty  pero nung time ko 2009 amore ang tawag namin dito, dahil sa nagkakalituhan sa kung anu ang pangalan nang unit na ito,Dahil noon ay sikat ang mio sporty old(mio 1) na kahit saan ay may nagsesetup nito talagang marami ang user.






Sa ngayon ay amore na ang lahat na nilalabas nang Yamaha sa market at nagpapalit nalang nang concept nang kulay ika nga ay paganda nang paganda ang kulay nito kada taon. Pero sa engine ay ganun parin 115cc at carburetor type, at malit siya tulad nang YAMAHA MIO I 125 ang kinaganda dito ay bukod sa maliit ay madaling I drive na kahit babae ay matuto kaagad. Kahit saan mo dalhin at sa set up ay mas maraming nilabas sa sporty kaysa sa mga accessories nang f.i. kaya mananawa kang talaga. Ang kaso lang ay medyo malakas siya sa gas compairing sa f.i. dahil narin kasi sa automatic ito at sabi nila ay lamon lang nang lamon nang gas, pero may technic kasi sa pag rev nang scooter na ito hindi basta piga nang piga. Dapat ay dahan dahan upang konti lang ang kaiinin na gasoline kapag kasi binaon mo kaagad ang silinyador ay marami ang tapon nito kaysa sa power na hinihingi mo, doon papasok ang malakas sa gas na sinasabi. Sa light naman ay kaya nitong makipagsabayan sa pagandahan nang ilaw dahil sa maganda rin itong  pormahan nang ilaw kahit konti lang ay kita mo na kaagad ang ganda.


ISSUE:
Siguro yung sa gas consumption nalang pero normal po iyon as automatic scooter carburetor type. Sa ingay sa makina ay wala naman at ang masasabing kong ok ito dahil mas matagal ang buhay nang carburetor type kaya sa fuel injection o automatic, dahil sa ang carb ay madaling ayusin at by parts ang piyesa unlike sa f.i. buohan kaya  nga lang ay malakas sa gas at sa bilis ay mas mabilis ang carb , dahil walang limit sa power kaya kung ikukumpara ang carbtype 125 at fuel injected 125 ay sure na maiiwan ang fuel injected dahil sa may limit ito na kung saan ay maintain nya ang speed at gas concumption mo.


Sana ay nakatulong ako sa munti kong kaalaman at kayo napo ang bahala kung ano ang motorsiklo para sa inyo, at sana ay ugaliin magbasa sa akin daily blog para sa inyong  kaalaman at sana  ay maishare po sa iba. Maraming salamat po!


RIDESAFE AND GODBLESS

1 comment: