Saturday, February 18, 2017

TRILED O SIXLED?


Alam mo naba kung alin sa dalawang led ligths ang bagay sa motor mo? magbibigay ako nang dalawang sample na napaka kilala  na pagdating sa led headlights at ito ay ang triled at ang sixled ishare ko lang sa inyo ang kanilang kagandahan at kung saan nababagay ang ilaw nila sa ating motorsiklo dahil minsan ay mahina ito dahil hindi tugma sa lense nang motorsiklo dahil sila ay magkaiba nang buga nang ilaw kung kayat dapat ay alam niyo kung anu ang nararapat na led headlight ligths para sa inyo at para maging sulit ang inyong gastos o magamit nang maganda ang nabiling led lights tandaan lang na gamitin ito nang ayos upang hindi makaabala sa ibang rider na kasalubong at madagdag ko lang ito ay pasok sa LTO requirements o wala itong huli dahil sa ito ay may high and low na beam kaya kung kayo ay macheckpoint ay wag matakot dahil kayo ay walang violation. at ngayong ay simulan nain ang ang topic kung triled o sixled ?






TRILED: ang triled ay tatlong led ang gamit at ito ay parang pyramid o tatsulok at ito ay bagay sa mga lense na isahan at malilit nag itsura tulad nang sporty,smash,xrm,beat etc. yung bato kasi nang sinag nito ay tama lang sa reflection ng pagkakahubod nang reflector kaya ito ay maganda ang resulta nang bato nang ilaw kaya sulit ang gastos niyo dahil pasok kaagad ang liwanag na hanap niyo ang problema lang misan sa ganito ay ang fan nito na nasa likod tulad nang sporty ay tama sa likod nang pannel guage kung kayat nakatingala ang tutok nang nang lense kaya hindi na nila magagamit pa ang high beam nito pero sa low beam palang ay sulit ang liwanag kaya ok parin.

SIXLED; itong ledheadlight na ito ay masnakikita ko na ok sa mga  dalawahan ang lense tulad nang mx4,wave,skydrive,x1, etc. dahil ang disenyo  nang ilaw nang led nito ay oblong. tatlong led sa taas at tatlo sa baba at pahaba ang hugis nito kung kayat wide ang bato nito at talagang pasok ito  dalawahan lense kaya masmaganda ito dahil masasagap ang paligid sa tulong nang reflector nang ating lense kaya sulit. yun nga lang masmahal dahil ang dalawahang lense ay dalawahang gastos din. pero wag isipin ang gastos ang isipin ay masmalakas naman ang ilaw mo kaysa sa iba na isahan lang kaya enjoy nalang.




QUADLED W/PARKLIGHT; madagdag ko lang itong bagong labas na ledheadlights  sa ating market ngayon at ito ay ok din sa mga single lense  na motorsiklo dahil sa itsura nito na dalawa  sa taas at dalawa sa baba at parang triled din ang buga kaya masmaganda na sa single ito pero sa lakas nito na 40watts ay talagang malakas ngunit kung sa dalawahang lense ay pwede naman dahil malakas kaso hindi sakop lahat nang sinag may nakita narin kasi ako na may ganito sa kanyang mio 4 at talagang malakas pero limit lang ang buga kaya mas ok ito sa mga single lense na motorsiklo. at ito ay kasamang parklight na usually ay red at pwede ito iconnect sa parklight upang magamit..


Sana ay nakatulong ako sa inyo na makapili nang bagay na led headlights para sa inyo at tandaan lang na kung anu ang tingin nyo na bagay sa inyo ay gawin ninyo as long as ok naman sayo at sa ibang tao dahil ang led headlights ay nakabulag nang pansamantala kaya iwasan na manilaw. at kung gusto niyo na umorder ay mag private message lang po kayo sa aking facebook account.SECRETSHOP

Friday, February 17, 2017

KAYLAN BA DAPAT MAGPALIT NANG BATTERY?




