Thursday, February 2, 2017

AKSIDENTE SA KALSADA!



Alam naman natin na milyon-milyon na ang nagmomotor sa ating bansa kahit na mga bata kung  minsan ay makikita mo na gumagamit nito, pero ang lahat nang nabanggit ay hindi lahat alam ang sefely riding sa kalsada yung tipong basta-basta nalang gumamit nang sasakyan at hindi iniisip na mali pala ang pasok sa mga sinisingitan dahil ang motorsiklo ay maliit kung kayat  kaya nitong gumawa nang isang aksyon sa mabilisan oras, kaya masmaganda na matutunan ang ganitong  technic sa kalsada upang malimitahan ang aksidente sa daan, dahil kung ang lahat ay marunong o maingat ay maliit ang chances na magkaroon nang disgrasya,  ito ay dapat sana ay magmula sa nagbibigay nang lisensya sa atin at iyon ay ang LAND TRANSFORTATION OFFICE naroon na tayo na tayo ay dumaan sa kanilang examination o test bago tayo magkaroon nang lisensya, pero hindi lahat natuto dito dahil hindi inintindi o dahil nagpa fixer. ito kasi ang pagkukulang nang isang rider sa tuwing gagamit siya nang kanyang sasakyan.Minsan ay nalilimutan o minsan ay hindi talaga alam ang rules nang isang rider na nauuwi sa aksidente o minsan ay away sa kalsada, dahil sa mali ang pagdrive kung kayat naiinis ang ibang driver dahil mali ang ginagawa sa kalsada, kaya masmaganda na magkaroon nang isang seminar ang isang rider upang masmaging maayos ang kanyang driving skills, kung maari nga lang ay sumali sa mga grupo ng motorsiklo na may advocacy na makatulong sa mamayan at nagtuturo nang dapat na gawin  sa kalsada yung tinatawag na safely dirving or deffenssive driving. Magiging malaking tulong ito para sa isang rider at sa ating bansa dahil magiging uniform ang bawat rider dahil alam naman natin na ang isang pilipino hanggat walang nagbabawal ay sige lang nang sige, ang pagkakaroon kasi nang isang seminar o isang group ay makakatulong dahil malilimitahan nang isang rider na lumabag sa isang batas dahil pwedeng mareport nang kapwa niya o mapost sa facebook, ang pagiging balasubas kasi ay nagdudulot nang isang aksidente dahil ang  isang maliit na bato lang ay pwede ng ika wala nang balanse nang isang motor kung kayat pwedeng maaksidente.
Ngayon ay magshare lang ako nang konting technic sa inyo upang ang lahat ay maging deffensive rider or safely rider, sa munti kong alam ay sana ay makatulong ako sa iyo at dito sa pagshare ko nang knowledge ay alam ko na makakatulong ako sa ating mamayan na maiwasan at ikaw na nagbabasa ay makakatulong naman sa pagbahagi sa iyong mga kaibigan na nagmomotorsiklo narin.

Ang ituturo ko ngayon ay tungkol sa isang pagdrive sa isang kalsada na may mga malalaking sasakyan.

HARAP O LIKOD;
Para sa akin ay  dapat nasa likod ka nang truck kung ito ay umaandar nang mabilis sa kalsada lalot 60+ ang takbuhan  dahil kung ikaw ay nasa likod ay aalalay kalang sa preno at didistansya ka, kaysa sa ikaw ay nasa unahan at sinusundan ka nang  truck, masmalaki kasi ang chances na  mamatay ka dahil sa ang truck driver ay mabilisan ang gusto upang makauwe ka agad at ang break nila minsan ay lumulusot at pwede kasing kapag nag stop ka nang alanganin ay masagasaan ka nito, at alam naman natin kung gaano ka bait ang malalaking truck sa kalsada kung kayat tayo ang dapat na magingat sa kanila,


TAMANG PAGCUT SA DAAN;
Siguruhin na malaki ang distansya  makakatulong ang sidemirror upang makita ito dahil minsan ay dito nag kakaproblema (malingpasok o alanganin) kaya kung hindi kaya ay wag na wag ipilit hindi baling matagal kang makauwe kasya hindi kana makauwe, ganito lang kasi yan minsan sa liit natin hindi tayo mapapansin ng ibang truck driver na magugulat nalang sila na nasa harap na pala kaagad ang isang motor kaya makakatulong ang pagbusina bago pumasok sa kanilang linya upang  malaman nang truck driver na papasok ka,uulitin ko ikaw ang aalalay sa kanila dahil buhay natin ang nakataya,


SPEED LIMIT;
Kung tayo ay magpapatakbo nang mabilis ay siguruhin lang na libre ang kalsada,walang tao,lubak,basa,aso,pusa, yan kasi ang malimit na kalaban nang isang nagmomotor dahil kung may tao na biglang  tatawid ay pwede mo itong masalpok at madisgrasya kayo pareho, kung kayat kung libre saka lang magmabilis pero kung city driving ay dapat na tayo ay nasa tamang speed yung tipong mahahabol mo pa nang preno at hindi maaksidente o madudulas,


SAFETY GEAR;
Pinaka sikat na siguro ang pag HELMET dahil kahit sabihin natin na malapitan lang ay kailangan paring suot ito dahil ang aksidente ay walang pinipiling lugar, kaya kung malapit lang ay ugaliin na suot ito sa mabagal na speed at kung kayo ay medyo lalayo ay masmaganda na tayo ay naka gear upang iwas gasgas malaki kasi ang tulong nito at malalaman mo nalang ito pag nasemplang kana, ugaliin rin magsapatos at magpantalon upang laging safe ang katawan sa anu mang uri nang gasgas na pwedeng matamo kung madudulas o semplang,



EYE VISSION;
Dapat ay 360 ang vission mo sa kalsada dahil ang lahat nang nasa paligid mo ay pwedeng banta  sa iyo,kaya ikaw ay laging alerto, at tignan lagi ang pwedeng mangyare kaya ito ay iwasan at malayo palang ay alam na kaagad ang gagawin,

MAINTENANCE CHECK;

Always check your breaks,oil,throttle at makina, dahil araw araw mong ginagamit kaya dapat ay nasa kondisyon ito lagi para sa tuwing ikaw ay babyahe ay maayos ito dahil buhay mo ang kapalit nito kung isa sa mga ito ay may problema, kung kayat always monthly check ang iyong maintence para laging safe sa kalsada.

No comments:

Post a Comment