Sa panahon kasi ngayon parami na nang parami ang mga motorsiklo ang nilalabas sa bansa nariyan na nagtatapatan ang ilang mga naglalakihang brand ng motor, tulad ng suzuki,honda,yamaha,kawasaki. Basta may nilabas ang isang brand asahan mo na may ilalabas din ang iba na panapat nila, kung kayat parami ng parami ang nagagandahan dito o tumatangkilik o marami na ang mayroon. Isipin mo tatay,nanay,anak may kanya kanyang motorsiklo, pero alam nyo rin ba na parami ng parami ang nananakawan araw - araw? May mga videos ang naglipana sa internet kung papaano madaliang ninanakaw ng kawatan ang isang motorsiklo, wala pang 5 minuto ay tangay na nila ito. Kung kayat nakakabahala narin ang pagkakaroon ng isang sasakyan o motorsiklo, dahil baka mawala nalang ng bigla. Kaya gumawa ako ng basic tips na pupwede nyong kunan ng idea upang ng sa ganun ay makatulong sa inyo na magkaroon ng isang safety anti nakaw system.
1 . GRIPLOCK
Ang griplock ay mabisang gamitin or magandang pampahirap sa magnanakaw. Ang uses kasi nito ay ila-lock nya ang silinyador at naka-lock din ang preno sa harap. Dito palang ay may safety features kana, dahil sa takaw pansin o kitang kita kaagad na may safety features ka. Kung kayat pwedeng pwede kana nilang iwasan at hahanap nalang sila ng madaling mabibiktima, dahil uubos lang sila ng oras para idistrongka ang griplock mo dahil may susi ito na hindi nila mapupwersang suksukan ng bagay dahil dudulas at dudulas lang.
2. DISLOCK WITH ALARM
Ito rin ang isa sa pinaka maganda sa mga anti nakaw dahil sa una kahit anung gawin ng magnanakaw ay hindi sya uusad o aandar dahil naka-lock ang disc sa harap o minsan ay sa likod, at ang susian nito ay kwadrado kung kayat hinding hindi nila ito masusuksukan ng kung anu-anu. Ang kagandahan pa ay may nilabas na may tunog o may siren na kapag ikaw napasagi nang malakas ay tutunog ito upang bugawin ang magnananakaw, pwede mo rin gamitan ng ordinaryong padlock sa bahay dahil kasya ito sa mga holes ng disc ang problema lang ay pwede itong i volt cutter kaya ingat parin kung wala pang budget ay padlock muna at kung mayroon na ay magtry ng disclock mismo di baling gumastos basta safe diba?
3. ANTI THEFT IGNITION SWITCH
Ito ay napaka bisa din para iwas nakaw ang iyong motorsiklo dahil sa features nito na maraming ngipin ay hinding hindi nila to madidistrongka, dahil sa ito ay kwadrado at hindi nila kayang pwersahin. May nga post sa facebook na sinubukan disarmahin ito ngunit bigo sila dahil nasisira lang ang nguso nito dahil sa pagpwersa pero hindi nila mapaandar dahil kailangan nilang isuksuk hanggang dulo ang patalim nila upang madistrongka. Ngunit hanggang kalahati lang ang nagagawa nila, kaya for me safe ito.
4. ALARM SYSYTEM
Hindi lang kasi kotse nalang ngayon ang may alarm pati motor narin hehehe. Nakakatuwa kasi na may ginawa na para sa motorsiklo na para ka naring nakakakotse dahil rin sa itsura ng remote na kahawig na kahawig nang isang remote ng kotse. Napabisa nitong alarm na ito dahil kapag nagpark ka ay kapag na set mo sya ng arm ay automatic kapag may kumalikot ay magiingay sya upang itaboy ang magnanakaw, mayroon din syang anti hijack kung saan ay pwede mong patayin ang makina kapag inagaw na sayo ang motor mo,kahit anung gawin nila ay hindi na ito aandar pa at maglilikha lang ito ng malakas na tunog na mabubulaw sila at masasayang ang pagnanakaw nila, may features din ito na pwedeng umaandar ang motor kahit walang susi pwedeng gamitin kung emergency o paminsan-minsan.
5. PARK AT YOUR OWN RISK
Ganyan ka sama dahil need mong safe ka sa parking na pagtatambayan mo ng motorsiklo. Dahil kapag ito ay nanakaw kahit pa sa loob ng nasasakupan nila ay hinding-hindi nila ito papalitan o babayaran kung kayat ang pagiingat ay laging nasa sa iyo upang maproteksyonan mo ang iyong motorsiklo. Masmaganda na marami kang anti nakaw system upang nang sa ganun ay ikaw ang iwasan ng magnanakaw at hahanap nalang sila ng madaling bibiktimahin, dahil alam nila na mahihirapan o masasayang ang pagod nila kung lahat ng safety mo ay tatanggalin pa nila kung kayat masmaganda na marami upang mabugaw mo sila.
No comments:
Post a Comment