Saturday, January 21, 2017

ANU BA MAS MAGANDA SA DALAWA FDR O QUICK TIRE?



Marami kasi ang nagtatanong kung alin ba ang mas maganda pagdating sa gulong, kasi ang dami daming brand na pwede mong pagpilian dipende nalang siguro sa budget mo o kakayanan mo. Ang quick tire kasi ay 600+ ang price sa market medyo mura sya ikokomparasa ibang mga gulong, ngunit ito ay hindi makapit at ito ay mabilis din ang lifespan kung kayat after 3 monts ay pwede kanang magpalit dipende sa gamit, dahil kung araw araw ay mabilis ito mapudpod . Mabenta itong gulong na ito sa mga naglolowered ng kanilang mga motorsiklo, dahil sya ang naglabas ng 14s na 50/90 at sa 15s ay meron silang 45/90 kung kaya ito ang pinipili ng iba, dahil sa mura na ay pasok sa sukat na hanap nila. Kaya kahit medyo mabilis mapudpod ay ito nalang dahil sa ito ay maganda rin tignan o pogi ika nga. Ang kagandahan lang rin dito maidagdag ko lang ay kahit ito ay tube type ay pwede mo itong ipautbeless sa vulcanizing, upang iwas interior kana at kapag lumaki na ang bukas ay saka mo ito palagyan nang interior.  May mga butas kasi na hindi na kaya ipatch sa tubeless kaya kailanagan na ipa tube type nalang nila.

Ang FDR naman ay may kataasan ng price sa market pero sulit dahil sa ito ay tumatagal ng 6 months pataas dahil narin sa kapal ng goma at sa kapit ay talagang makapit. Kaya ito tinawag na all weather, dahil narin rain or shine ay makapit ito kung baga ay convient at pwede mo syang ibangking bangking sa kalsada dahil kapit na kapit. Dalwa ang klase na nilabas ni fdr meron sila tube type at tubeless , ang tube type ay para dun sa mga naka rimset kasi sila yung hindi nakakapag patubeless, dahil marami ang lalabasan ng hangin. Sa mga nakaMAGS naman ang tubeless , dahil sa ito ay concealed o sa pito lang talaga lalabas ang hangin kaya siguro dalawa ang nilabas nila. Pero sa price mas mura ang tube type dahil narin kasi bibili pa nang interior para ditto.

Para sa akin ang  bagay na gulong para sa iyo ay, syempre tanungin mo muna sarili  kung anu ba pasok sa budget mo? Dahil ganto lang naman yan kung kaya magpaluwal ng medyo malaking pera mas maganda pwede kang mag fdr,corza,missle etc. Dahil sa ito ay pang matagal imagine mu isang gastusan pero matagal magpalit at pwede kapang makasave dahil wala kanang interior at tubeless kapa masarap pa ang daily riding mo dahil sa makapit ito. Ngunit kung titipirin mo ay halos ganun din sa  loob ng isang taon ay magpapalit karin ng  2 beses kung sa tutuusin isa laban sa 2 diba? medyo maigat sa una dahil libo ito pero isahang gastos at maayos naman ang performance kung kayat kung babudgetan ay isipin mo muna kung saan ka magiging komportable at hanggat kaya ay pangmatagalan. Tandaan ito ay pananaw ko lamang at nasa sa inyo kung papaano nyo ito iaapply sa inyong buhay o motorsiklo, sa mga gusto pang matuto pwede kayong magbasa-basa sa iba ko pang artikulo na tungkol lahat sa ating motorsiklo ay nasa paligid lang ito at ito po ay libre  kung kayat basa nalang at kung maishare ay mas maganda. Meron din kaming tire na pwede nyo iorder quick,fdr,corza,missle,vee rubber etc.
Just pm me on face book alexander moje

RIDESAFE AND GODBLESS!!!

9 comments:

  1. mag kano po kaya ang 90/140 na FDR na gulong ?

    ReplyDelete
  2. hello...magandang umaga po...salamat sa inpormasyon...

    gusto ko po itanong malaman kung ano kaibihan ng sukat ng quick tire 60/90 and camel tire 60/90...

    mag iintay po ako s inyong tugon...jadex figueroa FB page po...salamat and more power

    ReplyDelete
  3. Pwede bng ipatubeless ng matagal ang quick tire?

    ReplyDelete
  4. Pwede bang ipatubeless ng matagal ang quick tire?

    ReplyDelete
  5. may size 100/70 po b kyo n tires 14?

    ReplyDelete
  6. order aq mgkano ung pang matagalan na tubeless bozz

    ReplyDelete
  7. Ano po ba Ang magandang brand Ng gulong para s zoomer x, Ang byahe ko po at Bulacan to Batangas araw araw, d bale pong Mahal Basta durable at makapit

    ReplyDelete
  8. Gusto ko po kumuha ng wholesale price saan po ako makakakuha at magkano po kaya minimum required?

    ReplyDelete