Tuesday, January 31, 2017

MIO I 125 LED LIGHTS AND EYELINE



GOOD DAY GUYS  ito yung gawa po namin sa shop last day ang  YAMAHA MIO I 125 BLUE CORE F.I. Ang gusto kasi ni costumer ay led lights na hindi bawal o hindi siya masisita sa LAND TRANSFORTATION OFFICE kung sakaling siya ay macheckpoint sa kalsada. Kaya i suggest na ito  ang kulay na pwede sa kanya since yellow ang motor niya ay bagay na bagay ang dilaw at puti na led lghts sa kanyang mio i 125. Kung kayat naginstall kami sa kanya nang NEW DOUBLE CONTACT na pwedeng magsignal kahit naka OFF ang PARKLIGHT MODE at kapag naka ON naman ang parklight ay automatic na mamatay ang park parklight. Kapag ikaw ay magsignal LEFT/RIGHT at automatic din na babalik ang PARKLIGHT kung ito ay naka normal mode na sa signal, less switch ika nga at F.Y.I, po makikita sa video na hindi po mamatay ang headlight kapag ikaw ay nagsignal dahil need natin na may ilaw tayo sa gabi kahit tayo ay liliko,(L.TO. REQUIRE LIGHT IS YELLOW OR WHITE) at idinagdag namin ang eyeline sa kanya at nagmatch ito sa combi na gusto nya PARKLIGHT WHITE,SIGNAL WHITE. Sa eyeline ay yellow, kaya malinis itong tignan  dahil sa buhay na  buhay ang kulay nito.  Maidagdag ko lang ang NEW DOUBLECONTACT po ay may libreng extra switch na kung saan ay secret ito at pwedeng patayin kung may kalaban na L.T.O. or kahit police checkpoint ang kagandahan narin kasi ay ang signal light mo ay yellow or stock parin kaya lusot ka sa checkpoint, at malaya kang pwedeng maglakbay sa gusto mong puntahan, kaya sa mga gusto magpagawa nang ganito ay pwede nyo ako i private message sa facebook alexander moje workS upang magpa-schedule  nang installation nito we were located at GMA Cavite, kaya HURRY kung kayo ay may budget ay pwede na kayo magpagawa nang walang takot na mahuli.


Sa iba pang mga artikulo na tungkol sa ating motorsiklo ay pwede po kayong magbasa-basa sa iba ko pang mga blog upang madagdagan ang inyong kaalaman upang lahat tayo ay matuto sa ating mahal na sasakyan.

RIDESAFE AND GODBLESS

MXI 125 O MIO SPORTY!!



YAMAHA MXI 125 OR YAMAHA SPORTY?

Kung nahihirapan kayong  pumili ay tutulungan ko kayo upang malaman ninyo kung ano ba taga ang nararapat na scooter para sa inyo ,dahil magbabase tayo sa kung anu ang meron ang isang tao hindi porket may pera  o hindi porket sa isip ay kaya ay yun na ang pipiliin. Sa pag pili kasi nang motorsiklo ay dapat na magisip nang malalim para maramdaman na  ito ang talagang para sa iyo, may iba kasing mga tao na basta nalang kumukuha nang unit(motorsiklo) na hindi na nagiisip yung tipong basta nalang dahil kursunada. In the end ay mababatak o mapapabayaan dahil hindi maasikaso dahil sa katamaran, tandaan na ang pagkakaroon nang isang motorsiklo ay isang obligasyon dahil to ay napakalaking tulong sa atin. Dapat ay mahalin at alagaan, kaya nga nakakatuwa yung mga tao na talagang pinapaganda ang kanilang mga motorsiklo, dito  mo kasi makikita kung gaano nila pinahahalagahan ang bagay na meron sila. Para doon sa mga nagbabalak palang ay gagawa ako nang konting review para sa dalawang unit na ito upang  mkapagbigay sa inyo nang konting tip sa pagpili at kaalaman na kung anu ba dapat ang gagawin kung ikaw ay mayroon nang ganitong unit,magumpisa tayo sa mxi. 




YAMAHA MIO MXI 125 F.I

First released noong 2012 or 2013 sa pilipinas at hanggang ngayon ay nasa market parin ito dahil narin siguro sa taas nang sales nito sa selling. Napakaganda kasi nang porma nito o tindig palang mapapawow kana talaga, aaminin ko sa inyo pangarap ko ang magka unit nang ganito dahil sa kahit ako ay poging pogi sa itsura nito. Sa fuel consumption napakatipid dahil sa ito ay YM JET F.I. na kung saan ay control ang pasok nang gasolina na kung saan binabalanse niya ang kain upang walang tapon o lahat ay pasok para sa hinihingi nang carburetor. Kung kaya't ang full tank mo ay aabot kahit saan yung tipong kahit ilang araw hindi ka magpa GASOLINA ay hindi mo proproblemahin dahil sa hindi mauubos basta bastaang gas nito. Sa porma naman ay napaka pogi nito na pwede mong lagyan nang gustong accessories, pwede karing mag h.i.d projector na napakalakas na ilaw dahil ito  ang pinaka magandang lagyan dahil sa halos plug and play ito para kasing ang dating nang mxi kapag walang HID ay simple pero kung babudgetan mo para dito ay talaga naman popogi ito at masarap lalong dalhin sa kung saan man gusto.

ISSUE:  Base sa aking mga naririnig sa mga user mismo nang MXI ay namamatay daw ito nang kusa na nagugulat sila na biglang mamatay habang nasa  byahe,  para sa akin naman ay siguro ay may maluwag lang sa battery line dahil ang YM JET F.I. TECHNOLOGY ay umaasa sa battery  ng isang scooter na kung ito ay lobat o drain ay titirik ka sa kalsada na kahit magparescue o magpa jumper/series ka ay hindi uubra dahil sa aandar nga motorsiklo mo kapag nag TAP siya from his battery to your battery. Dahil kapag tinanggal niya ang supply o ang series na ginawa nang nagrescue ay mamatay parin ito kung kayat mas maganda na kung magpaparescue ay mag padala ng brandnew o ayos pang battery upang ikaw ay makaandar kaagad, or pwde rin na higpitan mo ang battery screw, dahil pwedeng doon kasi nagmumula kapag maluwag ay putol putol ang kuryente kaya namamatay. Sa ngayon yan lang naman ang naririnig ko sa mxi kaya kayo na umubserba sa ibang benfefits at issues nito.






