Wednesday, February 8, 2017

BEARING ON TORQUE DRIVE

GOOD DAY GUYS  im back after ilang days na hindi ako nakagawa nang aking blog dahil sa may mga ilang pinagkaabalahan ako bukod sa pagsusulat. share ko lang sa inyo na ako ay online installer nang mga led lights,alarm etc. basta tungkol sa wirings at yung mga ganitong technical ay isang libangan lang sa  akin kaya masaya  ako na i-share sa inyo dahil  masmasarap mag bahagi nang kung anung mayroon ka nang walang hininging kapalit. today ishare ko sa inyo ang nagawa namin last day dito sa  aming munting shop  habang walang costumer ay nag technical muna ako.
so ganito ang kwento dumating ang kagrupo/kaclub ko sa shop upang magbayad and then sabi niya " pwede ba pacheck nitong panggilid ko? kasi umusok kanina." at nung aking chineck ay sabi ko parang matigas ang iyong gulong! theory ko ay bearing ito dahil narin sa alam ko itsura o dahil  narin na encounter ko na ito dati at gumastos ako nang malaki sa CASA nang motorsiklo.
kaya we desided to open it up to check if my theory really rocks on him... and my blog starts here...


UNSCREW.
 Tangalin ang top cover nito at unti untiin i-unscrew ito gamit ang size 8 na socket wrench.
Kapag ito ay natanggal mo nang lahat ang screw na size 8 ay pwede mo nang tanggalin ang crankcase nito. dont worry dahil walang malalaglag kpag iyong tinggal  ito dahil naka fix ang loob nito.
Ganito ang itsura nang  loob nang crank ang image na ito ay ang bell a t ito ay kailangan mong matangal upang makapunta sa target na  gagawin o papalitan.

kailagan mo lang nang y-tools  para may pangkontra ka. dahil mahirap itong baklasin kung ikaw ay wala nito ang trabaho kasi nito ay kokontrahin nito ang bell upang matanggal mo ang iyong  nut na nasa bell.

Bukod sa y-tools ay kailangan mo nang socket wrench na 22 upang ito ay ma-unlock  at mas maganda na  ibaba sa pagka-centerstand ang motor upang kumalang ang ytools sa sahig at hindi ito lumaban. kakailanganin mo nang isang tao upang umalalay sa motor upang hindi ito lumaban.
 
Kapag natanggal mo nang screw ay makukuha mo na  ang bell nito. dahil ito ay nakalock lamang sa nut na iyong tinangal. 


Kapga na tanggal mo na ang bell ay makikita mo naman ang clutch housing nang iyong scooter ito ay pwede mo nang hatakin palabas dahil sa ang nut sa bell ang sumusuporta dito \upang gumalaw kung kayat madali na itong matanggal.



Kapag natanggal na ang buong tourque drive kasama ang clutch housing ay ito ang matititra.
Ito ang ehe  nang ating tourque drive. try mo alog-alogin ito kung masyado malaki ang alog ay posible na ito ang sira nang iyong scooter.


 Bago mo buksan ang takip nang gearings mo ay need mo munang i drain ang iyong gearoil upang palitan at hindi ito kumalat kapag lumuwag na ang iyong screw  sa gearings.




Gamit ang allen wrench na size 5 ay matatanggal mo ang iyong gearings .ingatan lang na wag itong mabilog at pumili nang matibay o may magandang pwersang allen wrench.







Ito ang itsura nang loob nang ating gearings ito ang mekanismo na nagpapaikot sa ating gulong na kung ito ay may problema ay pwede tayong maabala masamaganda na ito ay icheck o kahit alagaan sa langis.


Ito ang kabilang part ng  gearings makikita na naindto ang ibang  na hinhanap  natin.



Kailangan na tanggalin mo ito upang icheck ang alog nito, base narin kanina ay ito ang suspek natin dahil malaki ang alog nito.
 

Para ma check kung ito talaga ang problema ay ibalik ang ibang part upang itesting kapag ito ay inikot ay wala na ang ingay na naririnig.


Sa pagtanggal nang ehe kanina ay kailangan mo lang nang size 8 na wrench upang matanggal ang stopper nito.

kapag natanggal na ang bearing na may sira ay pwede mo na itong palitan nang bago. siguruhin lang na original o japan made ang ipapalit upang matibay ito at hindi ka magkaproblema ulit.



