Tuesday, January 10, 2017

ANU BA ANG PINAGKAIBA NG BLUECORE AT YM JET F.I.?

Dalawang klase na ang ni-released ni YAMAHA PHILIPPINES
 na fuel injected dito sa pilipinas,pero alam mo ba ang pinagkaiba ng dalawang ito? BLUECORE at YM JET F.I.
bukod kasi  sa pareho silang fuel injected o napakatipid nila sa gas ay may comparison sila tulad ng mga materyales na ginamit sa kanila dahil ang ym jet f.i ay may halong thailand at indonesia ang parts, samantalang ang blue core naman ay purong indonesia, ang mga bansang ito kasi ay may mga meaning pagdating sa materyales sa pag gawa ika nga e quality alam naman natin na pag sinabing pure thailand ay talagang matibay tulad ng yamaha fino at mio 4 na 5vv pure thailand parts kaya masasabi ko na may ibinaba sila para sa quality ng konting konti lang para mameet nila ang budget para sa isang motorsiklo na seventy thousand diba, imagine yamaha sporty 115 carb type sixty five thousand samantalang ang pinaka mababang fuel injected ay seventy thousand, ibigsabihin five thousand lang ang difference ng isang fuel injected sa carb type diba? dun palang magtataka kana, kaya for me may binago sila sa materyales na ginamit upang mameet ang kanilang budget meal na motorsiklo sa merkado,
mabalik tayo sa topic  ang pinagkaiba kasi ng  BLUECORE sa YM JET F.I. ay ang blue core kasi ay 2nd generation na pagdating sa fuel injected technology, kung saan ay hindi na sya masyadong nagrerelai o umaasa  sa battery,
 ibigsabihin kahit walang battery ay pu-pwede syang umandar,may time kasi o pwede kang tumirik ng bigla kapag naputukan ka ng fuse sa fuse box ng battery line, kapag ito kasi ang nangyare ay pwedeng huminto ang iyong matorsiklo at wala kahit na anung ilaw sa iyon motorsiklo tulad ng odometer parklight pero kapag iyong ikinick start ay aandar ulit ito,automatic na kukuha ng ibang supply ang iyong makina, kung dati kasi sa battery,ngayon  ay kukuha sya directly sa magneto, pero ito ay medyo delikado dahil kung ikaw ay naka LED ay pwede ito masira kung kayat masmaganda ay may extra kang  fuse sa iyong compartment kapag ikaw ay babyahe ika nga ay may spare ka lagi, para agad agad mo itong papalitan kahit sabihin na natin na aandar ka parin, masmaganda na mapalitan kaagad,

samantalang ang YM JET FUEL INJECTED naman ay titirik kapag ang fuse battery ay putol sa fuse box or kung ang battery mo ay totaly drain,titirik ka sa daan na kahit anung kick mo ay hindi ito aandar at walang kahit anung power,at kahit magparescue ka sa nagdaraan ay wala rin kahit itest nyo na mag series (ang series ay yung kukuha ng 2 wire na ikokonekta sa isang battery upang makapagstart malimit na ginagawa sa mga kotse na tumurik) ito kasi ay magagawa mo mag start gamit ang kanyang power supply nang nagrescue,ngunit kapag binunot nya ang wire na galing sa battery nya ay mamatay parin itong YM JET F.I. mu kung kayat kung ikaw ay magpapa-rescue ay magpadala nalang ng bagong battery at sabayan mo na nang fuse para mas sure at yun aandar na ulit ang iyong motorsiklo at tuloy ang byahe, kung kayat ito ang kanilang pinagkaiba ang BLUECORE ay 2nd generation na inimprove nila ang driving o convinient sa byahe at ang YM JET F.I ay 1st generastion na halos battery supply ang kailangan sa pag andar,
ang YM JET F.I. na nilabas ni YAMAHA ay ang MIO SOUL I 115 F.I @ MIO MXI noong 2012 at ang mga BLUE CORE naman ay MIO SOUL I 125 @ MIO I 125 na nireleased nitong 2015-2016
pero ngayon 2017 ay meron nalang sa ym jet f.i ay ang mxi dahil narin siguro sa mataas ang sales nila dito at dahil narin sa 125 cc ito kung kayat still selling on the market, kaya for me ay nasa sa inyo na kung anu ang fuel injected na gusto nyo para sa inyong daily use same pareho naman silang ok na ok  kasi dahil narin sa fuel efficient kung kayat ngayon ay nalaman nyo na ang differents kaya kayo na mag adjust or should i say mag tuklas pa para sa ikabubuti ng napili o nakuha nyong motor galing kay yamaha, sana ay nakatulong ako para sa konting idea na naibigay para sa inyo, pwede kayong magfollow sa mga blog ko nasa gilid lang po ang ibang link ng aking blog upang masmatuto pa kayo sa inyo motorsiklo, maraming salamat im just sharing may simple knowledge godbless

4 comments:

  1. Ty dito sa post mo paps..very informative..

    ReplyDelete
  2. Ano naman kaibahan ng ym jet fi sa pgm fi ng honda? Ty po sa sagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ym jet fi ay yamaha. pgm fi ay honda. sama ba ako?

      Delete