YAMAHA MIO SPORTY

Itong unit na ito ay nag umpisa pa nang 2006 na ibenta sa market at ito ay nagpalit lang nang mukha noong 2009 na tinawag na YAMAHA MIO SPORTY/AMORE.  Ngayon ay kilala nang iba na sporty  pero nung time ko 2009 amore ang tawag namin dito, dahil sa nagkakalituhan sa kung anu ang pangalan nang unit na ito,Dahil noon ay sikat ang mio sporty old(mio 1) na kahit saan ay may nagsesetup nito talagang marami ang user.






Sa ngayon ay amore na ang lahat na nilalabas nang Yamaha sa market at nagpapalit nalang nang concept nang kulay ika nga ay paganda nang paganda ang kulay nito kada taon. Pero sa engine ay ganun parin 115cc at carburetor type, at malit siya tulad nang YAMAHA MIO I 125 ang kinaganda dito ay bukod sa maliit ay madaling I drive na kahit babae ay matuto kaagad. Kahit saan mo dalhin at sa set up ay mas maraming nilabas sa sporty kaysa sa mga accessories nang f.i. kaya mananawa kang talaga. Ang kaso lang ay medyo malakas siya sa gas compairing sa f.i. dahil narin kasi sa automatic ito at sabi nila ay lamon lang nang lamon nang gas, pero may technic kasi sa pag rev nang scooter na ito hindi basta piga nang piga. Dapat ay dahan dahan upang konti lang ang kaiinin na gasoline kapag kasi binaon mo kaagad ang silinyador ay marami ang tapon nito kaysa sa power na hinihingi mo, doon papasok ang malakas sa gas na sinasabi. Sa light naman ay kaya nitong makipagsabayan sa pagandahan nang ilaw dahil sa maganda rin itong  pormahan nang ilaw kahit konti lang ay kita mo na kaagad ang ganda.


ISSUE:
Siguro yung sa gas consumption nalang pero normal po iyon as automatic scooter carburetor type. Sa ingay sa makina ay wala naman at ang masasabing kong ok ito dahil mas matagal ang buhay nang carburetor type kaya sa fuel injection o automatic, dahil sa ang carb ay madaling ayusin at by parts ang piyesa unlike sa f.i. buohan kaya  nga lang ay malakas sa gas at sa bilis ay mas mabilis ang carb , dahil walang limit sa power kaya kung ikukumpara ang carbtype 125 at fuel injected 125 ay sure na maiiwan ang fuel injected dahil sa may limit ito na kung saan ay maintain nya ang speed at gas concumption mo.


Sana ay nakatulong ako sa munti kong kaalaman at kayo napo ang bahala kung ano ang motorsiklo para sa inyo, at sana ay ugaliin magbasa sa akin daily blog para sa inyong  kaalaman at sana  ay maishare po sa iba. Maraming salamat po!


RIDESAFE AND GODBLESS

Monday, January 30, 2017

YAMAHA MIO I 125 F.I LED LIGHTS!!!

Kaway-kaway sa mga  naka mio I 125 jan!, share ko lang ang nagawa ko dito sa mio I 125 na ito nung una kasi siyang  dumating sa aming shop ay ang hinahanap niya ay led projector nung  sinabi ko na sir pampogi lang  po ang led projector dahil kailangan mo nang excess light tulad nang 6led bar o wall e, saka ko ulit siya tinanong? Anu ba ang  gusto mo sir?malakas na ilaw po ba? Kasi kung malakas ay meron po tayo at ito ay ang  led lights na MO2K  QUAD LED WITH PARKLIGHT  at ito po ay may  40watts na kung saan ay mabibigay ang lakas nang liwanag na gusto mo, and then he said sige sir yan nalang at saka ko inoffer ang new double contact na kung gusto niya lang na dagdag ilaw at syempre kung pasok ba sa budget na dala niya at sabi niya ay ok sir gusto ko yan lagay mo, kaya ko ininstal ito sa kanya NEW DOUBLECONTACT+ LED HEADLIGHT (MO2K with parklight)  bukod sa maganda ang napili niyang color sa parklight at signal ay pasok ito sa requirements ni LTO na color at kagandahan dito ay kitang kita siya sa gabi dahil parklight palang ay malakas na syempre nilagyan ko rin ito nang secret switch kahit alam naman natin na pasok siya sa LTO ay maganda na may switch siya (Kasama sa kontrata nang new double contact)  makikita sa video na pwede magsignal kahit nakapatay ang parklight mode sa old double contact kasi ay hindi pwedeng nakaoff ang parklight dahil hindi ito magsisignal light kapag na ka off, `ito rin ang kagandahan dahil kapag nag signal ka ay automatic na mamatay ang parklight (white) upang makapagbigay nang linya sa iyong signal, at ikaw ay visible sa kalsada dahil ito ay kitang kita na ikaw ay liliko sa kanan o kaliwa,kaya ko rin pinopromte ito dahil upang maiwasan ang pagkalito sa daan na minsan ay nagdudulot nang aksidente dahil hindi nagkaintindihan sa senyas nang ilaw makikita niyo kasi sa video na kitang kita ang act nang isang rider at kahit naka headlight mode ay kita parin ito dahil walang ibang sagabal na ilaw, kaya Malaya kang gawin ang liko na gusto mo, ngayon week gagawan ko nang video ang actual na laro nang ilaw sa kalsada lalot gabi upang lalo niyo pang mavission ang benefits nitong new double contact ko, soon hahaha sana ay nag-enjoy kayo at kung gusto pa ay may daily blog naman ako kung kayat ugaliin lang subaybayan at magbasa maraming salamat at enjoy at magingat