Bilang isang rider/user nang isang motorsiklo ay dapat alam natin ang maintence nang bawat parts nang ating sasakyan upang ito ay laging kondisyon. dahil masmahirap na kapag ikaw ay nasiraan sa kalsada, ngayon ay ishare ko sa inyo ang isang battery na parts nang ating sasakyan na napakalaki nang tulong sa ating pangaraw-araw na byahe. dahil ito ang nagsusupply nang ilaw sa ating signal light,panelboard, tail light,breaklight at headlight naroroon na tayo na pwedeng umaandar ang isang motorsiklo kahit ito ay walang battery pero alam nyo ba na ito ay masama? dahil sa ginawa ito na kasama nang isang motorsiklo. meaning may purpose ito kaya ito naandun sample;  signal light kapag wala kang battery ay hirap magsignal o magbato nang power ang ating relay dahil kung ang power na binibigay sa kanya from magneto dahil ang magneto ay DC kung kaya hindi ito akma para sa relay ng signal dahil ang need nito ay AC o battery supply kaya ang pwedeng mangyare ay bumigay ang mismog signal relay dahil siya ay mapupwersa at mali ang kuryente na nakukuha niya. kaya dapat ay maintain nantin ang ating battery upang tayo ay laging ok sa byahe.

mabalik tayo sa main topic kung paano ba malaman kung magpapalit na ba tayo nang battery. mostly kasi ang iba nagpapalit na kung ito ay hindi na makapush start or kung ang + @ - nito ay nagpupulbos na sign kasi ito na naglileak na ang ating battery ibigsabhin kahit malakas pa ang bato nang kuryente may effect na sa loob nito at ang tubig na ito ay pwedeng magflow pababa at ang bakal na madadaanan nito ay masisira o tutuklapin ang pintura nito na pwedeng mangalawang.  at isa pang tips kung kayo ay may volt meter ay makikita niyo mismo dito kung good or bad na ang inyong battery dahil kapag nagpush start kayo at ang yung no. na lumabas ay 9 pababa ay sign na wala na itong tubig o pasira na ito kaya agad agad na palitan ito upang maging ok ulit kahit kasi  i-charge hindi kaya lalot may edad na ang battery kaya aabot sa punto na papalitan mo nang talaga. kung kayo naman ay pipili nang magandang battery ay maisuggest ko ang quantum ngunit ito ay medyo may kamahalan sa price na 900+ kaya kung may budget ay pwedeng ito ang inyong gamitin at kung hindi naman ganun kalaki ang budget ay pwede kayong mag gel type na usong-uso ngayon dahil ok naman ang performance niya at marami ang nagamit. kaya pumili nalang kayo nang ok na battery para sa inyo at siguruhin ang maintenance niyo na laging kundisyon upang iwas aberya sa kalsada.

Sana ay nakatulong ako at sana ay lagi tayong MAGINGAT !!



RIDE SAFE AND GODBLESS!!

Thursday, February 16, 2017

ANU BA ANG MAGANDA AT MATIBAY NA MAGS?

Anu nga ba ang mags/gulong ang nararapat sa ating mga scooter/umderbone? 

yan naman malimit na tanong ng bawat isang rider, minsan napapansin ko nagbabasa sila sa mga forum kung anu ang mga mags na magaganda or feedback sa mga ito pero  gaaano  ba talaga katibay ang mga ito bukod sa ito ay maganda! ngayon ay tutulungan ko kayo na mamili nang mags/gulong para sa inyo at kung anu ang pinagkaiba nito. sa ngayon kasi ang dami daming naglabasang mura o magagandang mags ngunit hindi natin kaya minsan ang presyo o hindi para sa atin ang mga ito. may mga sample ako na ipapakita at kayo na mismo ang maghusga kung maganda ba ito para inyo, tandaan lang na laging 2 klase ang mga bagay na ilalagay nyo sa motor nyo!. isang pang byahe at isang pang porma lang. kaya ikaw na user ay dito na kaagad ay magisip na. kung ikaw ba ay porma lang sa motor o pangbyahe ang iyong motorsiklo yung tipong heavy duty ang iyong sasakyan para sa pang araw araw.

