Saturday, December 31, 2016
PAGBOMBA NG PIPE SA BAGONG TAON GAMIT ANG SCOOTER MASAMA LALOT NAKACENTERSTAND
Nasanay na ang mga pilipino na sa tuwing sasapit ang pagsalubong ng bagongtaon ay magiingay upang salubungin ang bagong taon na darating, nandyan na yung bumibili sila ng ibat ibang uri ng paputok na ngmamahalan at naglalakasan,minsan ay talagang dumadayo pa sila sa lugar ng bulakan na kung saan mismo ang pagawaan at bentahan ng murang mga paputok,tulad na jan ang mga kwitis,pla-pla,lusis,goodbve philippines at mga maliliit tulad ng picolo, At minsankapag walang budget ay ang kanilang sariling sasakyan kotse,truck,motorsiklo na tinatanggal ang cannister upang lumakas ang pagingay nito at makamit ang ingay na inaasam para sa pagsalubong sa bagong taon,
Ngunit alam nyo bang may mali sa nakaugalian ng mga pilipino? dahil una hindi ginawa ang motorsiklo upang magingay lang,ito ay uri ng sasakyan na ginagamit lamang na uri ng sasakyan,
mali narin kasi kapag pinaandar mo ang makina nang iyong sasakyan ay mawawala ito sa balanse lalot papaingayin o ibibirit mo ito upang maglikha ka ng malakas na ingay, at syempre magagawa mo ito kapag naka-centerstand ka,dahil kapag binirit mo ang iyong motorsiklo lalot scooter ay tatakbo ito dahil ito ay walang neutral mode o gear,kung kayat mag secenterstand kang talaga,
dito sa pilipinas kasi ay napakarami ang gumagawa nito taon taon at walang sapat na kaalaman na may mali na pala sa nagawa nila na hindi mo ramdam ngayon ay makalipas ang ilang buwan ay may maririnig kang kumiskiskis o may lumalangitngit sa iyong gilid o crank case,
Paano bang naging mali ang pagbomba ng isang motorsiklo lalot ito ay scooter?
Ito ay dahil sa ang makina ay nakabuilt upang umandar ng may itinulak sya,ibigsabihin natiming xa na umarangkada ng lapat ang gulong sa lupa o semento,dahil pwedeng magkaproblema ka sa clutch bell mo dahil hindi magiging balance ang iyo ikot ng clutch bell sa sobrang gaan ng mags at gulong mo, doon sa part na iyon magkakaproblema dahil sa balanse ng makina sa pagikot,napansin nyo ba sa mga shop sa labas na nagkakarga ay naka baba ang gulong at nakasakay sila saka tinetesting at kung minsan ay tinetest drive pa dahil alam nila na may effect ang pagikot ng gulong kapag nakacenterstand sa kanilang mga kinakargahang scooter, pwede din kasi maapektuhan ang inyong torque drive dahil sa ito ay binabatak ng vbelt upang umarangkada ang gulong imagine sa sobrang gaan dahil nakacenter ay uuga o luluwag ang mga bearing nito at pwedeng maapektuhan ng lubusan ang torque drive,kung kayat kung ikaw ay walang budget sa paputok ay wag mo nlng ibomba ang iyong motor,bagkus ay buhayin mo ang iyong makina at saka mu ibabad ang pagpindot ng busina mo sa paraang ito ay maglilikha ka ng ingay ngayong bagong taon, o di kaya naman ay magtototo nalang mgamit lang ang hangin ng bibig mo mkakalikha ka parin ng ingay, tandaan ang ating motorsiklo ang buhay mo kung kayat ikaw ay maging maalaga dito at wag mong abusuhin ang pag gamit dito, pwede mo ako ifollow sa mga technic sa pag aalaga ng iyong motorsiklo mapamakina o mga ilaw just follow my blog or my facebook account alexander moje mga tips at mg at
techniques
Labels:
tips
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment