Inaasahan na sa
pagpasok ng 2017 ay marami ang magbabalak na ibenta ang kanilang mga sariling
motorsiklo!
dahil sa ngayong taon inaasahan ilabas ng
YAMAHA ang kanilang AEROX 155 ayon sa mga source o balita sa internet ay
nagproproduce na ngayon ang yamaha factory upang sa darating na ber months ay
mareleased na sa pilipinas ang YAMAHA AEROX 155 dahil sa target ng YAMAHA na
lahat sa asia ay magkaroon nito dahil ito ang kanilang official scooter kung
updated kasi kayo ay mapapansin na ito ang lagi sinasakyan ni VALENTINO ROSSI
at sa commercial nito sa ibang bansa ay siya mismo ang model ng nasabing
scooter kung saan ay nakipagunahan siya sa isang aspiring rider,
Nauna nang lumabas ang Yamaha aerox 155 sa
malaysia nitong january at sa mga kalapit na bansa tulad ng thailand at
indonesia, kung kayat ito ay inaabangan na sa ating bansa ngayong taon, may mga
bulong bulungan na ito ay aabot ng 150 thousand pesos dahil narin sa cc o
makina nito na 155cc kung kayat marami ang nagiipon upang makakuha nito kapag
ito ay nilabas na sa ating bansa, ang pinagkaiba rin kasi nya sa naunang aerox
125 ay ito ay blue core na ang makina na kung saan ay second generation na ng
fuel injected na kung saan ay upgraded na ito na kahit walang battery ay pwede
itong umaandar samantalang ang YM JET FI (AEROX 125) ay hindi aandar kung lobat
ang battery, at sa timbang ay malaki rin ang pinagkaiba dahil bulky o malapad
ang 155 ngayon na hindi nagkakalayo sa lapad ng NMAX ito ay para naring bigbike
dahil ang tipikal na itsura kasi ng isang scooter ay maliit at magaan kaya may
ipinagbago, mas ginawa nilang sports ang pag gamit ng scooter na pwede sa pang
malayuan bukod kasi sa napakalapad nito ay presko ang pag upu dito, at ang
kanilang guage ay digital narin kung kayat masasabing hi-tech na ito kung
ikukumpara sa mga sinaunang scooter,sa gantong features nang scooter na ito ay
tiyak na marami talaga ang nagaabang sa pagdating nito sa bansa may mga
kakilala kasi ako na hanggang nagyon ay nanonood sa youtube upang malaman pa
ang ibang features ng nasabing YAMAHA AEROX 155. kaya sa mga nagbabalak na
bumili ng mga secondhand scooter ay magantay antay lang kayo na ilabas
ang yamaha aerox sa pilipinas for sure marami ang naglipanang nagbebentahan
nang kanilang mga motorsiklo, sana ay nakatulong ako sa inyo sa araw na
ito at kung gusto nyo pang magbasa sa mga artikulo ko ay meron tayo sa gilid na
tiyak na makakatulong sa inyo.
RIDESAFE & GODBLESS
\
No comments:
Post a Comment