start po muna tayo sa aking istorya, ang amin grupo kasi ay medyo tumahimik nitong mga nagdaan mga buwan dahil na rin siguro sa sobrang busy dahil sa alam naman natin na ang ber months ay panahon nang naparaming okasyon,kung kayat sa club ay nawalan nang oras at gana, kung kayat sa pagpasok nang 2017 ay uumpisahan namin ito nang masayang byahe at masayang gala dahil kakambal nang isang groupings ang touring, kung kayat hanggat maaga ay magumpisa na tayo sa short ride upang pag dating ng march ay marunong na ang lahat nang member namin sa byahe, kahit kasi sabihin natin na ilang taon na nagbyayahe ay hindi parin makakasabay sa long drive dahil kulang ang kaalaman sa pagbyahe kaya knowledge ang dapat kung ikaw ay maglolong drive upang iwas aberya sa daan, kaya sa aming team ay uumpisahan namin na magkroon nang newbie ride sa tunnel para sa mga bago namin member. kaya share ko po sa inyo ang nangyare sa aming byahe sa kaybiang tunnel nasugbu-ternate ride 2017.
WAKE UP!
Nagising ako nang 2:30am dahil naalimpungatan ako at ako ay nagmumuni muni nalang dahil maaga pa. dahil ang usapan kasi ay 4;00am ang call time at 4;20am ang orientation at 5am ang alis as one of team leader dapat ay mauna ako kaya 3;30am dapat ay naliligo na ako. so ganito nangyare nagbukas ako nang phone ko at nagulat ako walang active sa group chat namin. kaya nagtataka ako!? and i notice na nakaoff pala wifi ko hahahaha kaya binuksan ko naalala ko kasi nung gabi para mabilis kako magcharge off ko. and nung nag open na talaga ako nagulat ako dahil 3;30am may dalawa na kaagad sa meet up place namin, syempre bigla ako napahigop nang kape kahit mainit pa. kaya agad agad akong nagpack-up ligo,bihis dapat kasi ay mauna ako doon. dahil ako ang maglelead sa kanila.
PREPARATION.
basic tools. |
Bukod kasi sa gear,vest,sapatos,pantalon ay dapat may tools kami
na dala upang kung may mangyare na aberya ay handa kami. kasi kung sira sa wirings ay kaya naman namin at kung sa makina ay pwede namin itulak, pero kung ito ay flat tiyak na mahihirapan kami kung kayat naisip ko na mag dala nang tools,
wrench for front and rear tire para kung di kaya ay bubuhatin nalang, pangtanggal nang pito, tiresealant upang kung maliit lang ang pako o nakabutas dito ay kayang barahan at huli ay pambomba. ito kasing basic tools na ito ay malaki ang tulong para sa aming munting ride dahil kailangan namin makauwe nang walang aberya at kung meron man ay maayos din namin at hindi makakaabala sa ibang grupo na mkakakita sa amin kahit alam namin na pwede nila kaming tulungan ay dapat na kami mismo ay mayroon din na para sa amin.
MEET-UP
Nakarating ako sa meeting place namin before 4:00am at pangatlo ako sa naaandun at maya-maya ay nagsipag datingan na sila at lima lang naman kami sa amin na nagcommit na sasama kaya ang haba nang oras namin para magusap sa gagawin ride, as newbie sila ay dapat na maturo namin ang mga basic hand signal upang nang sa ganun ay hindi kami magkalituhan sa byahe at maging maayos ang aming byahe at maging masaya at makabuluhan ito para sa amin.
GEAR-UP
At dahil tapos na ang orientation naituro ang basic na gagawin sa kalsada ay umalis na kami sa aming meeting place para pumunta sa kaybiang tunnel 4;50am para habulin ang sunrise sa tunnel. dahil napakaganda nang view doon at marerelax ang iyong isipan.
GAS-UP
Syempre bago magride dapat ay may gas kaya bago kami umalis ay tinanong ko muna sila if may gas pa sila at kung hanggang saan pa aabot dahil hanggat maari ay sabay-sabay mag gas up upang maiwasan ang down time sa byahe. kaya we stop at gas station nearest and then may biglang nagpost sa gc namin nang otw.
so late po sya sa lagay na iyon, kaya nag stop over kami sa gas station and wait for him good to see na 5 minutes ay naandun na sya dahil sa tulong nang ibang mga riders na nasa meeting place namin na tinuro na nakaalis na kami, kaya nakita nya kami sa gas station dahil sa nabasa nya sa kanyang cp na inaantay namin sya, at sinabi ko sa kanya na may no late policy na tayo since it was a first trial o dry run palang ay ok lang pero next time ay bawal na at magmumulta na. at after noon ay nagsipag byahe na kami.