Ito ang bearing na kailangan palitan.  may code ito sa gilid na 6203 dahil ang lahat nang bearing ay meron nito upang madali malaman ang sukat. or dalhin nalang sa bearing shop upang makita ng tindera kung ito nga ang sukat na hinahanap mo.






Kapag naikabit na sa ehe ay pwede mo na itong isalpak ulit sa housing nito o cover.



Tandaan lang na wag kalimutan ang lock o stoper nito na size 8.



At kapag isasalpak ay siguruhin na nakalapat ito upang maging ayos ang pagikot nito at walang sasabit.



Kapag ito ay nalapat na ay i-screw na ang turnilyo nito gamit ang wrench na size 5.

 Saka mo i test  ang play nag gulong mo if ok o smooth ba ang ikot nito.

Wag kalimutan na palitan ang langis nito. 
Nung nilagyan ko ito nang lagis ay nagtapunan sa ilalim dahil di ko nasara ang takip nito kaya kayo ay mag make sure na matatakpan nyo ito bago lagyan nang langis wag kalimutan ang bawat takip  nito taas at baba.





At pwede mo nang ibalik ang iyong tourque drive.


Make sure lang na lapat ang iyong belt sa tourque bago ito paandarin.


At saka mo ilagay ang bell at ang nut nito gamit ulit ang y tools at socket wrench na 22.


At kung ikaw ay sure na ok. o maayos  na ay pwede mo na itong isara at siguruhin na nakalapat lahat nang gilid nang crank


And thats its pwede mo itong i-testing kung ok naba sa iyo. at yan ganyan lang po kadali ang pagbukas kailangn mo lang ay tools at konting knowledge upang magawa ito.
kaya kung sa tingin mo ay kaya mo naman ay kapag nagkaganyan problema ang iyong scooter ay subukan mong gawin para masmaganda at makamura ka..

Sana ay nagenjoy po kayo sa munti kong sulat at sana ay ibahagi ninyo sa iba upang lahat tayo ay matuto..


THANKS AND GODBLESS!!!!












15 comments:

  1. Nice....malaking tulong eto bro...buti nakita ko post mo....God bless you bro....

    ReplyDelete
  2. Hi bro, may gasket ba yan? O nilagyan mo na lang ng silicon gasket maker....para hindi tumagas langis sa mga pagitan....

    ReplyDelete
  3. Sir pa blog naman po about sa HID.. which one maganda. HID bulb po ba or HID projector sa lens ng mga MIOs.. maraming salamat po

    ReplyDelete
  4. Boss yung skin lumalangitngit pag ginagamit pero pag nakacenter stand at i checheck ko wlang alog wla dn langitngit bearing din kaya yun..?

    ReplyDelete
  5. Hi sir tanong lng po ung scooter ko po kasi pag tumatakbo po ako ng mabilis e maingay po sa may bandang gilid po may humuhunu po anu po kaya problem nya

    ReplyDelete
  6. Sir ung prob ko sa mio prang my nagkikiskisan sa gilid.na bakal npagawa ko dn po ung pagpalit ng bearing .pero gnun pdn po ,hindi po kaya sa torque drive bearing ang sira?kc kapag papaikutin ko ung gulong ko prang my magaspang na part sana po matulungan nyo ako bago dn po ang belt ko.ung mio ko po is 20k na tinkbo salamt

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same tayo ng problem sir.. Mganyan na ganyan ang akin.. Ok na ba yung sayo?

      Delete
  7. pano po pag malamig pa ung makina, tapos after mga 5mins anduna na po ung ingay nya bago laht ng mga pang gilid ko laht.. thx

    ReplyDelete
  8. boss pano po ba magpalit ng oil seal sa likod ng torque drive ng Mio soul i 125?Thanks

    ReplyDelete
  9. Boss ano ba size ng bearing sa torque drive

    ReplyDelete
  10. Boss ilang bearing ba ang laman ng transmission gear?

    ReplyDelete
  11. Boss my nrrineg ako kalampag sa loob pag aandar nako. Tapos parang ung belt na natalon tumataba sa crankcase sa loob. Ano kya un

    ReplyDelete
  12. sir good day may tanong lng po ako bakit ayaw matanggal ng crankcase ko na tanggal ko na man lahat screw . salamat sa tulong sir

    ReplyDelete