Thursday, December 22, 2016

New Double Contact and Old Double Contact

      Good day guys ngayon po ay papakilala o i dedemo ko sa inyo ang pinagkaiba ng new double contact at old doublecontact. Sa mga post ko kasi napakarami ng nagtatanong kung anu ang pinagkaiba nito, at sa sobrang busy ko sa paggagawa ng wiring sa mga costumer ay wala akong time upang maiexplain ito sa inyo. Kung kayat naisip ko itong gawan nalang ng blog na pwede kong ishare kapag may ngtanong o gusto malaman ang pinagkaiba ng new double contact at old double contact, bukod sa explanation ay mag a-upload narin ako ng video para mas maintindihan nyo ang pagkakaiba at kung paano ang laro ng isang double contact. Sana lang ay maunawaan nyo itong ginawan ko ng oras para i explain hahaha, gusto ko narin umpisahan dahil alam ko mas mauunawan nyo na ito ngayon na maiipaliwanag ko na ito.




      Mag umpisa tau sa old double  contact, ito yung basic o natural na double contact na kung saan ay nakabuhay ang signal light harap at likod. Dahil itong method na ito ay  naka tap lang  ito sa parklight na kapag naka on ang parklight ay naka on din ang signal at kung magsisisgnal ka ng left/right ay magbiblink lang o magpapatay sindi ang napiling signal, at paalala lang po sa inyo  kung anu ang kulay ng ilaw na napili mo kunware ay red, red din lang ang mabiblink nito kung  ikaw ay magsisisignal. Ang  negatibo lang dito na akin napansin ay hindi ka makakapagsignal ng left/right kapag hindi naka on ang parklight o sa madaling salita ay kapag na off mode ka sa switch na dapat ay pwede sana, kaso sa wirings kasi na old doublecontact ay sa parklight ito naka tap. Kung kayat kapag walang supply ang parklight ng kuryente  ay wala din ilaw na lalabas sa signal upang makapagsignal ka. Ngunit mapapansin mo sa guage o monitor na nagiindicate ito ng signal o ngbiblink, ngunit sa actual ay nakapatay ito dahil sa naka off ang parklight mo.  Para sa akin itong gantong uri ng doublecontact ay masmaganda o pwede sa mga carburator type, tulad ng yamaha mio sporty,mx125,soulclassic raider150,mio4,sniper,dash, at iba pang mga carburator type. Dahil sa ito ay maliliit ang rectifier nasa baba ang sample ng carburator type na rectifier at fuel injected rectifier.

                         



      Napansin nyo po ba ang pagkakaiba? Sa carburator type ay maliit ang sukat nito? at sa fuel injected ay masmalaki ng apat na beses. Sa napansin ko kasi ay sa carburator type kaya maliit ito ay konti lang naman kasi dapat ang isusupply nito para sa ilaw tulad lang ng pannel guage,signal light,headlight at tail light kumbaga ay base sa mga maker tulad ng YAMAHA,HONDA,SUZUKI at KAWASAKI ay sapat na ito para sa gantong mga unit na dapat ay stock na bumbilya lang ang kailangan ng isang motor. Syempre gusto ng mga tao na sumabay sa uso o labas sa merkado ng mga led lights for headlight at mga signal at kung minsan ay bling bling sa mga ilalim, kung kayat dito nagmula ang tinatawag na fastcharge o cut the yellow wire kung saan ay tinatanggal ang isang linya upang maging solid o iilan nalang ang susupplyan ng magneto, dahil sa hindi talaga kakayanin ng normal na wirings ang paglalagay ng led lights. Ang sample para dito ay yung sa headlight tulad ng triled.


         

      Iyan kasi ay 30 watts kahit sabihin mo na mas mababa sya kung ikukumpara sa stock na bulb na 35watts ay hindi parin pepwede, dahil sa ito ay malakas sa kumain ng kuryente kung kayat need i fastcharge. Tulad ng nasabi ko kanina ay ok na tama lang na naka-on ang parklight dahil sa ang fastcharge ay pinabilis ang pasok ng kuryente upang masuplyan ang mga ilaw nito. Ngunit dapat ay lagi o palagian itong nakabukas kasi pinabilis ang karga dapat pinabilis din ang tapon. Imagine kung kain lang ng kain at di nagtatapon?pwede itong sumabog, ang pwdeng sumabog ay battery bukod sa drain,led lights at ibang mga na open na ilaw dahil pilit na lalabas ang kuryente, kung kayat dapat o palagian ang pag bukas ng ilaw sa mga naka fastcharge o mga carburator type na nagpa led o ngpabattery operated. Ganun din lagi karin nakaopen ng parklight at headlight kapag nabyahe ka,kung kayat mas ok itong old double contact sa mga carburator type.