TRAVEL
Nagstart na kaming magbyahe sa kaybiang tunnel at sa amin orientation ay may ilan parin ang mistake kasi alam naman natin na kahit nakinig tayo ay hindi rin naman kaagad ito mapipick-up kung kayat pwede nalang itong sabihan upang maalala ako kasi ang tail man nila at ang aking kasama ang nasa harapan.
kaya inaalalayan ko sila.
FOOD TRIP @ MARAGONDON
Sa pagbyahe kasi ng maaga ay hindi mo na mgagawang kumain sa bahay kaya nung nakaramdam kami nang gutom ay nagLUGAW nalang kami, dahil sa bundok walang pagkain, kung mayroon man ay process food pa tulad nang canton kaya mas ok na kumain nang ganito upang kami ay hindi lamigin sa byahe at kami ay malakas sa pagdadrive, in fairness masarap po ang lugaw na may itlog lalot gutom na gutom ka, hindi naman kailangan kumain sa mamahalin kung simpleng ride lang dahil ang isang rider ay isang cowboy na walang arte arte,
@ TERNATE CAVITE
pag katapos namin kumain sa maragondon ay umakyat na kami kasi from maragondon ay napakalapit na namin at paakyat na kami nang bundok
Makikita niyo ang ganda nang isang lugar kung maabutan mong sumikat ang araw nito,
yung maamoy mo ang lamig nang simoy nang hangin at mapayapa ang byahe sa kalsada, sa oras na 5;30am ang may nauna nang riders kaming nakasabay at marami sila kaysa sa amin mga 30 ka tao yata yun.
@ KAYBIANG TUNNEL
At dahil 5th times ko nang pumunta dito ay medyo sawa na ako magpa picture kaya ang mga newbie ang hinayaan namin magpapicture at kami ay nagtingin tingin nalang sa paligid at sa umagang iyon ay may dalawa na kagad grupo na yung isang grupo ay nakasabay namin pataas at yung isa naman ay mio i 125 na group.
DISSAPOINTED @ KAYBIANG TUNNEL
Nung pumunta ako sa gilid na bahagi nang kaybiang ay napansin ko ang basura na ito na basta nalang nilang itinambak doon. at ako ay na dismaya, dahil ang isip ko ay napakaganda nang tunnel pero ang baboy nang paligid nito. at napansin ko na ang basura ay plastic cap,canton,foodchain cap, at ang una kong naisip kung sino ang nagtapon ay ang tindahan sa paligid nang TUNNEL. para sa atin ay ok na may makakainan tayo sa gilid nito pero kung ang pagiging convient ay ganito magiging masaya ka paba na kumain?
BEHIND TUNNEL
Napakarami kasing tao sa harap kung kayat we desided na sa likod tayo mag picture para solo nantin
kaya nagsawa sila kaka-selfie dito at yung iba ginawa nang profile picture hahahaha!
SEASIDE ON NASUGBU
Ito yung isang place na malapit sa TUNNEL na madadaanan mo kung ikaw ay tatagos nang ternate-nasugbu.
makikita nyo na napakaganda nang tanawin nito at talagang marerelax ka sa ganda,
at nung ako ay tumingin-tingin ay may basura na naman akong nakita at naalala ko bigla na (teka may tindahan din dito ah?)
yung basta nalang nagtapon nang kanilang basura!!
SELFIE @ NASUGBU
RIDE TO NASUGBU-TAGAYTAY
we desided na umikot dahil kakasawa if babalik ka nga naman pa naic..
after 15mins umalis na kami
so nagpack-up na kami at itututloy na ang byahe at inihanda ang mga pwet para sa mahaba-habang byahe dahil sa 2 hours mahigit ito dahil sa nagawa ko na ito ilang beses na, syempre i enjoy it a lot!
STOP OVER
Matapos namin baybayin ang nasugbu,lemery boundary ay nagpahinga muna kami sa TWINLAKES sa taas nang tagaytay siguro mga 20 minutes din yun upang tignan ang view nang taal lake at makapagkwentuhan muna, at para mapagusapan kung saan ang daan namin dahil malapit na kami sa amin lugar.
At sa pag deside namin sa isang part nang silang kami dadaan TAGAYTAY-STAROSA ang dinaanan namin at sa oras na 10am ay antok na ang iba tulad ko kung kayat sa malilim na part ay nagpahinga kami at nagsipag ihian ang iba habang ako ay humiga sa damuhan, i dont care if madumihan ako hahahaha, at kami ay 15minutes away nalang sa aming lugar kung kayat after a break we ride again and we go to our way home,
TOUCH DOWN
At 11;30Am ay naka land fall ako sa amin at pagod na pagod, tapos may kakatok kaagad na costumer kaya work kaagad, and thats life talaga
kaya kahit pagod ay trabaho parin hahahaha
hope you enjoy my story!
till next ride story A RIDE TO MALL OF ASIA!
WORK,RIDE,ENJOY!
No comments:
Post a Comment