Kailan kaba huling nagcheck nang crankcase mo? alam mo ba na dapat ay nasa kondisyon ito upang iwas aberya?, lalot araw-araw mo itong gingamit. para na rin maganda ang byahe mo tuwing ikaw ay aalis yung pagiging stock niya at pagiging matining. masmasarap kasi dalhin ang scooter kung ito ay nasa kundisyon. na kahit saan ay pwede kang pumunta nang kahit biglaan dahil alam mong nasa ayos ang iyong sasakyan, pero paano ito mangyayare kung hindi ka naman maalaga dito o hindi mo inaayos. dahil ang lahat nang bagay sa mundo ay nasisira kahit gaaano pa ito katibay. kaya ikaw na user nang ganito ay dapat na i maintain ang kaayusan nang sasakyan mo. ngayon share ko sa inyo ang isa sa hindi napapansin nang ibang scooter riders na dapat icheck o i maintain.
CRANKCASE COVER/PINION GEAR
Ito ang itura nang loob nang crank cover kapag ito ay bubuksan mo. gamit ang size 10 na wrench ay mabubuksan mo na ito. mapapansin na sa loob nito ay may gear na nakadungaw, ang gear na ito ay tungkol sa kicker nang iyong crankcase. na kung saan ay gingamit upang mapaandar ang makina, kapag ito ay naubusan nang grasa o pampadulas ay magiging maganit ito at hindi aangat nang kusa. dahil dapat kapag iyong tinapan ay babalik ito nang kusa dahil sa ito ay may spring na tumutulong na maibalik sa kanyang posisyon at para madali ang iyong pag sipa dito. kapag ito ay iyong imaintain ay simple lang naman ang gagawin pwede mo itong lagyan nang grasa sa mismong gear (picture below) at paulit-ulit na sipain upang ito ay kumalat sa ibang bahagi nang gear upang maging madulas kapag iyong tinadyakan.
Kapag ito ay ok na sa iyong tingin ay pwede mo na itong isara gamit ang tools na size 10 siguruhin lang na nahigpitan ito nang nararapat na higpit upang hindi pasukin nang tubig kung ito ay madadaanan nang tubig.
Napakasimple lang naman nang maintenance kung sa tutuosin at maglalaan ka lang ng oras upang magsaliksik upang malaman kung paano ito inaayos at higit sa lahat ay masmakakatipid ka dahil wala kang labor na babayaran. at mag ipon nang tools na gaamitin or pwedeng manghiram kung kinakailangan. tandan na laging maayos lang ang ating motorsiklo sa tuwing tayo ay babyahe upang tayo ay laging safe sa ating byahe at makatipid sa gas consumption. maidagdag ko lang na kung maintain ang lahat sa iyo ay matipid ka sa gas dahil sa mabilis nito nakukuha ang takbo na gusto mo. na walang sabit ika nga. kaya ugaliin na maging maayos lagi ang iyong sasakyan sa tuwing gagamitin. sana ay nakatulong ako sa munti kong kaalaman at ugaliin mag ingat!
RIDESAFE AND GODBLESS!!!!!
Your website is really cool and this is a great inspiring article. ontwerp je vespa
ReplyDelete