RIDE SAFE AND GODBLESS

MIO MX 125 CARB TYPE LED LIGHTS

Good day guys now share ko sa inyo yung isa sa mga nagawa ko kahapon Pasensya na rin kung hindi ko ito na-upload kaagad sa sobra dami kasi na bisita sa aming munting shop sa tuwing fri,sat at sun, kaya kung ayaw niyo pumila or kung may ibang time kayo ay pwede kayo ng weekdays open naman kami daily dahil sa house lang naman namin ang aming  munting shop,
mabalik po tayo sa YAMAHA MIO MX 125 CARB TYPE LED LIGHTS ang ginawa ko nga pala dito ay ang new double contact na kung saan ay nakabukas ang inyong parklight at signal light nang sabay at pwedeng magsignal on or off the parklight  mode, at kapag ito ay nakaparklight mode ay automatic na mamamatay ang desired na kulay(red) at magiging yellow ang signal nito at ang kagandahan kasi sa new duble contact ay pwede mo itong patayin kung may LTO kang makakaharap at kahit na anung pindot niya sa parklight ay hindi ito mago-open dahil may separate itong switch na  hindi nila alam kung saan mo ito nilagay, kaya  iwas huli ito at visible pa sa kalsada dahil kapag nagsignal ay patay ang iba mong burloloy na ilaw  sa  part na ito ay kitang kita ka sa kalsada kung anu ba ang gagawin mo left/right turn, sa video na ito ay nilagyan ko nang eagle eye at remote ang unit upang less switch at  pwede mong pasayawin ang iyong led lights  or hinaan ika nga ay kung anu ang trip mong laro dito ay pwede at kahit ilan ay pwede rin, may mga choices kasi ito sa remote na kung anu ang gusto mong play ay pwedeng pwede, ito na rin ay nakafastcharge dahil sa ito ay carb type pa at hindi kasi kakayanin nang ordinary flow nang kuryente dahil ang led lights ay malakas kumain nang kuryente kaya kung carb type ka ay  no coice kundi gawin ito,take note kasama po ito sa package and that’s it,I hope you enjoy my daily blog and sa mga gusto magpa-ganitong set ay pwede nyo akong kontakin dito sa link alexander moje at we are located at general mariano  alvarez cavite and we are waiting for you here, have fun and enjoy!!!


FOR MORE ARTICLE NA RELATED LAHAT SA MOTORSIKLO AY PWEDE KAYONG MAGBASA SA GILID UPANG MATUTO PA KAYO AT SANA AY IENJOY AT ISHARE SA MGA KAIBIGAN SALAMAT!!!

RIDE SAFE AND GODBLESS


Saturday, January 28, 2017

HOW TO PUT A TIRESEAL ON TIRE!


Napakadali lang naman ilagay ang tire seal sa ating gulong naandito sa blog ko ang paraan kung paano ito ilagay sa ating gulong, pero gusto ko muna ishare ang benefits nang pagkakaroon nito,

Tireseal

ang tireseal kasi ay malaking tulong sa atin dahil iwas flat ito maiiwasan ang aberya sa kalsada yung tipong magtutulak ka nang dalawang oras dahil sa  mga sarado ang mga nadaanan mong vulcanising shop lalot hating gabi,


Anu ba ang trabaho ng tire seal?  

ang trabaho kasi ni tireseal sa ating gulong ay babarahan niya kung saang bahagi nang gulong ang nabutas nang pako o alin mang bagay haharang ito sa butas upang maiwan ang hangin sa loob at pwede kang umaandar pa pero medyo lalambot ang gulong dahil may naunang hangin na lalabas kung kayat dapat ay may pambomba ka o sa malapit na gas station dahil dito libre ang hangin,

]
Pwede ba sa tube type ito o sa tubeless lang?


Pwede ito alin man sa dalawang nabanggit,

Paano ba ilagay ang tireseal?


STEP ONE:
Dapat ay may pantanggal ka nang pito  para matanggal mo ang hangin sa loob nang tire,
kung wala ay pwede kang pumnta sa vulcanizing para magpatulong,





STEP TWO:

Tanggalin ang pito o nossle nito,

STEP THREE:

Ilagay ang tireseal,ang isang bote ay pwede sa dalawang gulong kung kayat hatiin nalang ito masmaganda na masmarami sa likod kaysa sa harap dahil mas takaw flat ito kaysa sa harap dahil ang bigat ay laging nasa likod na bahagi nang motorsiklo o mga sasakyan,



STEP FOUR:
Isara ang pito o nossle nito at siguraduhing mahigpit upang walang makalabas na hangin kapag ito ay hinanginan na, pwede mong lagyan nang tubig ang pito kapag na hanginan na at kapag may bumula ay higpitan lang ulit,





STEP FIVE:
Bombahan gamit ang foldable na pambomba o kahit anung uri nang pambomba siguruhin lang na ayos sa inyo ang tigas nang tire upang hindi ito ganun ka tag tag sa byahe,
















At yan ang paraan kung paano mo ilalagay ang tireseal sa inyong sasakyan sana ay nakatulong ako at sana ay magbasa pa nang iba kong artikulo upang marami ang maging kaalaman sa ating motorsiklo pwede mo rin itong ishare sa mga kaibigan mo o tropa mo..

SALAMAT AND GODBLESS!!!

MOTOR KO O ASAWA KO?






Marami kasi sa ngayon ang kumukuha nang hulugan o brandnew na motorsiklo bawat maker kasi nang mga motorsiklo tulad ng YAMAHA,SUZUKI,HONDA,KAWASAKI,  ay halos taon-taon ay may bago kaya ang dami-dami na ngayon ang fanantic nang motorsiklo, malaking tulong narin kasi ang facebook sa pagtuklas nang bagong set-up para sa ating mga napiling motorsiklo dahil marami kang pwedeng pagpilian na design na binibenta nang mga seller online, nakakatuwa dahil nawawala ang bisyo nang ilan tulad nang sabungero,lasinggero, etc. dahil sa napapansin na sa mga costumer  ko ay ganito na naadik sa pag set-up nang kanilang motorsiklo,magugulat ka nalang na ang gwapo nang kanilang motorsiklo at ang kkikinis alagang-alaga ika nga,






habang ang iba naman ay tumutropa sa kapwa niya mahilig sa motor na ang topic lagi ay KARGA,SETUP,GALA, paulit ulit na ganun ang ginagawa o pinaguusapan, at dito na papasok ang sasali sa mga group aattend sa mga e.b. dadami ang kaibigan,dadami ang knowledge dami ang schedule,



eh paano naman ang asawa mo?




