Marami kasi akong napapansin na makikinis at ang lilinis ng mga motor,lalong lalo na ang mga pang labas o outer fairings nito,ngunit kapag binuksan mo ang compartment ay saksakan ng dumi.
Base sa mga naeencounter ko o mga naririnig kung bakit ganito ang sistema ng paglilinis nila ng motor siklo ay dahil sa ayaw nilang mabasa ang kanilang compartment dahil maari daw mabasa ang kanilang mga wirings na pwede daw magkaroon ng shortage o minsan ay napapansin nila na may kuryente na bigla bigla nalang nailaw ang isang led o bulb kahit hindi ito naka bukas o nakaswitch, kung kayat natatakot ang iba at kung minsan ay sinasaway ng ilan upang wag nalang basain o hayaan nlng na madumi ang mga compartment nila.
Ngunit ganto nalang ba dapat ang kanilang gagawin?hahayaan o sasadyaing madumi ang kanilang mga compartment o loob na bahagi ng sasaksya? hindi ba pangit tignan kung ganito?lalot repleksyon ng isang tao ang gamit na meron sila, na kung burara sa sarili ay burara din sa gamit? para sa akin ay kulang lang ang kaalaman ng isang tao upang malinisan nya ang kanyang loob na bahagi ng sasakyan.
Ibabahagi ko lang ang akin araw araw na gawain sa araw ng paglilinis ng akin sariling sasakyan,alam mo ba na halos ibuhos kong lahat ng tubig sa loob ng akin sasakyan na tipong nalulunod na ito at hindi ako natatakot na magloko ang wirings nito.
Oo pwedeng pwede mo itong basain dahil ginawa ang isang sasakyan na waterproof na pwede sakyan o gamitin kahit araw o umuulan, kung kayat bakit ka matatakot o hahayaan na madumi ang compartment e pwede mo naman palang basain at hugasan ito.
Bigyan ko kayo ng konting tip sa paghuhugas, kasi sa amin daily na paghuhugas ay dapat loob at labas dapat since wala akng takot na mabasa ang aking mga wirings tulad ng rectifier cdi at carburator dahil alam namin na waterproof ito at madali rin naman matuyo,sa paghugas kasi ay masmaganda na isang buo o alam mong nalinisan mo ang lahat na parte ng sasakyan mo, at kapag nahugasan o nalinisan mo na nang sabon at tubig ang iyong sasakyan ay banlawan at ibilad ito sa araw ng isang oras ng sa ganun ay matuyo ang mga tubig na nasa loob nito, dahil ang outer ay madali matuyo gamit ang basahan,ngunit ang loob ay mejo mahirap o hindi talaga mapupunasan o hindi kaagad matutuyo, kung kayat masmganda na ibilad mo sa araw, sa tulong ng sikat ng araw ay mabilis na matutuyo ang tubig na nasa loob ng sasakyan sa loob ng isang oras ay hindi mo ito pipwedeng gamitin,upang matuyo ng tuluyan ang mga tubig na nasa mga socket ng wirings,ito rin kasi yung sinasabi ng ilan na nagkakaroon daw ng kuryente dahil sa tubig na nagkukunekta sa isang linya upang masupplyan ang isang linya ng hindi natin gusto,kung kayat kung kayo ay maghuhugas ay dapat siguraduhin na tuyo na ang isang sasakyan bago ito gamitin upang maiwasan ang tinatawag na shortage of wirings dahil sa tubig.
Paano pala kung walang araw?paano mkakapagpatuyo? pwede parin tulad lang sinabi ko kanina ganun parin ngunit hindi mo lng pwedeng gamitin ng isa o dalawang oras upang tumulo ang natitirang tubig sa loob ng sasakyan, sa mahigi dalawang oras ay sigurado kang malinis o wala na itong tubig,siguraduhin mo lang na wala kang lakad kapag ikaw maglilinis ng sasakyan.
Sa paghuhuhgas ay dapat siguraduhin na wala kang alarm sistem dahil itong mekanismo na nilalagay sa sasakyan na iwas nakaw ay hindi pipwedeng mabasa o magmoist kung kayat kung ikaw ay may ganto ay dapat wag mung basain o sadyan iwasan nalang upang hindi magkaron ng problema hindi kasi sya katulad ng rectifier at cdi na waterproof kung kayat iwasan nalang na mabasa.
No comments:
Post a Comment