Magumpisa tau sa OKIMURA mags, sa pagiging resseller ko ito na siguro ang pinaka mura kong nakita at nabentang mags. sa price na 2400+ pero ito ay isa sa pinaka mabentang mags ngayon sa pilipinas dahil narin sa design nito at mga kulay, dahil sa pasok sa mga kulay nang mga bagong motorsiklo ang kulay nito dahil ang iba kasi ay ang hinahanap ay kung anu ang kulay nang accessories nila, tulad nang silver,gold, violet, green, black, orange, yan yung mga kulay sa accessories na  binabagayan nang mags na ito kaya ito mabenta sa merkado, pero uulitin ko ang ganitong mags ay pang porma lang at kung ikaw ay magride o magbyahe nang malayo ay maadvice ko na may extra kang mags at gulong para iyun ang pamalit mo bago ka umalis dahil ang ganitong mags ay pamporma lang at hindi pang tagtagan.








Pangalawa MUTARU mags or STM  mags napaka mabenta rin nitong mags na ito dahil sa ito ay pasok sa mundo nang mga dragracer. dahil sa ito ay lighten o magaan dahil ang hanap sa ganitong larangan ng sports ay pagaangan para sila ay bumilis, pwede mo itong gawin pamporma ika nga ay draglook ang motor mo. pero bawal mo itong i long drive dahil baka magkaproblema kalang sa byahe dahil ito ay lighten o magaan kaya expect na  madali rin itong masira o mabengkong.
kaya kung may biglaan byahe ay manghiram nalang muna nang gulong sa tropa upang makabyahe ka o makasama sa ride.


Pangatlo ang POWERMAGS SPYDER ito ang isa sa mga napakamahal pero napakamabentang mags sa pinas dahil narin siguro sa ito ay napakaganda at napaka lapad nang gulong sa sukat na front 2.15 at rear na 2.5 ay talang lalapad ang gulong mo. kaya rin siguro trip na trip nang iba ang ganitong mags dahil pogi ika nang kung ganito ang mags mo. pero tulad kanina ito ay pamporma o pang malapitan lang dahil may ilang mga open sa forum na nung ginamit nila sa malayuan ay nalubak lang nang konti ay bengkong na kaagad, siguro dahil narin sa disensyo nito na isang side lang ang suporta kaya kung ikaw ay malulubak sa  parting walang suporta  ay talagang mabebengkong ka. kaya kung ito ang trip mo ay masmaganda na lagi kayong may extra gulong para may pamalit kayo.



Last ang RACING BOY 8 SPOKE, ito na siguro ang pasok sa pang araw-araw na pangangailangan mo dahil sa bukod sa maporma ay matibay siya compaire sa iba dahil sa napapansin ko sa issue sa kanya ay konting wiggle lang ang feedback at pasok ito sa long drive dahil sa tested din ito lalo na sa mundo nang circuit. kung nakakapanood kayo sa youtube ay rb8 ang madalas na gamit nang mga riders na kasali doon kaya din siguro matibay dahil bawal magka aberya sa laro  ang mga rider dahil minuto o segundo ang labanan nang bawat rider. ang sukat nito ay  front 1.8 at 2.15 rear.
kaya medyo malapad ito kaysa sa stock na mags nang ating motorsiklo at ito  ay para sa scooter at underbone na motorsiklo. kung mapapansin nyo rin kaya siguro ito matibay dahil narin nasa gitna ang mga spoke nito na naka suporta sa sa tuwing ito ay iikot at  sa presyo nito na 3000+ ay sulit na sulit ang gastos nyo..




Nasa sa inyo  na kung anong mags ang nararapat sa inyo at siguruhin lang na sulit ang gastos at talagang gusTo niyo ito, sana ay nakatulong ako sa inyo na mamili nang maganda mags  para sa inyo at kung kayo ay oorder ay pwede niyo ako i private message sa facebook SECRETSHOP OR  MAGCOMMENT PO KAYO DITO SA AKING ARTICLE.







Tuesday, February 14, 2017

ANU BA ANG MAGANDA AT MATIBAY NA SHOCK?