dapat ay wag natin kalimutan na may obligasyon parin tayo sa asawa natin kahit sabihin na natin na ikaw ang nagtatrabaho at siya ang sa bahay ay malaking tulong ang nagagawa nang asawa mo sayo bukod kasi na mahal ka nang asawa mo ay alaga ka dito, tandaan lang na kung papaano mo hahatiin ang oras mo sa sariling gusto at sa obligasyon,






ang pwede nalang siguro ay isama o ipakilala mo siya sa mga kaibigan o bagong tropa sa motor at sa tuwing may ride ay isama mo rin para nang sa ganun ay maramdaman niya kung anu ang gusto, at ugaliin magpaalam kung ikaw lang ang aalis iba kasi ang isip nang mga babae na baka kung anu ang gagawin mo kapag wala siya kapag nagmomotor ka, sa ganitong part ay pwede mo sa kanya awitan ang mga accessories at gear na kailangan mo dahil sa kung lagi mo siyang kasama ay makikita niya na napagiiwanan ka dahil ang mga kasama mo ay meron at dapat ay ikaw rin, kaya maganda na ipakita mo sa kanya kung anu ang gusto mo upang maunawaan niya,




sana ay nakatulong ako sa iyo para sa pangaraw -araw na blog ko sana ay mai-adopt mo ito sa iyo sa mabuting paraan, at kung gusto pang magbasa ay may iba pa akong artikulo na tungkol sa ating motorsiklo at buhay nang isang mananakay nang dalawang gulong,
salamat at ugaliin magingat


RIDESAFE AND GODBLESS!!!!


Friday, January 27, 2017

PAGPARK NG MOTORSIKLO BAWAL KOTSE PWEDE!



Paiksi na nang paiksi ba talaga ang  mundo nating mga nagmamayari nang dalawang gulong,
nung mga nakaraan taon bawal tayong mag led lights sa ating motrosiklo samantalang sa kotse ay hindi pinapansin, at sa mga kalsada tulad nang EDSA ay may motorcycle lane na sobrang pahirap dahil sa bukod sa pahirap sa sobrang daming lubak ay ginigitgit pa nila tayo at minsan ay hindi makadaan sa mismong lane at hindi pwedeng dumaan sa ibang lane  dahil narin sa tayo ay pwedeng mahuli parang sobrang inaabuso na ang pagiging maliit natin sa kalsada at tayo pa ang no. 1 na tinitira at dinadamay sa mga uri nang nakawan o patayan na porket hindi nila kayang resolbahan ay pagiinitan tayo na bawal magangkas nang kapwa lalaki kung ito ay hindi kamaganak o kaapelyedo, nakakasama ng loob na napakliit nang tingin nila satin na ito lamang ang kayang ipundar para sa sarili,sa  ngayon ay may kumakalat na larawan na hindi lang pala sa kalsada ang discrimination pati narin sa mga parkingan nang mga establishimento,nakakasama nang loob dahil parang ang sama nang tingin nila sa atin na halos hindi  nila tayo gustong magpark sa lugar nila,itong sample nang picture  ang patunay na tayo parin talaga ay walang ka lugar sa kanila na hindi alam ang importansya o magandang naitutulong sa atin nang ating motorsiklo, sana ay maparating sa kanila na mali ang ganito dahil tao rin tayo na gumagamit nang ganitong uri nang sasakyan at sana ay matutunan nila  tayong respetohin kahit sa simpleng bagay lamang,dahil tayong mga mananakay nang dalawang gulong ay kayang makisama sa  kanila at sana sila rin ay ganun din sa atin upang maging maayos tayong lahat.

salamat sa pagbasa at sana ay  nagkaroon kayo nang munting idea at sana ay ugaliin magbasa para sa inyong kaalaman pa para sa inyong motorsiklo, ,may iba pa akong artikulo na pwede ninyo basahin at ito ay tungkol lahat sa motorsiklo kaya enjoy po lamang  sa pag basa!


RIDESAFE AND GODBLESS

BRAND NEW O 2NDHAND?






Brand new  o secondhand na motorsiklo?dipende yan sa kung ano ang mayroon ang isang tao hindi mo pwedeng ipilit kung hindi naman kaya nang budget, dahil kung ipipilit ay baka magkaproblema lang sa huli, ang mapapayo ko lang ay ganito at sana ay makatulong sa iyo.






NO. 1 MONTHLY INCOME

Dapat alam mo na regular ang sahod mo buwan- buwan at kung hindi naman  ay may  tutulong sa iyo sa iyong monthly bills. Kung ikaw ay nagkulang masmaganda na may extra income ka bukod sa iyong basic salary dahil sa c.i na gagawin sayo ay magbabase sila sa uri nang trabaho na meron ka at gamit na mayroon ka. Kapag kasi nakita nang inspector na lahat kayo ay may trabaho ay pasok kana dahil pwede kang tulungan nang iyong pamilya kung sakaling wala kang panghulog, at kung ikaw ay magkakamototor na ay sikapin na mag over time upang matustusan ang iba pang pangangailangan mo. Kahit kasi sabihin natin na pwede naman ang income mo ay papasok parin na may iba ka pang bibilhi o pangangailangan, minsan narin kasi akong  naghulugan sa aking motorsiklo, at  aaminin ko sa inyo na ang monthly income ko ay pasok lang talaga sa china motorcycle, dahil hindi ako regular nung time na iyon at halos 450 ang daily pay  ko kasama na ang overtime  nung napagtanto ko ay hirap na hirap ako nung time na may yamaha mio amore na ako, yung tipong hindi na ako bumili nang brief in 3 years hahahaha at sa set-up ay tipid setup ako dahil kulang na kulang ang sahod ko, kaya kayo na nagpaplano palang ay magisip o magtanong tanong muna. Kung kaya nyo naman kasi makapangangutang sa kamag anak ay pwede na sa kanila nalang bayaran at pumili ng maayos na motorsiklo kahit ito ay secondhand, masmalaking tipid kasi ito kung ikukumpara sa brandnew at hulugan dahil ang brandnew ay nasa 65k at kapag installment ay aabot nang 120k in 3 years kaya napakamahal kaya kung may financer kayo ay napakaswerte ninyo dahil halos maliit lang ang itutubo niyan.







