Good day guys ngayon tutulungan ko lang kayo pumili ng tamang brand ng motor na para sa inyo or pasok sa budget nyo, ang pagpili kasi nang motorsiklo ay base rin sa kung anu ang meron ka hindi kasi pu-pwede na dahil gusto mo ang bagong motor na nilabas ay pwede na sayo minsan kasi sobra ang taas nang presyo ng monthly na tipong walang matitira sa sahod mo,dapat kasi ay iisipin mo muna kung magkano ba ang sobrang pera mo para makakuha ka nang isang motor lalot branded dahil ang minimum na hulugan nila ay nasa 2500 na kaagad kung ididivide mo sa dalawang sahod ay 1250 pero wala pa ang gas consumption at tire expensses kaya medyo mabigat na rin kung iisipin mo, ang pinaka mura sa market ngayon ay ang kawasaki at honda sila kasi yung mga brand na pang masa ika nga sila kasi yung mga nag proproduce o nagkoconcept ng budgetmeal yung tipong pang bahay trabaho lang,sa itsura ay simpleng simple lang ang kanilang mga design pati sa gas consumption medyo efficient sila dahil sa ito ay de kambyo kung kayat napakatipid, kaya kung medyo maliit ang earnings mo ay dapat sa mga pang masa ka pumili dahil kapag ipinilit mo sa mga higher brand na nagtataasan ay baka mawalan ka ng sahod,pwede mo nalang sigurong gawin ay lagyan ito nang accessories simpleng modification para nang sa ganun ay may nagbabago sa iyong motor kahit ito ay simple lang,
kung medyo malaki naman ang earnings mo mothly yung tipong may sobra ka laging budget ay pupwede kang mag YAMAHA,SUZUKI ito kasing dalawang brand na ito ang naglalabanan pagdating sa mataas na market value dahil narin siguro sa updated sila sa kung anung bago o patok sa itsura na hinahanap nang isang rider,nandyan yung mga fuel injected at magaganda ang kanilang mga design imagine ang pinaka mura ata ni yamaha sa de kambyo ay mga 2700 at sa mio naman ay 3000 monthly at sa suzuki ay nasa 2900 sa de kambyo at sa scooter ay 3000+ kaya mejo mataas sila at dahil sa quality at convinient nilang gamitin yung tipong hindi ka na halos magset up ng accessories ay pogi na, yet medyo mahal sila dahil sa kung ikaw ay may asawa hindi ito papasok sa monthly sigurado mashoshort kaya dahil magbebase ka parin sa income mo o ninyo kahit kasi pareho kayong magasawa ay hindi parin pasok o ipipilit nalang ipasok sa monthly bills dahil sa medyo mataas, para kasi sakin danas ko ito yung tipong pambili nalang ng brief ay ihuhulog nalang ng mothly o ipambibili nalang ng accessories at aasa ka nalang na sa pasko ay may magregalo ng brief para iwas gastos hahaha,
tandaan nyo ang pagpili nang isang motorsiklo ay nababagay sa itsura mo rin kung minsan TOTOO po may binabagayan din ang isang motor sa katawan ng isang tao dahil kung mejo maliit ka ay mag bibigbike ka ay hindi bagay sayo sigurado at kung ikaw naman ay malaki ay hindi naman bagay sayo ang mga scooter magmumukhang hirap na hirap ang makina ng scooter mo dahil sa sobrang laki mo ay maliit na itong tignan kaya masmaganda rin siguro na bago ka pumili nang motor ay magtanong ka muna sa iba kung bagay ba sayo or magpapicture ka habang nakaupo at tignan mo kung bagay ba sayo ang kursunada mong motorsiklo,
tandaan lang na marami ang option sa pagpili sa nababagay sa iyong motorsiklo uulitin ko, pasok ba sa budget?check ang monthly income kung kaya ba ang mothly bills ang motorsiklo,dapat may matira pa sa iyo dahil una mag ga-gas ka halos daily at sure seset-upan mo yan at please ang gagastusin ay wag ipapangutang lalot ito ay hulugan, mahirap kasing bumawi ng hulug kapag tambak na ang iyong mga babayaran,sikapin na advance ang inyong hulog ng 3 months pataas,dahil para kung sakaling mawala ka sa trabaho ay may allowance kang tatlong buwan dahil kung mawawalan ka ng trabaho ngayon ay for sure after 2-3 months ay makakapsok kana at after 1 month kapa makakaluwag at sasakto yun sa allowance mong 3months na hulog dahil masmahirap na aasa ka lagi na may sasahurin ka naman monthly kaya dun mo idedepende ang monthly mo, wag kang masyado umasa dahil iba takbo ng mundo kaya masmaganda na maagap ka o sigurado ka, ngayon anu ba ang motorsiklo mo?
YAMAHA,HONDA,SUZUKI,KAWASAKI?
Sana ay nakatulong ako sa inyo sa pagpili ng tamang motorsiklo para sa inyo tandaan lang ay pagisipan munang maigi upang hindi magsisi,pwedeng magtanong-tanong o pwedeng magbasa-basa pwede kayo magbasa sa mga article ko na nasa gilid upang mapunan ang mga tanong sa inyong mga isipan may mga nasulat narin kasi ako na pwede nyong basahin na siguradong may matututunan kayo, libre po ito kaya enjoy lang po mga sir at i enjoy ang ating lifestyle...
we ride as one ....
Nice bLog two thumbs up
ReplyDeletethank you sir
Deletesalamat kasi ngayon nagiisip ako na kumuha ng motor. i'm a girl so i dont have any idea about motorcycle.. since it would be my first time to buy.
ReplyDeleteMy parents only have cars and i couldnt ask them