Ang dami naghahanap nang shock na mura pero ang dami rin naman nagerereklamo!
Kakambal na kasi nang pagiging pilipino ang pagiging kuripot sa lahat nang aspeto." basta mura pwede na yan!" pero alam nyo ba na ang pagiging kuripot ay aberya para sa inyo? bibigyan ko kayo nang sample upang maunawaan ninyo kung anu ang pinagkaiba nang mumurahin sa mamahalin. since we are in motorcycle field ay sasample ko sa inyo ang rearshock na ating ginagamit sa araw-araw at ito ay napakahalaga para sa atin..
sa ngayon makakabili ka nang murang shock sa halagang 650 pesos at yung lowered pa ang gusto o malimit na hinahanap pero saan ka! one month tagas na kaagad ang langis at sasabihin na "Ang tagtag nang byahe ko ang sakit sa puwet!" paano nagtipid kasi sa mumurahing shock umasa dahil mura. imagine your 650 pesos nalusaw lang in one month! kung para sa kagandahan nang takbo nang ating sasakyan ay wag natin tipirin hindi porket mura ay basta nalang bibilhin. para sa akin mas ok pa ang stock na shock kaysa bumili nang mumurahin na shock. kasi tulad ninyo nagmomotor ako nang malayuan at kailangan ko nang magandang laro nang shock upang paguwe ko ay hindi ako pagod sa byahe at ako ay relax sa pagbyahe ko dahil dun ko naiibsan ang stress ko kung smooth ang akin takbo, kaya ako bilang adviser ninyo ay magbibigay nang sample  nang mga aftermarket shock na medyo mahal pero sulit naman ang gastos at hindi lang isang buwan mo magagamit kung hindi years bago ito masira dahil ang mga mamahalin shock ay ginagamit sa race kung kayat ito ay talagang matibay. medyo mabigat lang talga sa bulsa pero pangmatagalan naman.




Unahin natin  ang shock na YSS de baso ito ay isa sa mga leading brand pagdating sa mga mamahalin na shock dahil ito ay ginagamit malimit sa mga circuit racing dahil ito ay nitrogen content. ito yung nagpapaganda sa laro nang shock na nakalagay sa kanyang baso, ang trabaho nito ay para mabilis na umangat ang shock kung ito ay magbounds at komportable kung ito ay maglalaro. si yss ay may isa pang version nang de baso kung saan langis naman ang component nang baso nito at ito ay masmura  kaysa sa nitrogen.  my mga mamahalin pang shock bukod dito na libo talaga ang presyo, nandyan ang GAS-I,OHLINS, etc. ito yung mga brand na ang mamahal talaga pero sulit sa performance. kaya kung ikaw ay nakakaluwag sa buhay ay pwede ito sayo kaya pwede kang mamili sa kanila.




Kung ang hanap mo naman ay hindi ganun kamahalan pero maganda ang performance ay pwede kong irefer sa inyo ang rcb(RACINGBOY) shock na hindi ganun kamahalan pero sulit naman ang presyo dahil sa ito ay ginagamit din nang mga riders sa circuit at sa performance ay talagang matibay at maganda ang  laro kung iyong gagamitin sa  pangaraw-araw ngunit times two ito sa mga local na shock na mabibili mo pero panalo dahil matagal mo naman itong magagamit  kumbaga sulit ang ipupuhunan mo para dito.





May mga sukat kasi ang mga shock may tinatawag na lowered,semilowered at standard. nasa sa iyo kung ano ang bagay sa iyo at sa motor mo. ang mapapayo ko lang ay doon ka sa kung saan ka komportable gamitin at hindi yung sa mahihirapan kalang.