NO 2.MONTHLY BILL

Dapat bago ka kumuha nang brandnew na mototorsiklo ay kwentado mo na ang inyong bills tulad nang kuryente,tubig,internet,cable,foods,gala,etc. Dito ka kasi magbabase sa kung magkano ba ang natitira sa sahod mo at kung kaya mo pa bang tipirin ang sahod mo. Maadvise ko lang din na kung kayo ay pipili nang motorsiklo ay siguraduhin na pasok sa inyong lifestyle alam naman natin na ang daming mga motorsiklo na magaganda at ang mamahal kaya alamin kung pwede ba ito para sa inyo.


 



NO.3 MAAYOS PA BA ANG STATUS NG MOTORSIKLONG SECONDHAND!

Kung kayo ay nakapagisip at gusto o may natipuhan na secondhand at may budget ay siguraduhin lang ang mga ito makina,wirings,kaha,signal light,panggilid o  kadena. Yan ang mga basic na dapat ninyong tignan  dahil sa baka makamura nga kayo pero ang dami naman papaayos o sira  lugi ka parin masmaganda na sa kakilala kumuha, f.y.i kahit po sa mga CASA naglalabas din sila ng may problemang motorsiklo dahil kaya mapapansin ninyo walang warranty kapag repo ang kukunin ninyo. Kung pipili nang secondhand ay dapat may marunong o may mekaniko,yung may care sa inyo at hindi yung aasa na magbibigay kayo kaya dapat na makuha ang nakitang motor oo may mga ganun tao na kapag hinatak mo upang magpacheck ay oo lang nang oo pero in the end dami palang problema kaya hanap din nang maayos na mekaniko.







NO. 4 KAYA KO BA ANG MAINTENANCE?

Sa maintenance nang brandnew motorcycle ay maliit lang  dahil ang gulong ay kaya nang 8months pataas sa likod at sa harap ay 1 year , sa ibang parts halos wala masyado. Sa secondhand medyo marami dahil syempre may edad na pero hindi naman kamahalan wag lang sa makina ang problema. Dahil ito ang pinakabuhay nang isang motorsiklo masmaganda na maayos ito at kung may maintenance ay dapat kakilala ang mekaniko para transfarent siya at  siguruhin na original o genuine ang inyong piyesa lahat ito ay ayus lang kung ipapasok lang sa libangan pero kung kayo ay SIGA o sigamit lang ay masmaganda na brandnew na ang kunin dahil matagal bumigay ang brandnew at branded na motorsiklo.



NO.4 GAS CONSUMPTION.

May mga motorsiklo ngayon na nilabas ang mga maker nang motorsiklo ito yung mga fuel injected na kung saan ay napakatipid na nang gas consumption na halos 20 pesos lang ang magagastos mo daily kung ikaw ay malapitan lang, kaya kung ikaw ay nagtitipid ay pwede sa iyo ang ganitong motorsiklo tipid na at mura pa!!!





Thursday, January 26, 2017

MAGINGAT SA PAG BILI NG 2NDHAND!

Kung kayo ay bibili nang segunda mano ay dapat na masmaging maingat kayo kaysa sa  bumili kayo ng brandnew! dahil sa ito ay may hidden issue na minsan ay hindi nadedeclare sa bentahan minsan kasi ay hindi rin alam nang nagbebenta or kaya binenta ay dahil may issue, dipende na rin kasi ito sa  issue o sira nang isang bagay na binibenta may mild at may minsan ay talagang sira at kaya binenta ay para maipasa sa iba ang issue,kaya marami ngayon ang mga issue sa mga bogus seller,not declairing isssue at marami pang iba, in that part kasi pareho silang mali oo mali dahil ang buyer mismo bili lang ng bili at hindi tinitignan muna o kinikilatis ganun kasi ang pinoy basta makakamura go lang nang go, para saan ba ang mura?para ipagmayabang na nakakakuha ka nang mura o sadyang kuripot lang talaga? tapos sa huli post na nang ganto manloloko si ganito diba? parang pagbili lang yan nang secondhand na motorsiklo kung hindi ka marunong magcheck nang makina ay maloloko ka nang seller kasi sino ba naman ang seller na sisiraan ang kanyang paninda diba?edi wala siyang kinita? sample "mio sporty 20k nalang kayo na lang po magpaayos nang sira wala na kasing time" yan kung ganyan ba ang post ay bibilhin mo?hindi for sure kasi alam mo na  may sakit nang ulo kang makukuha dyan doon na papasok yung mga negative na isip, kaya benta dito benta dun nang walang issue pero ang daming hidden, samplelan ko kayo ngayon nang isang item na nakakaloko lalot sa mga newbie ay hindi alam na ito pala ang issue nito (picture below)

sa pagbenta kasi nang isang seller nang secondahand isa lang ang mindset nya picture the best part of the item, para maganda ang tingin nang buyer( oi ang kinis panalo!!!!) ganyan magisip ang  isang buyer
pero sa pagbili nang lever ay hindi lang basta panlabas na anyo lang  ang dapat mong tignan pati panloob syempre pogi nga lever mo branded pa, pero hindi naman nagpafunction nang ayos edi wala rin diba? (picture below ang sample nang issue)


Yan ang issue na hindi alam nang kuripot na buyer (sorry for the word) yan dot na iyan ang nagiging sira kapag matagal nang nagamit nang unang may ari dahil ito ay trigger point nang lever para ibato sa pump na magbebreak at mag breaksignal habang tumatagal  ay kumakayod ito dahil ang lever ay made of alloy at ang tinatamaan nito ay bakal kaya napupudpod ito.






mabalik tayo sa fresh na pic yan ang tipikal na sample nang isang secondhand na  lever kung hindi mo kasi alam ang  issue mabubulag ka talaga dahil sa  makinis at branded pa kaya ikaw ngayon alam ko kung newbie ka ay nagulat ka na doon pala ang issue nun kahit walang gasgas ito sa labas at makinis,



pwede mo naman siyang gamitin kaso lagi nga lang naka break ang preno mo dahil sa pudpod ang  lever mo masmalalim kasi masmalala dahil hindi na ito nagkocontact sa bakal o pump, pwedeng idulot nito ay lobat dahil malakas sa battery ang breaklight at ito ay silaw sa likod mo na kasabay mo sa kalsada, pwede parin naman bumili nang ganitong issue pero wag  lang masyadong malalim at tanggapin lang na maiksi na ang buhay nito dahil mapupudpod ulit ito kapag ginamit mo


KAYA MAGINGAT AT MAGING MABUSISI SA PAGBILI NANG KAHIT ANU MANG BAGAY NA SECONDHAND! 

sana ay nakatulong ako sayo sa aking daily blog at sana ay ibahagi mo sa mga kaibigan mo sa pag share nang aking artikulo at pwede ka  parin magbasa sa iba pang artikulo na nasa gilid sana ay maappreciate ang aking effort salamat!

