Marami kasi sa ngayon ang kumukuha nang hulugan o brandnew na motorsiklo bawat maker kasi nang mga motorsiklo tulad ng YAMAHA,SUZUKI,HONDA,KAWASAKI, ay halos taon-taon ay may bago kaya ang dami-dami na ngayon ang fanantic nang motorsiklo, malaking tulong narin kasi ang facebook sa pagtuklas nang bagong set-up para sa ating mga napiling motorsiklo dahil marami kang pwedeng pagpilian na design na binibenta nang mga seller online, nakakatuwa dahil nawawala ang bisyo nang ilan tulad nang sabungero,lasinggero, etc. dahil sa napapansin na sa mga costumer ko ay ganito na naadik sa pag set-up nang kanilang motorsiklo,magugulat ka nalang na ang gwapo nang kanilang motorsiklo at ang kkikinis alagang-alaga ika nga,
habang ang iba naman ay tumutropa sa kapwa niya mahilig sa motor na ang topic lagi ay KARGA,SETUP,GALA, paulit ulit na ganun ang ginagawa o pinaguusapan, at dito na papasok ang sasali sa mga group aattend sa mga e.b. dadami ang kaibigan,dadami ang knowledge dami ang schedule,
eh paano naman ang asawa mo?
dapat ay wag natin kalimutan na may obligasyon parin tayo sa asawa natin kahit sabihin na natin na ikaw ang nagtatrabaho at siya ang sa bahay ay malaking tulong ang nagagawa nang asawa mo sayo bukod kasi na mahal ka nang asawa mo ay alaga ka dito, tandaan lang na kung papaano mo hahatiin ang oras mo sa sariling gusto at sa obligasyon,
ang pwede nalang siguro ay isama o ipakilala mo siya sa mga kaibigan o bagong tropa sa motor at sa tuwing may ride ay isama mo rin para nang sa ganun ay maramdaman niya kung anu ang gusto, at ugaliin magpaalam kung ikaw lang ang aalis iba kasi ang isip nang mga babae na baka kung anu ang gagawin mo kapag wala siya kapag nagmomotor ka, sa ganitong part ay pwede mo sa kanya awitan ang mga accessories at gear na kailangan mo dahil sa kung lagi mo siyang kasama ay makikita niya na napagiiwanan ka dahil ang mga kasama mo ay meron at dapat ay ikaw rin, kaya maganda na ipakita mo sa kanya kung anu ang gusto mo upang maunawaan niya,
sana ay nakatulong ako sa iyo para sa pangaraw -araw na blog ko sana ay mai-adopt mo ito sa iyo sa mabuting paraan, at kung gusto pang magbasa ay may iba pa akong artikulo na tungkol sa ating motorsiklo at buhay nang isang mananakay nang dalawang gulong,
salamat at ugaliin magingat
RIDESAFE AND GODBLESS!!!!
No comments:
Post a Comment