Friday, February 17, 2017

KAYLAN BA DAPAT MAGPALIT NANG BATTERY?




Bilang isang rider/user nang isang motorsiklo ay dapat alam natin ang maintence nang bawat parts nang ating sasakyan upang ito ay laging kondisyon. dahil masmahirap na kapag ikaw ay nasiraan sa kalsada, ngayon ay ishare ko sa inyo ang isang battery na parts nang ating sasakyan na napakalaki nang tulong sa ating pangaraw-araw na byahe. dahil ito ang nagsusupply nang ilaw sa ating signal light,panelboard, tail light,breaklight at headlight naroroon na tayo na pwedeng umaandar ang isang motorsiklo kahit ito ay walang battery pero alam nyo ba na ito ay masama? dahil sa ginawa ito na kasama nang isang motorsiklo. meaning may purpose ito kaya ito naandun sample;  signal light kapag wala kang battery ay hirap magsignal o magbato nang power ang ating relay dahil kung ang power na binibigay sa kanya from magneto dahil ang magneto ay DC kung kaya hindi ito akma para sa relay ng signal dahil ang need nito ay AC o battery supply kaya ang pwedeng mangyare ay bumigay ang mismog signal relay dahil siya ay mapupwersa at mali ang kuryente na nakukuha niya. kaya dapat ay maintain nantin ang ating battery upang tayo ay laging ok sa byahe.

mabalik tayo sa main topic kung paano ba malaman kung magpapalit na ba tayo nang battery. mostly kasi ang iba nagpapalit na kung ito ay hindi na makapush start or kung ang + @ - nito ay nagpupulbos na sign kasi ito na naglileak na ang ating battery ibigsabhin kahit malakas pa ang bato nang kuryente may effect na sa loob nito at ang tubig na ito ay pwedeng magflow pababa at ang bakal na madadaanan nito ay masisira o tutuklapin ang pintura nito na pwedeng mangalawang.  at isa pang tips kung kayo ay may volt meter ay makikita niyo mismo dito kung good or bad na ang inyong battery dahil kapag nagpush start kayo at ang yung no. na lumabas ay 9 pababa ay sign na wala na itong tubig o pasira na ito kaya agad agad na palitan ito upang maging ok ulit kahit kasi  i-charge hindi kaya lalot may edad na ang battery kaya aabot sa punto na papalitan mo nang talaga. kung kayo naman ay pipili nang magandang battery ay maisuggest ko ang quantum ngunit ito ay medyo may kamahalan sa price na 900+ kaya kung may budget ay pwedeng ito ang inyong gamitin at kung hindi naman ganun kalaki ang budget ay pwede kayong mag gel type na usong-uso ngayon dahil ok naman ang performance niya at marami ang nagamit. kaya pumili nalang kayo nang ok na battery para sa inyo at siguruhin ang maintenance niyo na laging kundisyon upang iwas aberya sa kalsada.

Sana ay nakatulong ako at sana ay lagi tayong MAGINGAT !!



RIDE SAFE AND GODBLESS!!

6 comments:

  1. Magneto (Stator) is AC
    Battery is DC

    Signal Relay (Winker) needs DC

    ReplyDelete
  2. Wow thank you, nagpupulbos na at ayaw magpush ng akin, lagi ako nagpapadyak jusko

    ReplyDelete
  3. 00919004256214 WhatsApp Number. Wants To discDiscuson Digital Display Battery. Aashok Giri Goswami here from Mumbai Andheri West, India.

    ReplyDelete
  4. salamat sa pag share nito... para maging maingat sa pagpalit ng battery.

    NegosyongPinoy.info

    ReplyDelete
  5. ask q lng mga paps pag ba nasira n ung rectifier need ndn bng palitan ung battery? o bka pedwng ipacharge nlng? wla p kc aq pambili ng bago,nagovercharge kc ing batteryq kc nasira ung rectifier kaya nagsabugan lahat ng ilaw q.tapos pinaayos q cia pinalitan ng original na rectifier ing genuine yamaha,,ok nmn nga lng humina ung mga pinalit n ilaw sav nmn ng mekaniko nalowbat dw kc ung battery dahil bago n ing pinalit n rectifier.

    ReplyDelete