RIDE SAFE AND GODBLESS!

Wednesday, January 25, 2017

BASIC TIPS PARA IWAS CHECKPOINT HULIDAP!


Marami na sa ngayong ang mga newbie O ngayon lang nagmomotor hindi pa nachecheckpoint at ang minsan ay takot magpacheckpoint,

bakit nga ba nakakatakot magpacheckpoint? bakit ba nanghoholdap sa checkpoint? pwede bang magcheckpoint ang pulis sa alanganing lugar? paano ba ako makakaiwas sa checkpoint na wala silang rason o butas na makikita upang perahan ako?  anu ang tamang checkpoint ng pulis?

ito ang mga tanong na sasagutin natin para sa mga kapwa ko rider na sawa na sa mga buwayang mga lespu kahit ang iba ay matitino ngunit may iilan parin na mukhang pera talaga!!

no. 1 bakit nga ba nakakatakot magpacheckpoint? 
dahil sa ang mga pulis ay  maangas sa checkpoint na minsan ang tanong kaagad kapag iligal ang checkpoint nila ay ganito ang tanong "LISENSYA MO!!" walang kaamo amo na para ka kaagad magnanakaw dahil gusto nila kaagad na matakot ka para sumunod ka sa gusto nila( PERA MO)
yan ang dahilan kung bakit takot ang mga rider dahil lamang ang hulidap sa checkpoint, atkung ikaw ay nasa ganitong sinaryo  ay wag kang kabahan at wag mo kaagad ibigay ang lisensya mo bagkus ay tanungin mo muna o daanin mo sa kwento tulad ng"SIR MAY HINAHANAP PO BA KAYO KAYA KAYO NAGCHECKPOINT?" dito kasi sa tanong mo ay magegets nang pulis na may alam ka at iiwasan kana kasi ang mga baguhan ay bigay kaagad ang lisensya kaya nakokotongan dahil gagawan na kaagad nang butas nang kotong cops na kahit walang violation ay magkakaron dahil alam niya na walang alam sa batas ang isang rider, dahil na rin nasa kanya na ang lisensya ay wala na itong palag, ganito lang yan kasi ang lespu psychology ang ginagamit nila tanong sagot tanong sagot lang gets mo?pag nagtanong siya at hindi ka kaagad makasagot patay ka kung ang motibo ng pulis ay mamera lang pero kung normal operation ay ganito parin ang method nila tanong sagot tanong sagot, pero for assurances lang na ikaw talaga ang nasa lisensya mo  pinapakiramadaman lang niya na totoo ang sinasabi mo base sa dokumento na pinakita mo,ang tanong nyan ay"taga saan ka,ilan taon ka na?kaninong motor ito? " ganyan ang tanong kapag normal o totoo ang checkpoint pero kapag iligal ang tanong kaagad niyan ay violation "alam mo bang bawal ang nakatsinelas?bawal ang walang helmet ang angkas mo? puro violation kaagad kaya kakabahan kana kaagad kaya dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo sa pagsagot nang tama at maayos sa pulis dahil kahit gaanong hiyaw nila sayo ay dapat magpakumbaba ka parin at kung mabibivideohan mo ay masmaganda
kaya wag basta matakot sa checkpoint at alamin ang mga bawal at hindi bawal nang sa ganun ay kaya mong dipensahan ang iyong sarili kapag ikaw ay tinatanong dahil kung masasagot mo kaagad ang tanong niya ay maiilang na siya sayo at mapapaisip na "wala anamn tayo mapapala sa isang yan alam niya ang batas"pansinin nyo rin na kapag iligal ang checkpoint dalawa o tatlo lang ang pulis na naandun bawal po yun dahil dapat organised sila at kasama ang hepe at may banner sila sa harap 1 meter ahead sa checkpoint area kapag iligal na tulad nito ay hindi nila pinapara ang mga naka vest o nakagroup dahil alam nila na kapag ang isang rider na naka suot nito ay disiplinado na kapag tinanong nila ay makakasagot kaagad sa mga tanong nila at masasayang ang pagod nila dahil ang motibo nila ay mamera lamang,kaya ang target nila ang sibilyan na walang alam,







no. 2 bakit ba nanghoholdap sa checkpoint?
dahil sa ang mga pulis na kurakot ay inaabuso ang batas at ang mamayan o rider na ignorante sa batas kaya  nagagawa nila ito para sa pansariling mithiin na manghoholdap sa checkpoint na hindi iniisip na pinaghirapan natin ang perang hinihingi nila, pwede naman silang manita at manticket kung ito ay linya nang kanilang trabaho ang ibig ko kasing sabihin ay hindi po lahat nang pulis ay pwedeng manticket dahil kahit sila ay pulis may kanya kanya silang departamento  iba ang sa traffic at iba ang sa service kaya wag kayo basta basta papadarag sa mga pulis na abusado,

no.3 pwede bang magcheckpoint ang pulis sa alanganing lugar?  
pwede kung ito ay legal o may kasama silang hepe mobile at banner sa harap dahil sa gingawa nila ito sa mga tago upang hindi basta basta makita ng mga magnanakaw o kriminal na may checkpoint sa harapan,ngunit kung ito ay kulang sa nabanggit ay umalalay na kayo na pwede kayong kotongan ng nakaharap na pulis pakiramdaman lamang at dapat ay maayos ang pakikipagusap






