Friday, December 23, 2016

bawal na ang Hazzard sa sasakyan?!!!



Marami ang nagtatanong kung ano ba at kung bakit may hazzard ang isang sasakyan? Ito kasi ang karaniwan na nasa sasakyan na automatic na nakainstall na ng mga maker ng mga kotse at sa mga motor ay wala, kaya nkakapagtaka kung bakit ba may hazzard? Saan ba ito ginagamit at bakit tila inaabuso ang paggamit lalo ang mga kabataan na kung gumamit ay akala nila ay bling bling na sa tuwing naandar sila ay nakabukas ito. Ngunit ang hindi nila alam ay may mali sa ginagawa nila na pwedeng magdulot ng miss calculation o pagkalito sa kapwa nila rider o driver. Halimbawa na rito ang isang sasakyan o motorsiklo na nasa harap mo ay nakahazzard at ikaw ay nasa top speed imbis na pwede mo syang alpasan ay magaalangan ka dahil hindi mo alam ang turn na ggawin ng nasa harap mo dahil una ay nasa harap sya baka kasi mabundol mo sya kung kakanan ka o kakaliwa. Syempre magugulat ka ay wala naman palang kung anu man ang nasa kanya o walang emergency kundi takbong pogi lang pala sya at nagpapapansin lang na maganda ang kanyang sasakyan. May mga ganto kasing tao sa ating bansa base narin sa mg nakikita ko isa na dyan ay ang mga bago o ngayon palang natuto magdrive at ang nais ay mapansin na kung minsan ay wala pang helmet kung ito ay magmomotor na kapag sinaway mo ay sya pa ang gali, dahil din sa hindi nya alam na mali ang kanyang ginagawa. Napakarami na ang nagpapaintall sa akin hindi na nga mabilang sa daliri dahil halos lahat ng newbie gusto na palagyan ang kanilang motor ng hazzard na minsan ay natatanong ko kung para saan at kung minsan ay kinakabitan ko nalng ng walang tanong sa sobrang busy narin na matapos. Pero naaalala ko minsan ang isang costumer na nag open o nagsabi sa akin na kaya ko gusto magpahazzard kasi lahat ng tropa mayroon ako lang ang wala, mayroon din nagsabi na ako kaya ako magpapalagay upang  mapansin ako sa daan lalot maulan ngayon at sobra ang dilim sa akin dinadaanan gabi gabi. May isa pang nagsabi na required kasi sa group namin na dapat daw ay may hazzard kami para kapag nagbyahe ay alam kaagad sa side mirror na kasama mo ang nasa harap o likod mo dahil sa nagpapatay sindi ang signal light nito (hazzard) . 

                          


Para sa akin sila naman ay punto sa kanilang mga pananaw, ngaunit may kailangan parin tayong malaman tungkol sa kung anu at bakit kailangan tayong may hazzard sa atin sasakyan, Base narin sa mga naririnig ko ay may pagkakataon na mali ang pag gamit nito at pananaw na kung paano ito ginagamit, base sa mga nababasa o pagkakaintindi ang HAZZARD ng sasakyan ay ginagamit lang kung nakaparada ang isang sasakyan sa isang kalsada o highway na medyo alanganin o pwedeng mahagip,masanggi ng mga dumadaan.  Kaya ito hina HAZZARD ay para sa malayo o parating palang sa sasakyan na nakaHAZZARD ay maging alerto na ang parating na may hudyat na may nakahintong sasakyan kung kayat kailangan na umalalay sa takbo, dahil baka ito ay mabangga o masanggi. Ito ang para sa akin ang dahilan kung bakit mayroon  nito sa mga sasakyan at bakit kotse truck o malalaking sasakyan lang ang meron o automatic na nkalagay kapag binili ang sasakyan.  Ito ay dahil sa sila ay malaki na hirap igilid ang sasakyan o prone sa aksidente kong nakabalandra, samantalang ang mga motor ay maliit at pwede mong itabi sa gilid na hindi makakaabla sa mga daraang mga motorist.Dun sa rider na nagsabi na requirements po kasi sa group namin na may hazzard kami,ito lang masasabi ko pwede nyong gamitin ang inyong mga headlights upang maging senyas na magkakasama kayo sa isang ride, paano? buksan lagi ang ilaw umaga man o gabi,dahil base narin sa group na nasamahan ko nung araw ay dapat daw ay lahat kami lights on araw o gabi ulan o araw hahaha. Nagtaka ako kung bakit at napaisip na sayang ang battery mauubos, at doon ko napagtanto na kaya pala lights on ay para kita ko sa sidemirror na kasama ko ang nakaheadlight na nasa likod ko at dito mo rin masasabi na nakunifom kami pagdating sa ilaw bukod sa vest na amin suot. Bakit hindi rin dapat nakahazzard sa group? Ito ay dahil miss calculate din ang pwedeng mangyare dahil sa paano kung nakahazzard ka, at liliko ang group paano ka makakapagsignal sa likod mo e nakahazzard ka. Hindi ka naman ganun ka mabilis makakapagpatay ng hazzard sa switch at mgtuturn signal diba bagkos ay liliko ka nalang ng nakahazzard dahil dun. Kung kayat pwede o makaklikha ka o kayo ng isang aksidente sa kalsada, at syempre nakakahiya dahil kayo ay group na dapat ay disiplinado. Masingit ko lang may isang installer narin ang nakagawa ng hazzard na kapag nakahazzard ka ay pwede ka magsignal left or right na kapag pinindot mo ang lef/right ay automatic mamatay ang hazzard mo at kapag ng off ka ng signal mode ay babalik ang hazard. Ok na ok sana kaso as i said hindi parin pwede sa isang rider group na mag hazzard habang nasa byahe sapat na nakailaw kaung lahat at nak vest ng inyong group. Kapag umuulan naman ay hindi pwede itong gamitin upang para sa inyo ay mdali kayong makita ng nasa likod o harap nyo na umaandar ka o mabagal,bagkos kung umuulan ay gamitin ang headlight at tail light upang makita ka ng mga kasabay mo sa kalsada. Dahil ito ay ilaw na sensyales sa kanila na isa kang tao na nakasakay sa sasakyan kaya iiwasan ka, at kung ikaw ay pipinahan ay isa na itong ugaling kalsada na hindi maganda. Tandaan ang isang may aral na rider alam ang gagawin o alam ang ginagamit sa kanilang mga sasakyan. Uulitin ko lang ang HAZZARD ay pwede o dapat lang gamitin kung nakaparada ng saglitan ang sasakyan upang maiwasan ng mabibilis na sasakyan sa likod o harap mo. Ang iyong sasakyan ito ay senyas o babala sa kanila malayo palang upang sila ay mag minor sa takbo,heheheh iba na ang may alam hahahaha if gusto nyo magpainstall kindly contact me.
secret shop cavite

No comments:

Post a Comment