Sunday, January 22, 2017

RIDER NA WALANG SAFETY GEAR HULI SA CHECKPOINT NG L.T.O.!!

                                           
Inaasahan na ngayon taon ang pagsulong sa batas na ito sa bawat rider, ayon ito sa mga bulung-bulungan sa mga taga LAND TRANSFORTATION OFFICE na ihahabla nila na isa batas na ang NO SAFETY GEAR NO TRAVEL POLICY! Bukod kasi sa nauna nilang batas na NO HELMET NO TRAVEL at RIDING WITHOUT SLIPPERS ay daragdagan na nila ito. Dahil sa napapansin nila na napakarami ng insidente ng  pagkakasemplang nang isang rider na ngdudulot ng malaking gas gas o minsan ay pagkaputol ng bahagi ng katawan at ang masama pa ay mamatay mismo sa pagkakasemplang. Upang malimitahan ito ay nais nila na isa batas ang NO SAFETY GEAR NO TRAVEL kahit sa mismong MANILA. Upang ang lahat ay hindi basta basta masaktan sa kung anu man ang hindi gustong mangyare habang naglalakbay. May punto ang nilalatag na batas ng LAND TRANSFORTATION OFFICE, dahil sa mga nakikita at nababasa natin sa FACEBOOK na halos araw-araw ay may  nirerescue dahil sumemplang o biglang natumba. Maganda ang batas na ito para sa mga rider na tulad natin lalot dalawa lang ang gulong na ginagamit natin, kumbaga nasa kalahating hukay ang ating buhay na safety gear lang ang pwedeng  makaiwas ng bahagya sa atin kapag tayo ay naaksidente. May mga insidente kasi na nagsisisi na bakit kung kelan ako hindi nag safety gear ay saka pa ako naaksidente. Nasanay kasi ang mga Pilipino na bibili ng gear upang kapag may ride ay saka lang ito susuotin, at kapag daily ay nasanay tayo na sapatos,pantalon at jacket lang ang gamit. Dahil sa sabi nila ay malapit lang naman ang aking trabaho wala pang isang oras, at ang iba ay mainit kasi kapag naka safety gear kaya mas gusto na simple lang ang suot,at ang iba ay jologs daw. Naroon na tayo na mahirap pilitin ang sarili lalot hindi komportable pero kapag tayo ay naaksidente ay saka natin ito naiisip na sana isinuot mo dahil ung gasgas ay sakto lang sa kung saan nakalagay ang ating safety gear, na kung  soot lamang ay ang safety gear lang ang magagasgas. 

sample gloves 




Ito kasi ay lagi natin nakikita sa shop ng motorsiklo na pwede natin bilhin sa halagang 200 pesos. Ito ay epektibo dahil kapag tayo ay tumaob ay kamay ang ating pinangiiwas yung tipong sa semento pa natin nahahawakan kung kayat pagkabagsak natin ay puro gasgas ang ating kamay. Pero kung may gloves ay lamog lang o pasa ang pwedeng mangyare, dahil sa ang gasgas ay mapupunta sa gloves kung ito ay makapal, at masmaganda kung ikaw ay may knee pad at elbow pad



or complete gear ay maiiwasan ang malubhang pagkakagasgas sa ating siko at tuhod. Ito kasi ang laging natatamaan sa tuwing tayo ay magtataob sa ating motorsiklo kung kayat mas maganda na lagi tayong may suot para sa hindi inaasahang aksidente ay mayroon tayong konting proteksyon.

Para sa akin ay pabor ako dito kung talagang maisasabatas ito sa bansa upang maiwasan ang mga simplang, dahil ang gamot ay napakamahal sa ngayon ngunit magkano lamang ang safety gear kaya kung matutuloy ito ay magiging obligado ang lahat na suotin. Dahil mawawala ang katamaran dahil pwede tayong maticketan sa ating paglakbay para narin ang lahat ay sumunod, dahil naniniwala ako na ang iba ay gumagaya lang sa kung anu ang nakikita nila sa kalsada na kung ang halos lahat ay obligado magsuot ay sure na lahat ay susunod. Parang pagsusuot ng helmet dati tamad ang iba na gawin ito, ngunit nagkabatas na NO HELMET NO TRAVEL kung kayat lahat ay sumunod ,dahil sa mga pulis at mga enforcer ay huhulihin sila. Siguro hindi lang ang LAND TRANSFORTATION OFFICE ang mag impliment pati narin ang mga kabayanan(municipal) upang lahat ay sumunod. Medyo mahirap para sa atin pero kung ito naman ay kapalit nang siguridad natin sa pag byahe ay bakit hindi. Tandaan lang na tinuturo lang nila ang batas kung kayat tayo ay sumunod kahit mahirap sa una. Tandaan ito ay opinion ko lamang nasa sa inyo kung papaano nyo ito uunawain at sana ay maiapply sa ating daily riding . Sana ay magbasa pa sa mga artikulo ko na nasa gilid upang dumami pa ang kaalaman natin sa pagmomotor. Ito po ay walang bayad kaya basa lang po at kung maishare ay masmaganda upang mabasa nang iba,
at kung gusto na gear ay pwede kayong bumili sa amin alexander  just private message me on facebook or comment below, we do meet up or shipping.

THANKS AND GODBLESS ALL

No comments:

Post a Comment