no.4 paano ba ako makakaiwas sa checkpoint na wala silang rason o butas na makikita upang perahan ako?
dapat ay alam mo ang bawal at hindi bawal tulad nang sapatos helmet at over loading o tatlo sa motorsiklo  yan ang mga basic na batas na dapat alam mo dahil sa checkpoint yan ang malimit na sinisita dapat lamang na ikaw ay may rehistro lisensya na updated upang hindi ka nila magawan ng paraan na abusuhin at dapat rin na wag ka magbigay nang motibo na ikaw ay may dalang pera lalot ikaw ay bubunot sa iyong wallet at bulsa dahil kung may makitang ninoy aquino dyan sa iyong wallet ay pwedeng gawan ka nang ibang butas dahil sa positibo sila na may pera sila at may makukuha sila sayo, pero kung ikaw ay walang walang o wala silang nakita at ikaw ay kompleto ay hahayaan ka lang nila na umalis dahil wala kang violation,minsan din kasi tayo ang nagbibigay nang rason upang gawin nila ito sa atin kung kayat dapat ay tayo mismo ang maging alerto o wag mgbigay sa mga mapansamantala,



no.5 anu ang tamang checkpoint ng pulis 
ang tamang checkpoint ay dapat sila ay marami organise,may hepe, may signboard at may mobile na nakaabang sa gilid,wag matakot dahil kapag legal ang checkpoint ay mababait ang mga pulis na kahit may violation tulad nang tsinelas ay pagbibigyan ka at sasabihin na wag nang uulitin pero kung ang papeles mo ay kulang tulad nang orcr lisensya ay titicketan ka nila o kukunin ang iyong sasakyan tandaan na masmaganda na wag tumakbo kapag may checkpoint legal man o iligal as long as kaya mo dipensahan ang iyong sarili ay mas ok maging maalam lang sa batas nang ating bansa, upang lahat tayo ay hindi maabuso



sana ay nakatulong ako sa munti kong nalalaman at kung may gusto pa kayong malaman para sa inyong motorsiklo ay pwede kayong magbasa sa iba ko pang mga artikulo na nasa gilid

RIDESAFE AND GODBLESS!!


PARA SAAN BA ANG ITEMS NA BINIBENTA NAMIN?

Ito po ang mga items na binibenta namin sa munting shop @ secretshop 

nasa picute po ang price at nasa  ibaba ang uses ng bawat produkto  na aming binibenta,



3DMASK ito ay ginagamit ng mga nagmomotor na half face ang kanilang helmet nagsisilbi kasi ito face mask na nakakatuwa dahil pwedeng magbago ang inyong itsura dahil sa nakadrawing nitong mukha nang tao,








dual eyeline ito po ang ilaw na nagpapalit nang kulay sample from white nagiging kulay red o ibang kulay,bali 2 ang ilaw nito pwedeng magpalit-palit dipende sa kulay na gusto mo basta may switch kalang

single eyeline ito yung isang kulay lang sya na pwede mo ilagay sa iyong headlight o alin mang part nang iyong motorsiklo,





led lights pwede syang gamitin as underglow o shadow sa inyong motorsiklo o alin man sasakyan ang kagandahan din ay water proof ito,




muffler guard pwede sa kahit anung motor dagdag setup sa ating mahal na sasakyan



axle cap nilalagay ito sa ehe ng motorsiklo na nagsisilbing burloloy.




usually dati itong nakikita sa mga bisikleta pero ngayon ito ay para narin sa mga nagmomotor para sa byahe nkung sila ay mauhaw ay may dala na silang sariling tubigan.



para sa mga scooter na sumempleng o lumuwag ang knuckle bearing ito kasi yung nagaalign sa ating pagliko.


5vv belt ito ang stock na vbelt ng soul at fino na pwedeng gamitin at masmaganda sa mga naka sporty mio dahil sa ito ay masmaiksi at masmaganda ang performance kaysa sa 5tl na stock na sukat ng sporty.


stock decals ng mio 4 sa thailand na pwede sa mga naka mio soul classic 115 o mio 4 na kaha, fresh ang look nya lalot bago ang kulay ng inyong pintura.


spot type led lights bagay ito sa mga low budget  kasi sa 150 ay may led lights kana malakas din sya at wala siyang balast na kailangan basta battery operated na ang headlights wirings mo ay ok na ito at pwede nang isalpak  very low battery  consumption din po ito.


 
seat cover para sa motorsiklo tulad nang sporty na may yellow na motor na kulay na nilabas at pwede rin sa mga gold combi ang tema ng kanilang accessories



for safety reason ang pagkakaron ng rizoma antu theft grip dahil ito ay de roskas na pwede mong tanggalin ang silinyador kung ikaw ay magpaparking at isalpak kung ikaw ay babayahe ulit.





axle usualy nilalagay sa ehe ng mga motorsiklo nagsisilbing burloloy o pampaganda




para sa mga mio user itong lever na ito  at ito ay racingboy copy kung kayat ito ay maganda tignan




 

good for motorsicle na isa ang lense dito kasi nalabas ang lakas nitong led na ito at sa 30 watts ay ok na ok ang liwanag nito compaire sa stock .


led with parklight as new stocks na dumting sa pinas ay ito ang medyo mahal dahil narin sa lakas ng wattage nito na 40watts ay talaga naman sayo ang daraan mo at may parklight pang kasama na kung ayawa magheadlight ay may ilaw na nasisilbing parklight







speedo meter cover ito ay accessories na pampaganda sa ating speedometer na pwedeng mamili nang ibat-ibang kulay.






para ito sa mga adik sa lowered lifestyle dahil mapipili mo ang sagad na lowered na gusto mo. dahil sa ito ay adjustable na kahit anung taas ay maiseset mo.






original yamaha genuine batok ng mio soul classic at mio 4 thailand



wall e  all weather good for rainy days or fogging place dahil ang ordinary na ilaw o led lights  dahil kaya nitong tumagos sa ulan at at fog,,  





alum bar for excess need masmaganda dahil pwedeng i bend at magaan.





rear para sa mga mio 115 tulad ng sporty,fino,nouvo,soulclassic,souli115 at sa dio pwede rin 




para sa naghahanap ng masmalakas na palo nang kuryente ng sparkflug




sidemirrorcap pandagdag accessories na pwede ilagay sa ibabang part ng sidemirror






pantakip ito sa ignition ng mga f.i na mototsiklo gamit ang double sided ay pwede na itong idikit.