Yan ang sample nang mga shock kung ito ay nakakabit sa scooter o underbone motorcycle, matibay at maporma ang kagandahan kay rcb shock ay may choices ka na semi lowered 275mm at standard 295, unlike sa mga YSS,OHLINS, ay masmataas pa ata nang 5mm sa stock size dahil nakabuilt sya as racing dahil sa circuit WALANG LOWERED! hahahaha kaya ganun ang  kanilang mga sizes. ang kapareho ni rcb na may lowered at semi lowered ay si GAS-i. kaya nasa sa inyo kung anu ang pasok sa budget niyo at pasok sa panlasa ninyo. pero nasa sa inyo parin kung magmumurahin kayo na shock dahil motor niyo ito at karapatan nyo na kung ano ang ilagay dito.

sana ay nakatulong ako sa inyo sa pagpili nang magandang shock para sa inyo at kung gusto niyo umordor nang class A o orig na shock YSS,OHLINS,GAS-i,RCB etc. ay pwede niyo ako i private message sa akin facebook account or pwede kayo magcomment dito sa article na ito.SECRETSHOP CAVITE
WE DO SHIPPING OR MEET-UP

Maraming salamat and GODBLESS!!!!


Sunday, February 12, 2017

KAILAN BA DAPAT MAGPALIT NANG ATING PRENO?


Ang preno/breakshoe ang pinakamahalagang parte nang ating motorsiklo na kung saan ito ang sasalba sa ating buhay. kung wala o mahina ito ay pwede  tayong madisgaraaya kung kayat dapat natin itong imaintain dahil ang buhay nito ay may limit dahil narin  sa madalas ito na ginagamit kaya ito napupudpod kung kayat ilang buwan pa lamang ay ganito  na ang itsura, at ito rin ay ramdam mo kapag ito ay ginagamit mu. yung pakiramdam mo sagad na ang piga mo pero umuusad parin ang iyong motorsiklo. at kapag iyong binuksan ay akala mo makapal pero kapag iyong tinesting ay madulas parin. dahil wala ito sa kapal nang lining ito ay nasa kapit o pagkakabond nito na syang kumakapit sa tuwing ikaw ay magpreno. ang sample pic ko ay ang stock na breakshoe nang YA,MAHA MXI 2015. at ito ay ngayon lang nabuksan. ibigsabihn ay dalawang taon na itong napagtyagaan nang mayari sa itsura nito ay talagang wala nang kagat dahil humulma na nang makinis ang bonding nito at wala nang kumokontra dito.
para sa mga newbie o baguhan ay dapat na every year ka nagpapalit nang preno sa likod o lagi itong icheck. sa ngayon ang dami na kasing murang breakpad at breakshoe na mabibili online or sa mga motoshop. kaya napakadali na nito para sa iyo na imaintain. at kung ikaw ay matyaga or sabihin na natin na ikaw ay may gamit ay pwede mo sundan ang basic tips para mapalitan ito. 

UNA tanggalin mo muna ang pipe gamit ang tools na socket wrench or ytools na size 12 at 14 ito kasi ang usual sizes nang turnilyo nito sa  muffler  dahil ang muffker ay nakaharang sa gulong kung ito ay kakalikutin mo kaya masmaganda na ito ay tanggalin, magingat nga lang kung ito ay  galing sa takbo dahil ito ay mainit pa at baka kayo ay mapaso at wag din pilitin dahil baka maloosethread ito dahil kapag mainit  ay malambot ang tingga nito kaya pwede itong magloose.maaadvice ko na atleast 15 to 30 minutes mo muna itong hayaan magpahinga. saka mo ito galawin.






Kapag natanggal mo na ang pipe ay ganito ang magiging itsura na magiging malinis ang gilid kung saan magiging madali para sa iyo na gumalaw dahil ang paling ng gulong kung ito ay tatanggalin ay pakanan.





Kailangan mong tanggalin ang nut nito upang matanggal ang gulong. gamit ang tools na size 22 ay matatanggal mo ito . make sure lang na hindi ito maloosetrhead o alalay lang sa pagtanggal.






Kapag natanggal mu ito ay makikita na kaagad ang breakshoe na dahil ito ay nasa bukana kaya maari mo itong matanggal kaagad.



Kapag natanggal mo na ang lumang breakshoe ay pwede mo na itong palitan nang napiling brand o uri nang breakshoe. sa akin kasi ay racingboy ang aking ipapalit dahil sa subuk ko na ito sa akin na talaga naman makapit, kaya kung afford niyo naman ito ay pwede nyo i try at sulit naman ang gagastusin ninyo,




Ganito ang itsura  nang brakshoe kung ilalapat mo sa kanyang pwesto make sure lang dahil may left and right position ito na dapat sundin.








