Marami kasi ang nagtatanong kung alin ba
ang mas maganda pagdating sa gulong, kasi ang dami daming brand na pwede mong
pagpilian dipende nalang siguro sa budget mo o kakayanan mo. Ang quick tire
kasi ay 600+ ang price sa market medyo mura sya ikokomparasa ibang mga gulong,
ngunit ito ay hindi makapit at ito ay mabilis din ang lifespan kung kayat after
3 monts ay pwede kanang magpalit dipende sa gamit, dahil kung araw araw ay
mabilis ito mapudpod . Mabenta itong gulong na ito sa mga naglolowered ng
kanilang mga motorsiklo, dahil sya ang naglabas ng 14s na 50/90 at sa 15s ay
meron silang 45/90 kung kaya ito ang pinipili ng iba, dahil sa mura na ay pasok
sa sukat na hanap nila. Kaya kahit medyo mabilis mapudpod ay ito nalang dahil
sa ito ay maganda rin tignan o pogi ika nga. Ang kagandahan lang rin dito
maidagdag ko lang ay kahit ito ay tube type ay pwede mo itong ipautbeless sa vulcanizing,
upang iwas interior kana at kapag lumaki na ang bukas ay saka mo ito palagyan
nang interior. May mga butas kasi na
hindi na kaya ipatch sa tubeless kaya kailanagan na ipa tube type nalang nila.
Ang FDR naman ay may kataasan ng price sa
market pero sulit dahil sa ito ay tumatagal ng 6 months pataas dahil narin sa
kapal ng goma at sa kapit ay talagang makapit. Kaya ito tinawag na all weather,
dahil narin rain or shine ay makapit ito kung baga ay convient at pwede mo
syang ibangking bangking sa kalsada dahil kapit na kapit. Dalwa ang klase na
nilabas ni fdr meron sila tube type at tubeless , ang tube type ay para dun sa
mga naka rimset kasi sila yung hindi nakakapag patubeless, dahil marami ang
lalabasan ng hangin. Sa mga nakaMAGS naman ang tubeless , dahil sa ito ay
concealed o sa pito lang talaga lalabas ang hangin kaya siguro dalawa ang
nilabas nila. Pero sa price mas mura ang tube type dahil narin kasi bibili pa
nang interior para ditto.
Para sa akin ang bagay na gulong
para sa iyo ay, syempre tanungin mo muna sarili kung anu ba pasok sa
budget mo? Dahil ganto lang naman yan kung kaya magpaluwal ng medyo malaking
pera mas maganda pwede kang mag fdr,corza,missle etc. Dahil sa ito ay pang
matagal imagine mu isang gastusan pero matagal magpalit at pwede kapang
makasave dahil wala kanang interior at tubeless kapa masarap pa ang daily
riding mo dahil sa makapit ito. Ngunit kung titipirin mo ay halos ganun din sa
loob ng isang taon ay magpapalit karin ng 2 beses kung sa tutuusin
isa laban sa 2 diba? medyo maigat sa una dahil libo ito pero isahang gastos at
maayos naman ang performance kung kayat kung babudgetan ay isipin mo muna kung
saan ka magiging komportable at hanggat kaya ay pangmatagalan. Tandaan ito ay
pananaw ko lamang at nasa sa inyo kung papaano nyo ito iaapply sa inyong buhay
o motorsiklo, sa mga gusto pang matuto pwede kayong magbasa-basa sa iba ko pang
artikulo na tungkol lahat sa ating motorsiklo ay nasa paligid lang ito at ito
po ay libre kung kayat basa nalang at kung maishare ay mas maganda. Meron
din kaming tire na pwede nyo iorder quick,fdr,corza,missle,vee rubber etc.
Just pm me on face book alexander moje
RIDESAFE AND GODBLESS!!!
mag kano po kaya ang 90/140 na FDR na gulong ?
ReplyDeleteHm po
ReplyDeletehello...magandang umaga po...salamat sa inpormasyon...
ReplyDeletegusto ko po itanong malaman kung ano kaibihan ng sukat ng quick tire 60/90 and camel tire 60/90...
mag iintay po ako s inyong tugon...jadex figueroa FB page po...salamat and more power
Pwede bng ipatubeless ng matagal ang quick tire?
ReplyDeletePwede bang ipatubeless ng matagal ang quick tire?
ReplyDeletemay size 100/70 po b kyo n tires 14?
ReplyDeleteorder aq mgkano ung pang matagalan na tubeless bozz
ReplyDeleteAno po ba Ang magandang brand Ng gulong para s zoomer x, Ang byahe ko po at Bulacan to Batangas araw araw, d bale pong Mahal Basta durable at makapit
ReplyDeleteGusto ko po kumuha ng wholesale price saan po ako makakakuha at magkano po kaya minimum required?
ReplyDelete