para sa mga cartb type na kargado o stock na makina na mahilig sa accessories pwedeng pwede ito sa inyo tulad nang fino,nouvo,sporty,soul,mio4





good for motorsiklo na dalawa ang lense dahil natin siguro sa buga nito na malawak kung kayat dalawa ang iyong lense ay malawak ito.


allen cap ussualy gianagamit sa crankcase ng mga scooter na teternohan nang allen screw.


for mio 200 mm size disc tulad ng sporty fino nouvo soul classic.




pamalit sa mga naka hid projector na napundihan nang kanilang hid bulb.






napakahalaga nang ignition switch na ito dahil hindi basta basta mananakawa ang inyong motorsiklo at halos lahat nang motorsiklo specialy branded ay meron na kaya pwede kayong umorder po sa amin.





malalaman mo ang importasya kung ikaw ay sumwmplang na dahil ito ay leverguard na kapag tumaob ay pwede isave ang iyong lever at dagdag burloloy na double purpose






 
ito rin ay double purpose dahil sa ito ay accessories at mamasave sa malalang pwedeng gumasgas sa inyong caliper cover,



ginagamit ito para sa ehe ng mga motorsiklo kung saan nagsisislbing accessories o dagdag pogi.






lahat nang fuel injected walang patayan ang headlight kaya kung owner ka nang mio  fuel injected ay need mo ito para napapatay mo headlight mo





pwede siynag gamitin sa fluid hose sa fork at sa speadometer cable ito kasing accssories ay guide nang hose para maganda ang daloy nito





for those rider na naka shifter iwas gasgas kasi ito sa inyong sapatos o sa paa mismo.






inner parts ng mio soul classic 115 original






dagdag burloloy sa harap o gilid o kahit saan mang parte nang inyong motorsiklo





para sa mga gusto na colorful ang kanilang mio pwede po ito bagay na bagay sa mga naka magenta, mejo mataas lang ang price dahil sa option 1 po ito.






ilan taon naba ang mio mo? baka need mo ng magpalit ng pang gilid itong clutch lining ay parts ng gilid na kung saan kung manipis na ito ay pwedeng lumakas ka sa gasolina.





alam naman natin kung gaano kahina ang stock na busina lalot ang daming jeepney driver ang balasubas sa kalsada kung kayat para narin tayo ay mapansin ay kailangan natin nang malaks na busina upang mas rinig po tayo sa kalsada.






parklight come for many color red,blue,green,white,yellow dipende sa gusto mong kulay.






traveller kaba? need mo ito para laging oncharge ang iyong android phone,dahil anapakahalaga ng may charge lagi ang inyong phone para kung sakalaing may aberya ay may rescue ka kaagad.







kung wala kang alarm ay kailangan mo nito dahil sa isa ito sa makakatulong upang mahirapan ang magnanakaw na kunin ang motor mo dahil kahit anung gawin niya ay hindi aandar ang motorsiklo dahil  nakalock ang inyong disc lagi itong haharang sa tuwing aarangkada siya.





para sa mga new motorcycle at old dahil sa ito ay kailangan nyo lalot lahat nang new f.i ngayon ay madali mapudpod ang breakpad, ang red color ni rcb ay v1 at ang beige naman ay v2 na kaya medyo mahal ay dahil sa masmakapit ito kaysa sa v1.





dagdag ilaw ba hanap  mo?
itong led strip kasi ay nilalagay sa rear box ng motorsiklo upang  maskita ka sa kalsada dahil kung anung function ng ilaw sa likod ay parehas din nang led na ito dahil dun mo ito pwedeng i-tap.







hose clip para sa mga naglalagay nang breather hose o kahit saan na gusto mo ilagay ay pwede ito.







breakarm ng mio pandagdag pogi para maskakaiba masmaganda.





para sa ayaw ng stainless ay pwede itong  pito alloy na ito dahil may kulay siya na pagpipilian.






hose guide pwede sa fluid hosse sa telescopic pwede rin sa speedometer cable.





universala po ito  at pwede i adjust from standard to lowered desired size.





uses for change oil cap




universal po ito pwede sa kahit anung motorsiklo






for mio or click pwedeng pwede po ito 





para sa mga mahilig sa mabilisan arangkada nang gas papuntang carb ito na po.




orig koso taiwan, malambot po ito parang stock lang dahil made of rubber ang materyales





para sa mahilig magshow o magpaganda nang kanilang motorsiklo pwedeng pwede ito sa inyo.







made of  rubber kaya masarap sa kamay at abot kaya pa.





for changeoil uses.




para sa nga mio n gusto may kulay ang switch pwede po sa inyo ito.





para sa mga mahilig magpanggilid pwede kayo magpalit nang clutch spring pandagdag bilis pero dipende sa set ninyo.





para sa mga naka fast charge ym jet f.i o kahit anu motorsiklo need nyo ito para monitor nyo po palagi ang inyong battery kung lobat b o overvharge





bottle holder




for excess lights  mga sir




accessories para sa ating mga pito.





can use for breather hose de kulay.




for any motorcycle.




pwede itong ilagay sa ilalim na parts ng inyong mga motorsiklo ito rin ay may blinker mode para maporma ang inyong motorsiklo sa gabi.



stock cable throttle para sa mga naputulan ng cable throttle ito na po.





for headlights use




double porpuse po ito dahil sa bukod sa accessories ay for safety rin lalot kapag ikaw ay nasemplang ito ang unang tutukod sa semento maiiwasan ang malalang gasgas sa inyong sasakyan.





for mio only.





pampakintab nang inyong motorsiklo.





for shifter only










para sa mga naka stock pipe jan ito na po.







for gearoil acessories




para sa mga naka open pipe baka gusto nyo. violet 




led lights



no kalawang 




may lock system po ito kaya parang naka stock lever ka parin pero new ang color na meron



para mga mahilig sa de kulay na fluid hose ito na po.



para sa raider xrm gixxer fury pwede siya as on or off switch.




para sa ayaw na osawa na sa flat ito po tried and tested



matibay na switch at may kulay ba? ito napo



for muffler cover universal,





gel type






kailan kaba huling nagpalit ng bola mo? baka pudpod na po yan?









for any motorcycle







alarm for any motorcycle masmatibay at maskilala na po ito.


















for lever use 











for mio only 




for sporty yamaha



any motorcycle