At iaadjust mo ang breakarm dahil sa ito ay masikip na para sa bagong breakshoe na iyong inilagay, dito karin magadjust kapag ikaw ay umandar na dahil sa magbabago ang set nito dahil ikaw ay nagpalit na nang breakshoe.







Maari mong pisil-pisilin ang preno upang matantya ang higpit nang iyong preno upang konti nalang ang adjust mo kung ikaw ay babyahe na.









At kung ikaw ay sigrado na ay pwede mo nang ibalik ang gulong.










Dahil sa ikaw ay nagbukas nito ay nagalaw na itong nut kung kayat dapat mong sigurhin na ito ay mahigpit dahil sa ito ay  delikado kung hindi mahigpit o hindi nasa ayos.pwede kasing kumalas ito sa thread at pwede mong ikadisgrasya dahil hihiwalay ang gulong sa pagkakalapat. kaya paalala lang na dapat mong siguruhin na ito ay mahigpit o nasa ayos.














Kapag alam nang mahigpit ay pwede mo nang ibalik ang iyong pipe  upang ito ay matesting na at siguruhin na walang singaw ang pipe at dapat din ay lapat ito para iwas singaw..













Sana ay nakatulong ako sa munti kong idea at sana maiapply nyo sa inyong pangaraw-araw na gawain. at kung gusto nyo  umorder nang rcb breakshoe or front breakpad ay pwede nyo ako i private message sa aking facebook account.secretshop.

RIDESAFE AND GODBLESS!!!!



Wednesday, February 8, 2017

BEARING ON TORQUE DRIVE

GOOD DAY GUYS  im back after ilang days na hindi ako nakagawa nang aking blog dahil sa may mga ilang pinagkaabalahan ako bukod sa pagsusulat. share ko lang sa inyo na ako ay online installer nang mga led lights,alarm etc. basta tungkol sa wirings at yung mga ganitong technical ay isang libangan lang sa  akin kaya masaya  ako na i-share sa inyo dahil  masmasarap mag bahagi nang kung anung mayroon ka nang walang hininging kapalit. today ishare ko sa inyo ang nagawa namin last day dito sa  aming munting shop  habang walang costumer ay nag technical muna ako.
so ganito ang kwento dumating ang kagrupo/kaclub ko sa shop upang magbayad and then sabi niya " pwede ba pacheck nitong panggilid ko? kasi umusok kanina." at nung aking chineck ay sabi ko parang matigas ang iyong gulong! theory ko ay bearing ito dahil narin sa alam ko itsura o dahil  narin na encounter ko na ito dati at gumastos ako nang malaki sa CASA nang motorsiklo.
kaya we desided to open it up to check if my theory really rocks on him... and my blog starts here...


UNSCREW.
 Tangalin ang top cover nito at unti untiin i-unscrew ito gamit ang size 8 na socket wrench.
Kapag ito ay natanggal mo nang lahat ang screw na size 8 ay pwede mo nang tanggalin ang crankcase nito. dont worry dahil walang malalaglag kpag iyong tinggal  ito dahil naka fix ang loob nito.
Ganito ang itsura nang  loob nang crank ang image na ito ay ang bell a t ito ay kailangan mong matangal upang makapunta sa target na  gagawin o papalitan.

kailagan mo lang nang y-tools  para may pangkontra ka. dahil mahirap itong baklasin kung ikaw ay wala nito ang trabaho kasi nito ay kokontrahin nito ang bell upang matanggal mo ang iyong  nut na nasa bell.

Bukod sa y-tools ay kailangan mo nang socket wrench na 22 upang ito ay ma-unlock  at mas maganda na  ibaba sa pagka-centerstand ang motor upang kumalang ang ytools sa sahig at hindi ito lumaban. kakailanganin mo nang isang tao upang umalalay sa motor upang hindi ito lumaban.
 