      Dumako naman po tayo sa new double contact,
ito kasi yung mga latest o mga bagong gawa naming mga installer dahil yung sakin ay sariling sikap at sa tulong narin ng ibang installer nabuo ko itong idea na ito. May similarity o pagkakapareho at may pagkakaiba rin sa ibang mga doublec contact, ngaun anu ba ang meron sa new double contact? Una pwede kang mag signal on man o hindi ang parklight pwedeng gawin led ang signal light o stock bulb, sakin kasi stock bulb lang nilalagay ko sa mga costumer para mas kita at makatipid sila dahil kapag led ay dalawang pares pa ng led ang need mo para palitan e masmalakas o maskita naman ang stock bulb kaysa sa led na yellow.
      Ang new doublecontact ay visible o mas kita sa daan kapag mag turn left/right ka, bakit? dahil sa automatic na mamatay ang parklight  at kabilang signal kapag ng turn left o right ka. Upang mas mapansin ka ng mga kasalubong mo na  liliko ka,unlike sa ibang mga double contact na nkasteady for me kasi hindi mo masyado itong mapapansin dahil sa halo halo ang mga ilaw na makikita ng katapat o nasa likod mo. Ginawa ko kasi ito accidentally lang na aim ko dapat ay naka-on din ang kabila pero nung ng actual ako sa motor ko ay parang napaisip ako na dapat pala namamatay ang kabilang side at parklight since bawal din kasi nung time na yon ang led lights kaya nakagwa ako ng bago o pasok sa panahon dahil gusto ni LTO LAND TRANSFORTATION OFFICE na madali tau makita sa daan upang maiwasan ang mis calculate o hindi kaagad mapick up na liliko ba o hihinto ang isang rider na nakasakay sa motorsiklo.



      Isa pa sa meron sa new double contact ay nagpapalit ito ng kulay from desired color ng led for parklight and signal, kunware red sa signal at parklight magiging standard yellow ang signal kapag nagsignal light ka at mamatay ang red sa signal at parklight na red, Meaning dalawa po ang ilaw sa signal light may isang led socket na gagawan upang ito yong magbibigay ng ilaw sa signal kapag naka off ang signal light kapag naka parklight, ito rin kasi ay nakatap sa parklight kaya ngkakailaw at namamatay kapag nagsignal ka.Madali lang ba gawin ang new double contact? hindi kung hindi ka expert o sanay sa wirings dahil technical o masakit ito sa ulo na kapag nagkamali ka ay gugulo lahat ng connection, dahil hindi sya katulad ng old double contact dahil ito ay ginagamitan na ng ballast o aparato na ng kocommand sa isang linya upang idelay ang supply upang pagbigyan ang isa. Kahit kasi ako gumagamit pa ako ng basic tools sa pag install nito tulad ng  tape na may code para madali o maiinstall ko kaagad.
      Madali ba masira ang new double contact?  sakin hindi as long as original ang wire na gagamitin dahil sa ang mga mumurahin na wire ay nagpupulbus o nalulusaw makalipas ang isang buwan kaya dapat magndang klase ng wire ang gagamitin para sa pang matagalan na pag gamit, dahl pasok din kasi sa package na binibigay ko ang presyo ng wire na nilalagay ko ika nga ay hindi natin titipirin dahil tama naman ang binayad.May ballast din nga pala ito na itinatago sa loob ng motor kung saan ito makuwag o hindi mababasa.Para sa akin ay ok o pasok itong new double contact sa mga fuel injected dahil hindi nila kailangan na ifastcharge ang  rectifier nila dahil sa malakas itong kumarga sa laki palang ay kita mo na kayang kaya, kung kayat magagamit nila ang new doublecontact on or off the parklight na walang inaalala na sasabog sa mga ilaw nila.Sana ay napunan ko ang inyong mga tanong, pwede po kayong magtanong sa ibaba at aaksyonan po natn o sasagutin, Salamat.


sa mga gusto magpa install kindly pm me on my facebook account

9 comments:

  1. Paturo namn PO Kung pano po iturn on Ang signal light as a park light

    ReplyDelete
  2. Sir good day baka po pwede mka hinge ng diagram nyu po sir sa new double contact? Maraming salamat at god bless!

    ReplyDelete
  3. Sir good day baka po pwede mka hinge ng diagram nyu po sir sa new double contact? Maraming salamat at god bless!

    ReplyDelete
  4. Ask lng po papz anu ba problima ng mio amore ko napalitan ko na po ung rectifier ko over charging pa rin umaabot po ng 18volts ang charging nito original po ang pinalit ko.natatakot ako baka bumigay ung battery ko at cdi lahat po..na check ko na po lahat pati stator po ganun parin charging..ty po

    ReplyDelete
  5. Tas pahingi nlng po ng diagram po ng rectifier ng mio amore po baka andon ung problima ty ulit..

    ReplyDelete
  6. penge po diagram na may ksamang relay

    ReplyDelete
  7. Paps baka pwede ako makahingi ng copy ng diagram mo salamat

    ReplyDelete
  8. sir,,pwdy hingi ng diagram paano magkabit ng tri led sa mio sporty?

    ReplyDelete
  9. Pano bah ,saharap lang yung parklight , sa likod wala , gusto ko kac sa harap lang , wala sa likod, pano poba alisin yung likod

    ReplyDelete