Thursday, February 16, 2017

ANU BA ANG MAGANDA AT MATIBAY NA MAGS?

Anu nga ba ang mags/gulong ang nararapat sa ating mga scooter/umderbone? 

yan naman malimit na tanong ng bawat isang rider, minsan napapansin ko nagbabasa sila sa mga forum kung anu ang mga mags na magaganda or feedback sa mga ito pero  gaaano  ba talaga katibay ang mga ito bukod sa ito ay maganda! ngayon ay tutulungan ko kayo na mamili nang mags/gulong para sa inyo at kung anu ang pinagkaiba nito. sa ngayon kasi ang dami daming naglabasang mura o magagandang mags ngunit hindi natin kaya minsan ang presyo o hindi para sa atin ang mga ito. may mga sample ako na ipapakita at kayo na mismo ang maghusga kung maganda ba ito para inyo, tandaan lang na laging 2 klase ang mga bagay na ilalagay nyo sa motor nyo!. isang pang byahe at isang pang porma lang. kaya ikaw na user ay dito na kaagad ay magisip na. kung ikaw ba ay porma lang sa motor o pangbyahe ang iyong motorsiklo yung tipong heavy duty ang iyong sasakyan para sa pang araw araw.

Magumpisa tau sa OKIMURA mags, sa pagiging resseller ko ito na siguro ang pinaka mura kong nakita at nabentang mags. sa price na 2400+ pero ito ay isa sa pinaka mabentang mags ngayon sa pilipinas dahil narin sa design nito at mga kulay, dahil sa pasok sa mga kulay nang mga bagong motorsiklo ang kulay nito dahil ang iba kasi ay ang hinahanap ay kung anu ang kulay nang accessories nila, tulad nang silver,gold, violet, green, black, orange, yan yung mga kulay sa accessories na  binabagayan nang mags na ito kaya ito mabenta sa merkado, pero uulitin ko ang ganitong mags ay pang porma lang at kung ikaw ay magride o magbyahe nang malayo ay maadvice ko na may extra kang mags at gulong para iyun ang pamalit mo bago ka umalis dahil ang ganitong mags ay pamporma lang at hindi pang tagtagan.








Pangalawa MUTARU mags or STM  mags napaka mabenta rin nitong mags na ito dahil sa ito ay pasok sa mundo nang mga dragracer. dahil sa ito ay lighten o magaan dahil ang hanap sa ganitong larangan ng sports ay pagaangan para sila ay bumilis, pwede mo itong gawin pamporma ika nga ay draglook ang motor mo. pero bawal mo itong i long drive dahil baka magkaproblema kalang sa byahe dahil ito ay lighten o magaan kaya expect na  madali rin itong masira o mabengkong.
kaya kung may biglaan byahe ay manghiram nalang muna nang gulong sa tropa upang makabyahe ka o makasama sa ride.


Pangatlo ang POWERMAGS SPYDER ito ang isa sa mga napakamahal pero napakamabentang mags sa pinas dahil narin siguro sa ito ay napakaganda at napaka lapad nang gulong sa sukat na front 2.15 at rear na 2.5 ay talang lalapad ang gulong mo. kaya rin siguro trip na trip nang iba ang ganitong mags dahil pogi ika nang kung ganito ang mags mo. pero tulad kanina ito ay pamporma o pang malapitan lang dahil may ilang mga open sa forum na nung ginamit nila sa malayuan ay nalubak lang nang konti ay bengkong na kaagad, siguro dahil narin sa disensyo nito na isang side lang ang suporta kaya kung ikaw ay malulubak sa  parting walang suporta  ay talagang mabebengkong ka. kaya kung ito ang trip mo ay masmaganda na lagi kayong may extra gulong para may pamalit kayo.



Last ang RACING BOY 8 SPOKE, ito na siguro ang pasok sa pang araw-araw na pangangailangan mo dahil sa bukod sa maporma ay matibay siya compaire sa iba dahil sa napapansin ko sa issue sa kanya ay konting wiggle lang ang feedback at pasok ito sa long drive dahil sa tested din ito lalo na sa mundo nang circuit. kung nakakapanood kayo sa youtube ay rb8 ang madalas na gamit nang mga riders na kasali doon kaya din siguro matibay dahil bawal magka aberya sa laro  ang mga rider dahil minuto o segundo ang labanan nang bawat rider. ang sukat nito ay  front 1.8 at 2.15 rear.
kaya medyo malapad ito kaysa sa stock na mags nang ating motorsiklo at ito  ay para sa scooter at underbone na motorsiklo. kung mapapansin nyo rin kaya siguro ito matibay dahil narin nasa gitna ang mga spoke nito na naka suporta sa sa tuwing ito ay iikot at  sa presyo nito na 3000+ ay sulit na sulit ang gastos nyo..




Nasa sa inyo  na kung anong mags ang nararapat sa inyo at siguruhin lang na sulit ang gastos at talagang gusTo niyo ito, sana ay nakatulong ako sa inyo na mamili nang maganda mags  para sa inyo at kung kayo ay oorder ay pwede niyo ako i private message sa facebook SECRETSHOP OR  MAGCOMMENT PO KAYO DITO SA AKING ARTICLE.







17 comments:

  1. Xspeed or rb8 ?? Comparison lng po ng dlwang mags ???

    ReplyDelete
  2. Boss anong feedback sa xspeed na mags..

    ReplyDelete
  3. Ano po review para s xspeed mags ?

    ReplyDelete
  4. Ang motor ko po ay RS125 HONDA 2015MODEL GUSTO KO PO GUMAMIT NG MAGS YUNG RACINGBOY PO ANG TATAK.
    ANO PO ANG PWEDENG MAGS NA RACINGBOY SA MOTOR KO?

    ReplyDelete
  5. Hi, magkano po rb 8? Mag fit po ba yan sa mio sporty euro 3 ko?

    ReplyDelete
  6. Hi po ano po mas recomend na sukat ng gulong sa pang araw araw na gamit .. nahpalit po kasi ako ng mags ano po ang mas maganda na sukat ng mga gulong

    ReplyDelete
  7. Hi po pwd rin poba pang longdrive yung G Ren na mags?matibay poba cya kung longdrive?

    ReplyDelete
  8. Anong magandang size po ng gulong maganda sa xspeed na mags..yung pwede pang longdrive o pang araw2 na takbo

    ReplyDelete
  9. Magkanu mags pang honda beat fi v2 tnx

    ReplyDelete
  10. Magkanu mags ng pang honda beat fi v2

    ReplyDelete
  11. Oh ang xspeed po ba maganda quality nya?

    ReplyDelete