Ang
preno/breakshoe ang pinakamahalagang parte nang ating motorsiklo na kung saan
ito ang sasalba sa ating buhay. kung wala o mahina ito ay pwede tayong
madisgaraaya kung kayat dapat natin itong imaintain dahil ang buhay nito ay may
limit dahil narin sa madalas ito na ginagamit kaya ito napupudpod kung
kayat ilang buwan pa lamang ay ganito na ang itsura, at ito rin ay ramdam
mo kapag ito ay ginagamit mu. yung pakiramdam mo sagad na ang piga mo pero
umuusad parin ang iyong motorsiklo. at kapag iyong binuksan ay akala mo makapal
pero kapag iyong tinesting ay madulas parin. dahil wala ito sa kapal nang
lining ito ay nasa kapit o pagkakabond nito na syang kumakapit sa tuwing ikaw
ay magpreno. ang sample pic ko ay ang stock na breakshoe nang YA,MAHA MXI 2015.
at ito ay ngayon lang nabuksan. ibigsabihn ay dalawang taon na itong
napagtyagaan nang mayari sa itsura nito ay talagang wala nang kagat dahil
humulma na nang makinis ang bonding nito at wala nang kumokontra dito.
para sa mga newbie o baguhan ay dapat na
every year ka nagpapalit nang preno sa likod o lagi itong icheck. sa ngayon ang
dami na kasing murang breakpad at breakshoe na mabibili online or sa mga
motoshop. kaya napakadali na nito para sa iyo na imaintain. at kung ikaw ay
matyaga or sabihin na natin na ikaw ay may gamit ay pwede mo sundan ang basic
tips para mapalitan ito.
UNA tanggalin mo muna ang pipe gamit ang
tools na socket wrench or ytools na size 12 at 14 ito kasi ang usual sizes nang
turnilyo nito sa muffler dahil ang muffker ay nakaharang sa gulong
kung ito ay kakalikutin mo kaya masmaganda na ito ay tanggalin, magingat nga
lang kung ito ay galing sa takbo dahil ito ay mainit pa at baka kayo ay
mapaso at wag din pilitin dahil baka maloosethread ito dahil kapag mainit
ay malambot ang tingga nito kaya pwede itong magloose.maaadvice ko na
atleast 15 to 30 minutes mo muna itong hayaan magpahinga. saka mo ito galawin.
Kapag natanggal mo na ang pipe ay ganito ang magiging itsura na magiging malinis ang gilid kung saan magiging madali para sa iyo na gumalaw dahil ang paling ng gulong kung ito ay tatanggalin ay pakanan.
Kailangan mong tanggalin ang nut nito upang matanggal ang gulong. gamit ang tools na size 22 ay matatanggal mo ito . make sure lang na hindi ito maloosetrhead o alalay lang sa pagtanggal.
Kapag natanggal mu ito ay makikita na kaagad ang breakshoe na dahil ito ay nasa bukana kaya maari mo itong matanggal kaagad.
Kapag natanggal mo na ang lumang breakshoe ay pwede mo na itong palitan nang napiling brand o uri nang breakshoe. sa akin kasi ay racingboy ang aking ipapalit dahil sa subuk ko na ito sa akin na talaga naman makapit, kaya kung afford niyo naman ito ay pwede nyo i try at sulit naman ang gagastusin ninyo,
Ganito ang itsura nang brakshoe kung ilalapat mo sa kanyang pwesto make sure lang dahil may left and right position ito na dapat sundin.
At iaadjust mo ang breakarm dahil sa ito ay masikip na para sa bagong breakshoe na iyong inilagay, dito karin magadjust kapag ikaw ay umandar na dahil sa magbabago ang set nito dahil ikaw ay nagpalit na nang breakshoe.
Maari mong pisil-pisilin ang preno upang matantya ang higpit nang iyong preno upang konti nalang ang adjust mo kung ikaw ay babyahe na.
At kung ikaw ay sigrado na ay pwede mo nang ibalik ang gulong.
Dahil sa ikaw ay nagbukas nito ay nagalaw na itong nut kung kayat dapat mong sigurhin na ito ay mahigpit dahil sa ito ay delikado kung hindi mahigpit o hindi nasa ayos.pwede kasing kumalas ito sa thread at pwede mong ikadisgrasya dahil hihiwalay ang gulong sa pagkakalapat. kaya paalala lang na dapat mong siguruhin na ito ay mahigpit o nasa ayos.
Kapag alam nang mahigpit ay pwede mo nang ibalik ang iyong pipe upang ito ay matesting na at siguruhin na walang singaw ang pipe at dapat din ay lapat ito para iwas singaw..
Sana ay nakatulong ako sa munti kong idea at sana maiapply nyo sa inyong pangaraw-araw na gawain. at kung gusto nyo umorder nang rcb breakshoe or front breakpad ay pwede nyo ako i private message sa aking facebook account.secretshop.
RIDESAFE AND GODBLESS!!!!
No comments:
Post a Comment