Kapag natanggal mo nang screw ay makukuha mo na  ang bell nito. dahil ito ay nakalock lamang sa nut na iyong tinangal. 


Kapga na tanggal mo na ang bell ay makikita mo naman ang clutch housing nang iyong scooter ito ay pwede mo nang hatakin palabas dahil sa ang nut sa bell ang sumusuporta dito \upang gumalaw kung kayat madali na itong matanggal.



Kapag natanggal na ang buong tourque drive kasama ang clutch housing ay ito ang matititra.
Ito ang ehe  nang ating tourque drive. try mo alog-alogin ito kung masyado malaki ang alog ay posible na ito ang sira nang iyong scooter.


 Bago mo buksan ang takip nang gearings mo ay need mo munang i drain ang iyong gearoil upang palitan at hindi ito kumalat kapag lumuwag na ang iyong screw  sa gearings.




Gamit ang allen wrench na size 5 ay matatanggal mo ang iyong gearings .ingatan lang na wag itong mabilog at pumili nang matibay o may magandang pwersang allen wrench.







Ito ang itsura nang loob nang ating gearings ito ang mekanismo na nagpapaikot sa ating gulong na kung ito ay may problema ay pwede tayong maabala masamaganda na ito ay icheck o kahit alagaan sa langis.


Ito ang kabilang part ng  gearings makikita na naindto ang ibang  na hinhanap  natin.



Kailangan na tanggalin mo ito upang icheck ang alog nito, base narin kanina ay ito ang suspek natin dahil malaki ang alog nito.
 

Para ma check kung ito talaga ang problema ay ibalik ang ibang part upang itesting kapag ito ay inikot ay wala na ang ingay na naririnig.


Sa pagtanggal nang ehe kanina ay kailangan mo lang nang size 8 na wrench upang matanggal ang stopper nito.

kapag natanggal na ang bearing na may sira ay pwede mo na itong palitan nang bago. siguruhin lang na original o japan made ang ipapalit upang matibay ito at hindi ka magkaproblema ulit.



Ito ang bearing na kailangan palitan.  may code ito sa gilid na 6203 dahil ang lahat nang bearing ay meron nito upang madali malaman ang sukat. or dalhin nalang sa bearing shop upang makita ng tindera kung ito nga ang sukat na hinahanap mo.






Kapag naikabit na sa ehe ay pwede mo na itong isalpak ulit sa housing nito o cover.



Tandaan lang na wag kalimutan ang lock o stoper nito na size 8.



At kapag isasalpak ay siguruhin na nakalapat ito upang maging ayos ang pagikot nito at walang sasabit.



Kapag ito ay nalapat na ay i-screw na ang turnilyo nito gamit ang wrench na size 5.

 Saka mo i test  ang play nag gulong mo if ok o smooth ba ang ikot nito.

Wag kalimutan na palitan ang langis nito. 
Nung nilagyan ko ito nang lagis ay nagtapunan sa ilalim dahil di ko nasara ang takip nito kaya kayo ay mag make sure na matatakpan nyo ito bago lagyan nang langis wag kalimutan ang bawat takip  nito taas at baba.





At pwede mo nang ibalik ang iyong tourque drive.


Make sure lang na lapat ang iyong belt sa tourque bago ito paandarin.


At saka mo ilagay ang bell at ang nut nito gamit ulit ang y tools at socket wrench na 22.


At kung ikaw ay sure na ok. o maayos  na ay pwede mo na itong isara at siguruhin na nakalapat lahat nang gilid nang crank


And thats its pwede mo itong i-testing kung ok naba sa iyo. at yan ganyan lang po kadali ang pagbukas kailangn mo lang ay tools at konting knowledge upang magawa ito.
kaya kung sa tingin mo ay kaya mo naman ay kapag nagkaganyan problema ang iyong scooter ay subukan mong gawin para masmaganda at makamura ka..

Sana ay nagenjoy po kayo sa munti kong sulat at sana ay ibahagi ninyo sa iba upang lahat tayo ay matuto..


THANKS AND GODBLESS!!!!