Friday, January 27, 2017

BRAND NEW O 2NDHAND?






Brand new  o secondhand na motorsiklo?dipende yan sa kung ano ang mayroon ang isang tao hindi mo pwedeng ipilit kung hindi naman kaya nang budget, dahil kung ipipilit ay baka magkaproblema lang sa huli, ang mapapayo ko lang ay ganito at sana ay makatulong sa iyo.






NO. 1 MONTHLY INCOME

Dapat alam mo na regular ang sahod mo buwan- buwan at kung hindi naman  ay may  tutulong sa iyo sa iyong monthly bills. Kung ikaw ay nagkulang masmaganda na may extra income ka bukod sa iyong basic salary dahil sa c.i na gagawin sayo ay magbabase sila sa uri nang trabaho na meron ka at gamit na mayroon ka. Kapag kasi nakita nang inspector na lahat kayo ay may trabaho ay pasok kana dahil pwede kang tulungan nang iyong pamilya kung sakaling wala kang panghulog, at kung ikaw ay magkakamototor na ay sikapin na mag over time upang matustusan ang iba pang pangangailangan mo. Kahit kasi sabihin natin na pwede naman ang income mo ay papasok parin na may iba ka pang bibilhi o pangangailangan, minsan narin kasi akong  naghulugan sa aking motorsiklo, at  aaminin ko sa inyo na ang monthly income ko ay pasok lang talaga sa china motorcycle, dahil hindi ako regular nung time na iyon at halos 450 ang daily pay  ko kasama na ang overtime  nung napagtanto ko ay hirap na hirap ako nung time na may yamaha mio amore na ako, yung tipong hindi na ako bumili nang brief in 3 years hahahaha at sa set-up ay tipid setup ako dahil kulang na kulang ang sahod ko, kaya kayo na nagpaplano palang ay magisip o magtanong tanong muna. Kung kaya nyo naman kasi makapangangutang sa kamag anak ay pwede na sa kanila nalang bayaran at pumili ng maayos na motorsiklo kahit ito ay secondhand, masmalaking tipid kasi ito kung ikukumpara sa brandnew at hulugan dahil ang brandnew ay nasa 65k at kapag installment ay aabot nang 120k in 3 years kaya napakamahal kaya kung may financer kayo ay napakaswerte ninyo dahil halos maliit lang ang itutubo niyan.







NO 2.MONTHLY BILL

Dapat bago ka kumuha nang brandnew na mototorsiklo ay kwentado mo na ang inyong bills tulad nang kuryente,tubig,internet,cable,foods,gala,etc. Dito ka kasi magbabase sa kung magkano ba ang natitira sa sahod mo at kung kaya mo pa bang tipirin ang sahod mo. Maadvise ko lang din na kung kayo ay pipili nang motorsiklo ay siguraduhin na pasok sa inyong lifestyle alam naman natin na ang daming mga motorsiklo na magaganda at ang mamahal kaya alamin kung pwede ba ito para sa inyo.


 



NO.3 MAAYOS PA BA ANG STATUS NG MOTORSIKLONG SECONDHAND!

Kung kayo ay nakapagisip at gusto o may natipuhan na secondhand at may budget ay siguraduhin lang ang mga ito makina,wirings,kaha,signal light,panggilid o  kadena. Yan ang mga basic na dapat ninyong tignan  dahil sa baka makamura nga kayo pero ang dami naman papaayos o sira  lugi ka parin masmaganda na sa kakilala kumuha, f.y.i kahit po sa mga CASA naglalabas din sila ng may problemang motorsiklo dahil kaya mapapansin ninyo walang warranty kapag repo ang kukunin ninyo. Kung pipili nang secondhand ay dapat may marunong o may mekaniko,yung may care sa inyo at hindi yung aasa na magbibigay kayo kaya dapat na makuha ang nakitang motor oo may mga ganun tao na kapag hinatak mo upang magpacheck ay oo lang nang oo pero in the end dami palang problema kaya hanap din nang maayos na mekaniko.







NO. 4 KAYA KO BA ANG MAINTENANCE?

Sa maintenance nang brandnew motorcycle ay maliit lang  dahil ang gulong ay kaya nang 8months pataas sa likod at sa harap ay 1 year , sa ibang parts halos wala masyado. Sa secondhand medyo marami dahil syempre may edad na pero hindi naman kamahalan wag lang sa makina ang problema. Dahil ito ang pinakabuhay nang isang motorsiklo masmaganda na maayos ito at kung may maintenance ay dapat kakilala ang mekaniko para transfarent siya at  siguruhin na original o genuine ang inyong piyesa lahat ito ay ayus lang kung ipapasok lang sa libangan pero kung kayo ay SIGA o sigamit lang ay masmaganda na brandnew na ang kunin dahil matagal bumigay ang brandnew at branded na motorsiklo.



NO.4 GAS CONSUMPTION.

May mga motorsiklo ngayon na nilabas ang mga maker nang motorsiklo ito yung mga fuel injected na kung saan ay napakatipid na nang gas consumption na halos 20 pesos lang ang magagastos mo daily kung ikaw ay malapitan lang, kaya kung ikaw ay nagtitipid ay pwede sa iyo ang ganitong motorsiklo tipid na at mura pa!!!





No comments:

Post a Comment