Thursday, January 5, 2017

NAPAKA DALI NAMAN PALA NAKAWIN NG MIO!!

Alam nyo po ba na napakalaki ng porsyente na mabilis manakaw ang isang motorsiklo ngayon?
dahil narin siguro dahil sa itsura ng susian at sa alam na alam na ng magnanakaw kung paaano ito pagtangkaan.

 

Nasa picture ang tipikal na itsura ng isang ordinaryong susian,napakadali nyan nakawin dahil sa ito ay sinusundot lng ng mga mananakaw upang  mapaandar, may mga videos kasi ngayon ang napapanood sa mga facebook page kung papaano nila nanakaw ang isang motorsiklo, ayon sa akin pag sasaliksik ang karaniwang ginagamit ng mga magnanakaw ay ang allen wrech,dahil ang nasabing bagay ay solid na bakal o hindi basta basta nababaliko,ang ginagawa nila dito ay hinhuhulma nila ito gamit ang grinder upang maging hugis kutsilyo,at kasukat ng ordinaryong susian,kung saan kapag nakagawa na sila nito ay pwede na silang maghanap ng mabibiktima,dahil sa isusuksuk lang nila ito sa susian ng nanakawing motor o pilit isusuksok upang magkaroon ng pwersa kapag ito ay pipihitin na nila pa-kanan,at kapag napihit ay mabubuksan na nila ang susian.


Gnyan sa picture ang ginagawang pagpuwersa sa isang susian, imagine napakadali sa mga magnanakaw na gawin ito kahit may mga tao o wala man  sa paligid, opo kahit may mga dagraanan pang mga tao ay ginagawa nilang nakawin, dito kasi ay umaarte silang parang kanila mismo ang saskyan kung kayat aakalain mong kanila dahil sa normal o relax lang ang itsura nila,
may mga naglabasan ng mga after market ignition switch na makakatulong sa mga rider na maiwasan ang ganitong pangyayare dahil sa ang mga aftermarket igniton switch ay maraming ngipin na hindi kaya ng allen wrench na suksukan dahil halos kwardrado ito, 



Ang mga magnanakaw kasi ay iniiwasan nalang kapag ang target nilang unit ay may ganto, dahil una mahihirapan sila kung kayat hahanap nalang ng madaling motorsiklo na walang ganto at yun ang kanilang titirahin o nanakawin dahil mabilisang galawan ang gusto nila upang makaalis kaagad,

 Napakadali lang naman magkaron  nitong susian na ito sa halagang 600+ ay meron kana at sa pag install ay kung sanay kang  magbaklas ay pwede mong ikabit,dahil ito ay plug and play,at kung hindi naman ay ipa-install mo nalang sa napagbilhan mo, napakahirap kasi sa looban ng isang tao kapag ikaw ay nanakawan, yung puhunan mong pagod para mapundar ang motorsiklo ay nanakawin lang sa isang idlak,kaya kung mahal nyo ang inyo sasakyan ay hindi baling gumastos para sa safety atleast sure ka na hindi ka basta-basta mananakawan.

 

Yung ibang mga motorsiklo may gantong features na nilabas sa market, anti theft ika nga,TOTOO dahil hindi basta basta ang pag-unlock nung shutter nya kahit same kayo ng unit ay hindi mo ito mabubuksan dahil sa may magnet ito na magkakaiba ang pagkakaposition kung kayat hindi mabubuksan kaagad ,pero kapag naiwan mo naman naka-open ang shutter ay pwede kang manakawan dahil tulad nang ibang  motor ay madadalian silang sundutin dahil allen wrench lang ang katapat nyan kung kayat ugaliin isara, o hindi naman kaya ay palitan narin ,dahil may nilabas narin na ganyang anti theft na may shutter para dagdag pahirap sa mga magnanakaw.
  

kung kayat ang mapapayo ko lang ay mag-ingat sa tuwing magbabyahe lalot magpapark at dapat alam na safe o may gwardya ang isang lugar at ang tamang pag-lock ng sasakyan ay ugaliin o siguruhin  upang mahirapan ang magnanakaw na nakawin ang iyong sasakyan,ang magnanakaw kasi ay sumasalakay sa oras na ikaw ay kampante yung tipong basta-basta ka nalang nakaparada dahil ang ika mo ay isang buwan na ako naparada dito wala naman nanakaw, huwag ganun dahil kapag na tyempuhan ka nila na saktong unit mo ang target nila ay yari ang sasakyan mo mauubus lahat ng   naipundar mo para sa motor mo dahil makukuha lang nila.

May mga paninda kaming pang safety features sa secretshop na pwede nyong i avail tulad ng anti theft igniton, griplock, disclock at motorcycle alarm, just follow the link and pm me.


















THANKS FOR READING GUYS 

No comments:

Post a Comment